Kabanata 19

1217 Words
Syl "Happy fiesta po," bati ko sa mga bagong dating na bisita. Hindi ko na gaanong matandaan ang pangalan ng ibang dumayo sa aming bahay ngunit mukhang kilala nila kami ni Joaquin dahil may ilan sa kanilang nag-isip na mag-asawa na kami. I helped Rhyz give food to our guests while Joaquin was helping my mom entertain them. Hindi kami nagpapansinan ni Rhyz. Ayaw ko ring basagin ang katahimikan sa pagitan namin dahil baka magsungit siya sa akin kahit na may ibang taong nakakikita. "Kumusta ka na, Syl? Ang tagal nating hindi nagkita. Gumanda ka lalo at ang kinis-kinis ng balat mo," puri ng isa sa mga dati kong kaklase. I smiled. "Salamat." I pinched her daughter's cheek. "Ang cute naman. Anak mo na 'to?" "Oo. Pangatlo na." She rubbed her belly. "Ito pang-apat." I was taken aback. Pang-apat? Napag-iiwanan na ba ako o sadyang masipag lamang silang gumawa? "Si Rex ang tatay?" I asked. Iyon kasi ang kilala kong boyfriend niya noon. "Naku, hindi. Iyong panganay lang ang kay Rex. Naghiwalay kami tapos naging nobyo ko si Dj." "Ah." Napakamot ako ng patilya. "Si . . . si Dj 'yong . . . 'yong isang pinsan ni Rex?" "Oo, 'yon!" Tumawa siya. "Matalas pa ang memorya mo, sis." I forced a smile. "B-Buti hindi naman awkward sa kanilang magpinsan? Saka buti tanggap naman ni Dj ang panganay mo?" "Ay 'yong panganay ko, 'yong nanay ni Rex ang nag-aalaga. 'Yong anak naman namin ni Dj, nasa mga magulang ko. Itong si Arianna lang ang nasa akin pero baka kapag nanganak ako, ibigay ko na rin kila mama." Napahinto ako sa akmang paglalagay ng igado sa plato niya. "S-Sorry, w-wala sa'yo ang . . . mga anak mo? Bakit?" "Palagi kasi naming pinag-aawayan ni Dj 'yong panganay ko. Nabubugbog niya 'yong si Karl kaya ibinigay ko na sa nanay ni Rex. 'Yong pangalawa naman, hindi namin kayang buhayin lalo at may parating pang isa." My heart sunk. Hindi pala kayang buhayin, bakit . . . nagpabuntis ulit? Humigpit ang hawak ko sa sandok habang nakatitig ako sa kanya. The disbelief I felt was surely evident on my face. Mukhang nahalata ako ni Joaquin kaya nagpaalam sa mga bisita upang lapitan ako. "Ako na ang kukuha ng pagkain nilang mag-ina. Magpahinga ka na muna sa loob." I nodded before I let Joaquin attend to our former schoolmate. Pumasok ako sa kwarto at sinubukang pakalmahin ang sarili ko dahil nakaramdam talaga ako ng inis. I sat on the bed and bowed my head while I take deep breaths. Yes, it is not my business, but the kids do not deserve that. Siguro apektado ako dahil minsan ko nang iniwanan ang Sta. Ana dahil pakiramdam ko nag-anak nang nag-anak ang mga magulang ko kahit hindi sila financially capable na bumuhay ng maraming anak. The door opened after a few minutes. Napaangat ako ng tingin. Joaquin shut the door before he went to sit next to me. "What happened?" he asked. I sighed. "Na-stress lang ako sa usapan namin." "Naalala mo ang sarili mo, hmm?" I swallowed the lump forming in my throat. "Somehow, but unlike my parents who still tried to feed us kahit talagang kapos na kapos na, I cannot believe that she will have the courage to do that to her kids. I mean, sinasaktan pala ang panganay niya no'ng ipinalit niya kay Rex, bakit hindi niya hiniwalayan? Mas importante ba ang nararamdaman niya kaysa sa safety no'ng bata? Imbes na iwan niya at piliin niya ang kapakanan ng anak niya, mas ginusto niya pang ibigay sa nanay ni Rex. Tapos hindi naman pala nila kayang bumuhay ng maraming anak, nag-anak ulit. And what did she do to her second