CHAPTER 03

2161 Words
Hindi malaman ni Flora kung ano ba ang idadahilan niya para lang makaalis at hindi matuloy ang honey moon nila. Gosh! Ito ang dahilan kaya napuyat siya ng ilang araw kung paano makalusot. Kanina pa siya sa loob nang restroom tinatawagan si Felicity ang kanyang kakambal subalit isandaan na tawag ata ang nagawa niya pero hindi pa rin sumasagot. She's going crazy! Minutes later her brain felt like it was about to explode so she sat down on the toilet seat. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Panay ang labas niya nang malalim na hininga upang ikalma ang sarili at mag isip ng pwedeng dahilan. "Love?" tawag ni Diego mula sa labas nang restroom. Hindi siya umimik bagkus inihanda niya ang sarili kung paano siya magkunwari na may sakit o may red days!? "Are you okay? Bakit hindi ka sumasagot." Bumilang siya nang isa, dalawa, tatlo. Sabay sigaw nang malakas, "Aray! Love! Tulungan mo ako sumasakit ang ulo at puson ko!" Mabilis na nagbukas ang pinto na mukhang pwersahang binuksan nito pero hindi niya inintindi 'yun dahil mas kailangan niyang makalusot sa punyetang honey moon na 'yan! "What happened to you? Let's go to the Hospital-" "No need, love. Pahinga lang siguro ang kailangan ko para mawala ang sakit nang ulo ko pati na ang puson ko," hindi niya hinayaang makapagsalita ito tungkol sa pagpunta ng ospital dahil baka dun mapurnada pa ang plano niya. May pag aalalangan na binuhat siya nito papuntang kama at dahan-dahan siyang inihiga sa malambot na kama bago ito umikot patungo sa kabilang side at dun tumabi ang binata sa kanya, "Magpahinga ka muna para bukas maging okay ang kalagayan mo." Tumango tango siya at akmang ipipikit ang mga mata biglang kinuha nito ang ulo niya upang isandal sa dibdib nito at gawin niyang unan, muling bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso na parang maraming insekto na nagliliparan. Hinayaan na lamang niya ito kahit hindi siya komportable. "Love?" tawag niya dito upang makumpirma kung tulog na ba ito. Ilang segundo ang lumipas wala siyang nakuhang sagot kaya naman dahan-dahan niyang inangat ang ulo bago tumingin dito, iwinagayway niya ang kamay sa mukha nito para masigurong tulog na nga ito. Wala siyang inaksayang oras kinuha niya ang cellphone bago dinial ang phone number ni Felicity. Gusto niyang malaman kung nasa France na ba ito at kung ano ba ang ginagawa ng kakambal niya habang siya ay nagpapakahirap dito. "Hello.." pabulong niyang saad nang sumagot na ang nasa kabilang linya. "Sis, nasaan ka?" tanong nito sa kabilang linya. Nabuhayan siya nang sumagot ang kakambal, "Nandito ako sa Hotel, kasama ang asawa mo. Akala ko ba mapapadali ka lang diyan?" "I'm so sorry, sis. Pero sinabi ko naman sayo na 3 months ako di ba?" "What!?" napalakas siya nang boses kaya naman nilingon niya ang binata na mukhang mahimbing pa ang tulog kaya tumayo siya upang lumayo at magtungo sa restroom. "Sis, promise after 3 months nandiyan na ako. Bantayan mo siya pag may umaaligid ikaw na ang bahala." "Mag susuffer talaga ako dito ng 3 months?" Nag-call ended ang tawag kaya hinampas niya ang pintuan ng restroom, "Shet! Hindi na talaga ako natutuwa," pagkausap niya sa sarili. Maya-maya naisipan niya lumabas at pagkalabas niya mahimbing pa rin ang tulog ni Diego, lumapit siya at muling nahiga pero padapa ang pagkakahiga niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ang mukha nito. Marami siyang nakikitang lalaki na gwapo pero ito na ata ang pinaka-gwapo sa lahat. "Are you done?" napaawang siya nang biglang magsalita ang binata pero nanatili ang mata nitong nakapikit. Tatayo na sana siya ng hilahin nito ang kamay niya at ikutin siya pahiga kaya naman ang pwesto nila ngayon, siya ay nasa ilalim habang ang binata ay nasa ibabaw niya. "A-ano bang ginagawa mo." Her cheeks getting warm and turning bright red. "You're getting