“No problem, beautiful,” pagpayag nitong lalaki. Sumayaw kami sa gitna pero wala ang atensyon ko sa aking kasayaw sapagkat iniisip ko kung nasaan ba si Felicity dahil kanina ko pa hindi nakikita ang bulto niya ang bilis mawala nang babae ‘yon, ah! Kinausap ko lang si Diego sa phone nawala siya agad. Saan naman nagpunta ‘yon? Naiirita na ako sa kanya. “Miss? Are you looking for someone?” Pukaw nitong lalaking kasayaw ko nang mapansin niya wala ang atensyon ko sa kanya dahil panay ang tingin ko sa buong club hinahanap ko si Felicity na biglang nawala. “Ah, yes. I can’t see her.” “Do you need help?” “No, it’s okay. I can handle it.” Tumango-tango siya at ipinagpatuloy ang pagsasayaw namin sa dance floor at kahit nakakailang dahil nakahawak siya sa bewang ko samantalang nakahawak n

