Kabanata 14

1457 Words
Syl "PARANG may mga nagkakabit ng banderitas, Ma? Pyesta na ba?" tanong ko kay Mama nang makalabas ako ng sasakyan ni Joaquin. Abala naman si Joaquin na kunin ang mga ipinamiling stocks para sa pamilya ko. Siya lamang mag-isa kanina ang nagtungo sa shopping center. Binalikan niya lamang ako sa mansyon noong nakapamili na siya. "Oo, anak sa Sabado na. Nahuli na nga ang paglalagay ng mga banderitas. Dapat ay noong isang linggo pa 'yan." Tumingin si Mama kay Joaquin. "Ang batang ito talaga. Sinabi ko na ngang kaya ko naman nang bumili ng mga pangangailangan, hindi talaga nagpapapigil." My heart swelled as we both watched Joaquin bring the stocks inside. Looks like he makes sure my family has enough food all the time. Tila ba pinasan ni Joaquin ang responsibilidad ni Papa kahit na hindi niya naman iyon kailangang gawin. "Anak?" tawag ni Mama nang makapasok si Joaquin sa loob ng bahay. "Po?" She tucked my hair behind my ear. "Huwag mo na sanang iiwan 'yang nobyo mo. Napakalaki ng pagmamahal niya para sa'yo para danasin niyang muli ang pinagdaanan niya noong iwanan mo kaming lahat." My eyes glistened with guilt. Ang dami kong nasaktan noong iniwanan ko ang Sta. Ana ngunit sa kanilang lahat, tingin ko ang pinakanasaktan nang husto ay si Joaquin. Halos lahat ng naririto ay siya ang concern. Hindi naman din lingid sa kaalaman kong usap-usapan kami rito sa lugar namin. Malamang ay maraming nag-iisip na tanga si Joaquin dahil nakipagbalikan pa sa akin. I couldn't blame them. Kahit naman ako ay galit sa sarili ko. I forced a smile. "Opo, Ma." Makuha ko lang ulit ang loob ni Joaquin, hinding-hindi ko na siya iiwan pa. She smiled back. "Halika. May buko juice doon sa likod. Ang daming dinala ni Cedric kanina." "Palagi ho ba siyang nagdadala rito o ngayon lang?" usyoso ko habang naglalakad kami ni Mama patungo sa kubong nasa likod-bahay. "Kahit noon pa man. Isa rin iyon sa tumulong na maghanap sa'yo. Kapag tapos na siyang mag-deliver, mamamasyal 'yon dito at magdadala ng gulay o ng kahit na anong maaaring ulamin. Maging ang mga dati mong kaeskwela, dumadalaw rito sa amin. Sumasama kay Cedric para tumulong lalo na noong ipinagagawa itong bahay." Piniga ni Mama ang kamay ko. "Maraming nagmamahal sa'yo rito, Syl." I swallowed the lump forming in my throat. Siguro hindi ko napansin ang mga taong nagmamahal sa akin at mga taong gusto akong manatili sa Sta. Ana dahil wala naman akong ibang pinansin noon kun'di ang kahirapan. Ang tingin ko noon sa Sta. Ana ay sinumpaang lugar. Na kung hindi ko lilisanin ay habambuhay akong malulugmok sa buhay. But maybe that's where I got it wrong. Maybe the problem isn't our place, but how I view things. Baka pwede namang umangat sa lugar na ito kung may tamang diskarte lang ako noon. Baka imbes na magalit ako sa mga magulang ko, dapat humanap na lamang ako ng ibang paraan para kumita ng pera. I don't know. Maybe success isn't found in a specific place. Baka nasa tao pa rin iyon. Baka sadyang marami lang sa mga kalugar ko sa Sta. Ana ang nakuntento na sa buhay na mayroon sila. Baka ang pagkakamali ko ay natakot akong magaya sa kanila kahit na magkaiba naman kami. Siguro dapat hindi ko ikinumpara ang sarili ko sa kanila at isinisi sa lugar na ito ang buhay ko. "Rhyz! Pakilagyan mo na nga ng tubig 'yong inuman ng mga manok, anak!" sigaw ni Mama nang makita si Rhyz na nagwawalis malapit sa kulungan ng mga manok. My mom has a piggery and a small poultry for egg-layers. Iyong mga itlog ng manok ay mukhang ibinibenta niya sa mga naglalako sa palengke habang iyong mga itlog ng itik ay ginagawang itlog na maalat. Nakapagpundar na rin siya ng ilang kambing at kalabaw na ipinapastol sa malapit. Joaquin funded my mother's business. Kahit na galit na siya sa akin noong mga panahong nagkapera siya at nakaangat sa buhay, hindi niya pinabayaan ang pamilyang inabandona ko. I sighed while roaming my eyes around my mother's small piggery. Hindi ko na talaga alam paano ko pa pasasalamatan si Joaquin para sa lahat ng nagawa niya sa pamilya ko. Rhyz gave me a side eye before she did what our mother asked. Hindi ko na lamang inintindi nang hindi kami mag-away