child? Ibinigay sa magulang niya?" Hindi ko napansing naluha na ako dahil sa magkahalong inis at awa sa mga bata. "Bakit ba may gano'ng nanay? Tapos ngayong buntis na naman siya, balak niya ring ibigay sa magulang niya 'yong pangatlo. Ano bang akala niya sa mga anak niya? Tuta? Sa mga magulang niya? Orphanage?" Joaquin rubbed my back. Hindi siya kumibo. Hindi rin niya ako pinagsabihan na hindi ko naman 'yon dapat problemahin. Hinayaan lang niya akong mailabas ang sama ng loob na nararamdaman ko. Honestly, I know it's not really something that should concern me. Hindi ko naman anak ang mga 'yon, pero tao lang ako. Hindi ako perpekto, pero marunong din akong masaktan para sa iba. Joaquin sighed. "That's the sad reality, Syl. Some people do not care about the consequences of their actions. She's one of the many parents who don't really care about their kids' well-being. Hindi nila naiisip na hindi natatapos ang pagiging ina sa pagsilang sa mga anak nila." Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. "I get it. You're triggered because at one point of your life, you held grudges for your parents as well." Suminghot ako. "Hindi sa nagmamalinis ako. Kaya nga ako lumayas kasi pakiramdam ko ipinanganak kami kahit na hindi pala kaya nina Mama at Papa na ibigay lahat ng pangangailangan namin, pero nasasaktan ako kasi . . . kasi bakit gano'n? Bakit parang ang hirap isipin muna ang magiging kinabukasan ng mga anak? Maiintindihan ko kung nag-abroad siya o nagtrabaho sa malayo kaya kailangan niyang ipaalaga sa iba ang mga bata pero hindi. Nakakagalit kahit wala naman akong karapatang makialam sa sitwasyon nila." He wiped my cheeks before he finally pulled me for a hug. Alam ko namang naiintindihan niya rin ako. Pareho kaming lumaki sa hirap. Alam kong kahit paano ay napatanong na rin siya noon sa sarili niya ng parehong bagay. Bakit nga ba ganoon? Bakit nga ba may mga magulang na handang makita ang mga anak na mahirapan sa buhay? I sniffed as I hugged him back. "Kapag . . . kapag nagkaanak ako, kahit magkandakuba ako, hinding-hindi ko hahayaang maranasan niya 'yon. Kahit mag-OFW ako, tatawagan ko siya palagi at palagi kong ipaparamdam na mahal na mahal ko siya. Bago ako magpapasok ng bagong lalake sa buhay ko, sisiguraduhin ko munang matatanggap siya at ituturing na tunay na anak dahil makakapatay ako oras na saktan ang anak ko." Joaquin inhaled a sharp breath. "You won't go abroad, you won't have to leave your baby to your mother, and you will never have to make sure that someone else will harm your child . . . dahil hindi ako papayag." My heart pounced. Napaangat ako ng tingin sa kanya habang pumapatak ang aking mga luha. "B-Bakit?" His eyes softened as he wiped my cheeks. Tila ba napabagsak ko ang depensa niya't nawala siya sa bersyon niyang may sama ng loob sa akin. "Dahil ako ang bubuntis sa'yo. Ako ang kakayod para sa atin. At ako ang magmamahal sa lahat ng batang lalaki diyan sa tiyan mo." My eyes blinked twice. "P-Pero . . . paano si Mysha? H-Hihiwalayan mo ba siya o . . . itatago mo lang kami ng magiging anak natin?" Natigilan siya't tila napabalik sa sarili. Maya-maya ay umiwas siya ng tingin saka niya ako pinakawalan. Joaquin stood up then sighed. "Get some rest. Tutulong muna ako sa labas." Napatitig na lamang ako sa pinto matapos niyang lumabas habang nakapinta sa aking mukha ang labis na pagtataka dahil sa sinabi niya. I sighed. Ano ba talaga ang tumatakbo sa isip mo, Joaquin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD