Kabanata 20

1473 Words
Syl Magdadapit-hapon na nang magsidatingan ang mga dati naming kaibigan ni Joaquin noong high school. Pumwesto kami roon sa may likod-bahay at doon nagpasyang mag-inuman. It was like a mini reunion. Karamihan sa kanila ay may mga anak na. Iyong iba ay kauuwi lang galing ng abroad habang iyong iba ay rito lamang din sa Sta. Ana nakahanap ng trabaho. "Pinaka-big time 'tong si Joaquin panigurado. Tingnan mo naman, relo pa lang alam mo nang kayang bumuhay ng labindalawang pamilya!" biro ng isa sa mga kaibigan namin. Joaquin flashed a shy smile. "Nah." Ininom niya ang laman ng basong hawak. "Sinwerte lang." "Swerte talaga. Anak ba naman ni Don Narciso," ani Cedric na nakapagpaigting sa panga ni Joaquin. I made a mental note to clarify about it to Joaquin later. Ang alam ko kasi ay inampon siya ni Don Narciso, pero bakit ang sabi ni Cedric ay anak siya? Tumingin sa akin si Sharie, isa rin sa mga kaibigan namin. "Ikaw ba, Syl? Ano nang nangyari sa'yo? Nag-aral ka ba noong nasa Maynila ka?" Bigla akong tinamaan ng hiya dahil alam ko sa sarili ko kung ano ang inatupag ko sa syudad. It's not something that I could openly admit to other people. Lalo na sa mga tao rito sa amin. Joaquin held my knee then gently squeezed it. Tila sinasabihan akong siya na ang sasagot para sa akin. Mabuti na lang at mukhang naramdaman niyang hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Masyado siyang naging abala sa trabaho niya kaya hindi na naharap pumasok, pero kung gugustuhin niyang magpatuloy, pwede naman," ani Joaquin. Ngumisi ang mga kaibigan namin bago nagbiro iyong isa na mukhang lasing na dahil namumula na ang magkabilang pisngi. "Grabe, sis swerte mo diyan kay Joaquin. Mukhang magbubuhay reyna ka, ah?" I flashed an awkward smile before I grabbed my glass. Nainom ko ang lahat ng laman nang maramdaman kong sumipa ang hiya sa aking dibdib. My stomach twisted to the fact that I haven't really accomplished anything great in life. Ako itong pinakaambisyosa sa aming lahat noon, pero parang ako pa ang napag-iwanan. Tahimik ko silang pinagmasdan habang nagkikwentuhan sila tungkol sa kanya-kanya nilang mga buhay. Some of them found fulfilling careers without leaving Sta. Ana. Some felt whole when they became mothers, while some chose to go abroad to give their families a good life. Nanikip ang dibdib ko sa masakit na reyalisasyon. I could've built a career in Sta. Ana if only I didn't loath this place. Or I could've had a little more faith in Joaquin and became a mother. Pwede ring umalis ako ngunit ang bigyan ng magandang buhay ang pamilya ko ang naging motibasyon ko imbes na kamuhian ko ang buhay na mayroon kami. Maybe . . . maybe I'd feel more fulfilled. "Anong iniisip mo, Syl at natahimik ka?" tanong ni Cedric. I sighed. Napatingin din sa akin si Joaquin habang nananatili sa aking tuhod ang kanyang palad. Tila ba maging siya ay naghihintay sa aking sagot. "Wala." I forced a smile. "Naisip ko lang na nagkamali ako noong umalis ako ng Sta. Ana. Maybe the problem wasn't entirely poverty. Maybe it's the way I saw things back then. Masyado kong minaliit ang Sta. Ana. Iyong pinagtuunan ko lamang ng pansin ay iyong mga ayaw ko at gusto kong takbuhan. Naging sarado ang mga mata ko sa pagsisikap ng iba." "At sa ibang depenisyon ng tagumpay?" makahulugang dugtong ni Joaquin sa sinabi ko. I swallowed the lump forming in my throat before I nodded. "Maybe back then, my only definition of success was gaining a lot of money and material possessions. I didn't realize that life isn't all about wealth." Umismid si Yolly, isa rin naming kaibigan. "Eh, ano pa ba ang depinisyon ng tagumpay kun'di ang magkapera? Ang hindi na mamroblema pa sa kakainin kinabukasan ang mga anak mo? Baka naiisip mo na lang 'yan ngayon dahil may salapi na kayo?" Umayos ako ng upo at sandaling nakiramdam. "Oo, mahalaga iyon. Mahalaga ring matutunan ang pagkakaroon ng kakayahang bumuhay ng pamilya nang hindi nahihirapan ang mga anak, but there's more to life than money can buy." "Tama si Syl." Joaquin poured himself some more brandy. "Ang pera, kasangkapan lang. It helps you acquire the freedom to live your life the way you wanted. You wanna be comfortable in