sa harap ni Mama. Instead, I took the initiative to help her. Pinigilan ako ni Mama dahil baka marumihan daw ako ngunit nagpumilit pa rin ako. "Kaya ko 'to, Ma. Tulungan ko na kayong maglinis ng kulungan ng baboy," presinta ko. Rhyz hissed. "Ayan, tama 'yan nang magkaroon ka naman ng silbi. Hindi 'yong puro na lang sama ng loob ang ambag mo." "Rhyz!" sita ni Mama. My sister glared at me. Padabog niyang ibinalik ang tabo sa balde saka siya nagmartsa patungo sa mga kambing upang iyon naman ang painumin. Bumuntonghininga na lamang din ako saka ko kinuha ang hose na gagamiting panlinis. "Magbota ka, anak," si Mama saka niya iniabot ang bota sa akin ngunit bago ko pa iyon naisuot ay lumabas na ng bahay si Joaquin. Lumapit siya sa amin nang nakakunot ang noo. Marahil ay nagtataka kung ano ang balak kong gawin. "What are you doing?" he asked. "Tutulong lang akong maglinis ng mga koral." Joaquin shook his head. "Give that to me. I'll do it instead." "Pero gusto kong subukan." Humigpit ang hawak ko sa hose. "Gusto kong . . . makatulong man lang." As if Joaquin had sensed my eagerness to help around, he heaved a sigh then grabbed the other pair of boots. Pinakapit niya ako sa balikat niya't siya ang nagsuot ng bota sa akin. Maya-maya ay iniangat niya ako't ipinasok sa kulungan bago niya isinuot ang isa pang pares ng bota. Ngumingiti-ngiti si Mama noong pumasok si Joaquin sa kulungan. She then handed Joaquin the broomstick while I held the water hose. "Ako ang magwawalis. Tapatan mo ng tubig ang mga baboy," seryosong sabi ni Joaquin. I did what he asked me to do. Pinaliguan ko ang mga baboy habang winalisan naman niya ang sahig. Habang ginagawa namin iyon ay may bigla akong naisip dahilan upang matulala ako kay Joaquin. He looked at me and saw me spacing out. Umayos siya ng tindig at kinuha ang hose mula sa akin. "Why?" he asked in a cold way after mom went to Rhyz. I inhaled a sharp breath and flashed a small smile. "Wala lang. N-Naisip ko lang na . . . siguro kung . . . kung nagtyaga pa ako ng kaunti rito sa atin noon, baka pwede namang bumili tayo ng isang baboy tapos pagtyagaang paramihin." I swallowed the lump that's beginning to build up in my throat as I start to get a little emotional. "Maybe . . . maybe we could've started something together and . . . and grow it t-together." Joaquin sighed. "Kung nakapaghintay ka pa ng kaunti, hindi mo kailangang umalis noon. May mga plano na ako para sa kinabukasan natin noon, Syl. Inisip kita dahil alam kong pagod ka na sa buhay na mayroon tayo. I cannot blame you, but I was disappointed, too because it showed how little your faith in me was back then. Akala mo siguro ay pagmamahal lang ang balak kong ibigay sa'yo." "Inisip ko lang naman noon na pareho tayong nakatali sa kanya-kanya nating responsibilidad. Akala ko . . ." I looked up as the corners of my eyes started to sting. "Akala ko kapag nagsama na tayo, ganoon pa rin ang magiging sistema. Natakot akong . . . patayin ng hirap ng buhay ang pagmamahal natin sa isa't isa." His jaw clenched. Maya-maya ay pumikit siya na tila sinusubukang magkontrol ng sarili. Nang magmulat ng mga mata ay madilim na ang ekspresyon. "Sa tingin mo ba ay pababayaan kong mangyari 'yon? Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang matulog na kumakalam ang sikmura? Na tumira sa bahay na tumutulo ang bubong? Parte ka ng mga pangarap ko, Syl. Kahit magkandakuba ako, wala akong pakialam basta maibigay ko lang sa'yo ang buhay na gusto mo. Pero hindi ka nakapaghintay." My eyes swelled with tears. "S-Sorry . . ." He shook his head. "Tapusin na natin ang paglilinis dito. Tutulong pa ako sa mga kabaryo para sa paghahanda sa pyesta." I watched him continue what he was doing. Nang hindi ako nakatiis ay lumapit ako't hinaplos ang likod ng kanyang ulo. "Nainip ako, pero hindi ibig sabihin hindi kita mahal." Joaquin threw me a side eye. "Patunayan mo, dahil wala na ko sa edad na mapapaniwala pa rin ako ng mga salita mo." I sniffed. Huwag kang mag-alala, mahal. Hinding-hindi ako susuko hangga't hindi ko napapatunayang mahal na mahal kita magmula pa noon . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD