Syl
What I found out from Rhyz bothered me. Halos hindi matahimik ang isip ko kaiisip tungkol sa nangyari sa kanya noong mga panahong wala ako. Hindi tuloy ako makausap nang maayos. Muntik na rin akong masugat kanina habang naghihiwa dahil lumilipad ang isip ko.
"May problema ka ba, Syl? Nagtalo ka ba kayo ni Joaquin?" usyoso ni Mama. Siguro ay hindi na nakatiis kaya nagtanong na.
I forced a smile and then shook my head. "Hindi po, Ma," sagot ko.
"Oh, eh bakit ganyan ang mukha mo, anak? Pagod ka na ba?"
Umiling ako. Sa sulok ng aking mata ay nakita ko kung papaano kami binato ni Rhyz ng matalim na tingin. Halatang nagseselos at masama ang loob dahil sa nakikitang pag-aalala sa akin ni Mama.
Hindi ko siya masisisi. Kung nagkapalit kami ng sitwasyon ay ganoon din siguro ang mararamdaman ko. It would feel so unfair. Kaya kahit na nababastos na ako ng sarili kong kapatid ay pakiramdam ko wala akong karapatang masaktan.
"Ayos lang ho ako, Ma. Huwag ka na hong mag-alala sa'kin," sabi ko na lang.
"Oh, sige pero kung nangangalay na ang kamay mo, bitiwan mo na 'yan at tawagin mo si Rhyz nang siya naman ang maghiwa."
"Hindi na ho. Kaya ko naman. Pagod na rin ho siya."
I glanced at my sister who's helping look after the dishes being cooked. Nang magtama ang tingin namin ay kaagad niya akong inirapan. Napabuntonghininga na lamang tuloy ako. Mukhang lumalala lang ang galit niya sa akin dahil masyado akong inaasikaso ni Mama.
I understand why our mother is acting this way. Siguro sinisisi niya ang sarili niya kung bakit ako lumayas. Naa-appreciate ko naman si Mama. Hindi ko lang din maiwasang ma-guilty dahil halos sa akin na nga lang naman nakatutok ang atensyon niya ngayon.
Siguro iniisip ng kapatid ko ay ako na nga itong nang-iwan, ako pa ang mas niyayakap ngayon nang husto sa pamilya.
Napalingon ako sa direksyon nina Joaquin. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin habang bahagyang magkasalubong ang may kakapalan niyang kilay. Tila ba pinag-aaralan niya ang ekspresyon ko kaya ganoon kung tumingin.
I tried to smile at him before I bowed, pretending to be busy with what I am doing. Nakipagkwentuhan na lamang din ako sa ibang kasama kong naghihiwa. Umaasang hindi na magsususpetsa sina Joaquin at Mama tungkol sa tunay kong nararamdaman.
I sighed before I finally put down my knife. Natapos din kami sa wakas sa paghihiwa kaya nang makapaghugas ng kamay ay nagpasya akong magpunta sa ilalim ng puno ng mangga. Mayroong duyan doon na gawa sa kahoy. I sat on the swing and looked up while my mind is in total chaos.
Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan ang paglapit ni Joaquin. He stood in front of me and then handed me a cold bottle of beer.
"Kanina ka pa tahimik. What the hell happened?" he asked after I accepted the drink.
Bumuntonghininga ako habang nakatitig sa bote ng alak. "W-Wala. May . . . nalaman lang ako na . . . nakapagpabigat nang husto sa dibdib ko."
"What is it?" tanong niyang muli.
I swallowed the lump forming in my throat as the corners of my eyes started to sting. Wala pa man ay parang gusto ko nang umiyak dahil kinakain ako nang husto ng kunsensya ko.
"Ang . . . selfish ko kasi." Suminghot ako. "Noong lumayas ako rito, wala akong ibang inisip kun'di ang magkaroon ng magandang buhay. Napagod ako nang husto sa sistema ng pamilya namin. I was desperate to escape poverty so I did what I thought was right at that time, not realizing the prize I had to pay just to get out of the poor life I was born into." Basag akong ngumiti. "Pero tingnan mo? Hindi rin naman naging worth it. Nagkapera nga ako, hindi ko naman din maipagmalaki kung saan ko ba kinuha."
Joaquin breathed out a sharp breath before he sat next to me. Hindi niya ako tiningnan ngunit sapat na ang lungkot na nakaguhit sa gwapo niyang mukha para malaman kong wala siyang balak manumbat sa akin sa pagkakataong ito.
"You were okay until you and Rhyz had a talk. What did she say to you, hmm?" he asked in a bit gentler tone as if he forgot to hide his concern towards me.
Sandali kong pinuno ng hangin ang dibdib ko. Nang kinulang ang lakas ng loob kong labanan ang bigat ng dibdib na nararamdaman ko ay tinungga ko ang bote.
"I-Is it true? T-That Rhyz was almost r***d before?"
Joaquin shut his eyes before he nodded. "Hindi na alam nina Tita noon kung saan kukuha ng pera na pambayad sa mga napagkautangan nila. Tinarget si Rhyz dahil dalaga na rin siya noong mga panahong 'yon." Tumingin siya sa akin. "Is she blaming you?"
Basag akong napangiti. "Sinisisi niya ako at . . . sinabi niyang wala akong karapatang bumalik pa sa buhay mo dahil siya naman ang nakasama mo noong mga panahong lugmok kayong pareho," sagot ko. Muntik nang gumaralgal ang boses dahil walang patid ang pagbuhos ng aking mga luha.
"And do you think she's right?" seryoso niyang tanong habang nakatitig pa rin sa akin.
"W-What?"
"'Yong sinabi niyang wala kang karapatang bumalik sa buhay ko, do you think she's right?"
My lips parted for a moment as I thought of my answer. Hindi kaagad lumabas ang kasagutan sa aking mga labi dahil pakiramdam ko ay hindi na ito ang tamang oras para magsinungaling pa ako.
I sniffed. "Gusto kong sabihing mali siya kasi 'yon ang sinasabi ng pride ko, but maybe she's right. Nagkandaletse-letse lahat noong umalis ako. Kayong dalawa ang magkasama noong mga panahong hirap na hirap kayo--"
"f*****g reasons--"
"Hindi pa ako tapos," putol ko rin sa sinasabi niya bago ko pinunasan ang luha sa aking pisngi.
Bumuntonghininga siya bago niya tinungga ang kanyang alak. Tila hinahayaan na akong ipagpatuloy ang gusto kong sabihin.
I swallowed the lump in my throat. "Siguro tama siya. Nagdamayan kayo noong mga panahong wala ako, pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong gusto ko pa ring bumalik sa buhay mo kahit . . . kahit ang kapal-kapal na ng mukha ko para gawin 'yon."
Napalingon siyang muli sa akin. Seryoso ang mukha ngunit tila may munting kislap sa mga mata. He didn't say a word at all. Bahagya ring magkaparte ang mga labi na tila inaabangan ang karugtong ng sinasabi ko.
I wiped my cheeks before I forced a faint smile. "Napakalaki ng atraso ko sa inyong lahat, pero ayaw kong hayaang mawala ka ulit sa akin dahil lang kinakain ako ng kunsensya ko. G-Gusto kitang ipaglaban. K-Kay Mysha, k-kay Rhyz, kahit . . . kahit na suntok sa buwan. Kahit na alam kong magiging mahirap na para sa akin na kunin ulit ang pagmamahal at tiwala mo." I sobbed. "I don't want guilt to stop me from shooting my shot, because God knows how much I love you. S-Siguro ganito talaga ako ka-selfish, kasi hanggang ngayon, s-sarili ko pa rin ang iniisip ko. P-Pasensya na. H-Hindi kasi kita kayang i-give up dahil lang m-may gusto sa'yo ang kapatid ko."
Ilang segundo niya akong tinitigan. Tila ba sinusubukan niyang iproseso ang mga sinabi ko o kaya ay nag-iisip ng mga tamang salita na isasagot sa akin. Maya-maya ay pinakawalan niya ang hangin sa kanyang dibdib. He then jugged the rest of his beer before he finally looked at me again.
"I didn't know that Rhyz likes me romantically. If I knew what she truly feels for me, then I would've asked her to stop a long time ago." He put the bottle on the ground. "Nevertheless, I want to see you prove to me that you really mean everything you're telling me."
Tumayo siya't akmang babalik na sa mga kasamang magkatay nang muli ko siyang tinawag.
"Joaquin?"
He stopped from taking another step to look over his shoulder. "What is it?"
I stood up and locked eyes with him. "M-May . . . pag-asa bang . . . mahalin mo ulit ako?"
His jaw moved before he looked away. Maya-maya ay nagtaas-baba ang kanyang mga balikat bago niya ako sinagot.
"There is . . . but you gotta prove that you deserve that f*****g chance . . ." Muli niya akong nilingon. "Because there is no way I'll give it to you easily after what you've done . . ."