life? Money can help you do that. You wanna give your family a good future? Money can definitely help you build that future. Pero huwag n'yo ring kalimutan na kasangkapan lang ang pera. Hindi 'yan ang mismong nagdidikta kung matagumpay ka na ba talaga o hindi." Napalunok ako nang tamaan sa sinabi ni Joaquin. Siguro ay dahil alam ko sa sarili kong para rin naman talaga sa akin iyong sinabi niya. "Bakit, pare? Ano ba ang depenisyon ng tagumpay para sa'yo?" tanong ni Matt. Joaquin licked his lower lip then squeezed my knee in a controlled manner. "Depende pa rin sa tao. Pero kung ako ang tatanungin, masasabi kong matagumpay na ko kung gumigising ako bawat umaga na wala na ang laman na ng panalangin ko ay puro pagpapasalamat sa Diyos, imbes na hinaing." I couldn't help but stare at him while I internalized his answer. Somehow I got his point. Iyong wala ka nang mahihiling pa. Iyong tipong hindi ka na mag-aalala kung may sasaingin pa ba kinabukasan. May peace of mind ka kasi alam mong mahal ka ng katuwang mo sa buhay. Malakas ang pangangatawan ng mga taong mahalaga sa'yo. Wala kang kaaway. Nagagawa mo ang gusto mo. May kapayapaan sa puso mo. Siguro . . . iyon naman din talaga ang pangarap ko. Sadyang akala ko lang noon ay yumaman ang gusto kong makamit kasi akala ko noon, pera ang pinagmumulan ng lahat ng problema ng pamilya ko. I didn't realize that my dream was to wake up without feeling any distress, have the freedom to navigate my life according to my liking, and live a life filled with peace and love. "Wala na, mga lasing na kayo. Ganyan na ang takbo ng usapan," ani Robin, ang bading naming kaibigan. Nagtawanan ang ilan habang ininom naman ni Joaquin ang laman ng kanyang baso. Kinuha ko naman ang pagkakataon para sumandal sa kanyang balikat. I even entwined our fingers before I watched our friends talk about their lives. Nakikisali pa rin kami ni Joaquin sa usapan, ngunit nang lumalim ang gabi at naparami na ng inom ang mga kasama ay nagpaalam na rin kaming papasok na sa loob. Joaquin and I sat on the edge of the bed. Naghuhubad siya ng sapatos nang kunin ko ang kamay niya't hinalikan. He looked at me with his sleepy eyes. Tila hinihintay na basagin ko ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa. I flashed a faint smile. "Naiintindihan ko na ngayon kung . . . ano ang depenisyon ko ng tagumpay." I swallowed the lump forming in my throat. "Sana . . . hindi pa maging huli ang lahat para maipakita ko sa'yo na handa kong simulan ulit ang buhay ko. This time, I wanted to achieve success in the right way . . . at sana, kasama kita habang inaabot ko 'yon." Joaquin sighed before he dodged my gaze. "Depende sa magiging takbo ng mga susunod na linggo, but it's a good thing that you're starting to figure out what you really want in life," he answered. I gently squeezed his hand. "Pwede ko bang . . . malaman kung totoo ka talagang anak ni Don Narciso o kung . . . inampon ka lang niya?" I saw his adam's apple bobbed up and down. Maya-maya ay tuluyan niyang sinalubong ang aking tingin. "Don Narciso is my biological father. She and my mother had a secret relationship back then but my mother didn't feel worthy to be with him. Dahil mahirap lang ang pamilya ni Mama at may kalayuan ang agwat ng edad nila." Napalunok ako. "K-Kailan mo . . . nalamang siya ang tunay mong tatay?" Umiwas siyang muli ng tingin ngunit bakas ang pait sa mga mata niya. He shut his eyes for a moment and then sighed. "Noong namatay ang mama ko, naipagtapat sa akin ni Don Narciso ang lahat. He said I will inherit everything he has but . . . there's a catch." My forehead creased. "A-Ano 'yon?" His phone vibrated. Dinukot niya iyon sa bulsa para tingnan ang natanggap na text message. Nagawa kong basahin ang ilang salita bago niya itinaob ang cellphone. Joaquin sighed. "I cannot tell you," he answered in a breathy way. "Maliligo lang ako. Aalis ako maya-maya. Baka anong oras na ako makabalik kaya huwag mo na kong hintayin," he added before he stood up and went to the bathroom. Napatitig na lamang ako sa pinto ng banyo habang iniisip ang nabasang text. Ano ba talagang inaasikaso mo para kay Don Narciso, Joaquin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD