Tapos na ako kumain habang si Felicity ay nakaupo na sa couch at sinisimot pa rin ang ice cream na pareho naming paborito. Ang kalmado niya lang tingnan na para bang walang iniisip o walang problema hindi man lang ba siya nag aalala kay Diego? Feeling ko nga hindi ko na kayang tumagal pa sa katauhan niya kasi ang dami ko yata nagawa na hindi ko naman usually ginagawa o nararamdaman lalo na ang mga physical contact na nagaganap sa pagitan namin ni Diego. “Now, tell me everything. Hindi na ako pwedeng mag pretend bilang ikaw kaya please bumalik ka na at harapin si Diego. She loves you so much at ayoko nang manloko!” Sabi ko sa kanya pero umirap lang siya at sumimangot. “Felicity, ano ba ang balak mo? Parang wala lang sa’yo-” “Sis, can you please shut up? Kahit saglit lang pwede? Nahihira