warmer.." he whispered in her ear. Tumayo ang lahat ng mga balahibo sa katawan niya dahil sa binulong nito. May kung anong lumilipad sa tiyan niya at kahit pigilan niya ang sariling 'wag mamula o ipakita na kinakabahan siya iba pa rin ang sinusunod ng katawan niya bakit kasi ganito ang kinahantungan nitong pagpapanggap niya ang ganda ng timing wedding pa at honeymoon. Wala naman siyang alam sa ganito at hindi niya kayang ibigay ang sarili niya sa lalaking hindi pa niya kilala at lalong hindi niya pagmamay- ari. Nagkatinginan silang dalawa habang ang kamay nito ay lumalakad patungo sa kanyang ibaba at nahigit niya ang kanyang hininiga kaya naman pakiramdam niya naiipit ang kanyang puso dahil sumisikip ang paghinga niya sa bawat hagod ng kamay nito pababa sa puson niya. "Wait!" agad niyang pinigilan ang kamay nito at saka buong pwersa niyang itinulak ang binata dahilan kaya tumilapon ito sa sahig. "What's wrong?" dismayado ang boses nito. "So-sorry, I can't. Masakit ang ulo at puson ko, please," pagdadahilan niya. Dinig niya ang pag buntong hininga nito bago lumabas sa inuukupa nilang silid habang siya ay naiwan na medyo nabibigla sa pangyayari, muntikan na ang lahat mabuti na lang nakagawa siya nang paraan dahil kundi baka pati siya ay nadala na dito sabay kinapa-kapa niya ang kanyang p********e at mabilis na tumakbo sa restroom upang hugasan iyon at magpalit nang panty. Gosh! She's wet already! Himas pa lang namamasa na ang ibaba niya paano pa kaya sa susunod? Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon kaya natatakot siyang maulit ang pangyayari at hindi na niya mapigilan. Iniingatan niya ang virginity niya dahil gusto niya kung makukuha man ito sa lalaking mamahalin niya. Sa ngayon hindi pa siya handang magmahal lalo na ngayon sa request ni Felicity. KINABUKASAN... Hindi siya iniimik ni Diego o kahit na tingnan ay hindi nito magawa, pero ayos lang sa kanya at least wala na ang pressure pati na rin ang makakaiwas siya sa posibleng mangyari sa kanila. Umalis siya nang Hotel na hindi man lang nagpaalam kay Diego. Nagtungo siyang Hotel kung saan siya nagtatrabaho dahil panay na ang tawag ng boss niya, ikinasal siya na walang nakakaaalam kundi ang boss niyang pinagbibigyan lamang siya sa kalokohan niya, ito lang yata ang nakakaaalam sa mga pagsisinungaling niya. "Good morning, Mr. Devegas!" masaya niyang pagbati sa kanyang Amo. Nakadikwatro pa ito habang busy sa mga papers na pinipirmahan sa table nito. 'Well, well. How's your wedding yesterday? Bakit ang bilis mo naman yata? Namiss mo ba ako agad?" "Mr. Devegas, minamadali mo kaya akong pumasok tapos ngayon parang ayaw mo akong makita? Why? May nagawa ba akong mali? And yes! I miss you so much." nagtatampo niyang wika sabay pout para mas makumbinsi ito sa mga sinasabi niya. Inikot nito ang upuan bago tumayo para lapitan siya, "Bestfriend kita paano naman ayaw kitang makita? Ikaw lang naman itong palaging wala kaya nagagalit na ang mga staff, gusto na nila akong gerahin." "Talaga? Sinabi nila 'yon? Hays sabi ko na nga ba pagbalik ko maraming isyu na naman ang naghihintay, sige na boss kailangan ko na bumalik sa trabaho baka sabihin na naman nila may favoritism ka," aniya bago mabilis na lumabas nang office nito upang I check ang mga ginagawa nang staff. Wala pa man siya sa lobby nasilayan na niya ang gwapong mukha ni Diego kasama ang isang lalaki na mukha yatang Secretary nito kaya mabilis siya nagtago, anong ginagawa nito sa Hotel? Tapos na ang event at saka Hernandez group of company ang hawak nito kaya walang kinalaman sa Hotel. "Gulat ka noh?" napatingin siya kay Lorenz ang bakla niyang kaibigan na kararating lang din. "Bakit nandito siya?" "Alam mo kung bakit? Kasi ang Hernandez Group of Company ay may outdoor team building activities at dito nila napiling gawin ang mga iyon. Akala mo ligtas kana, noh? Hindi mo alam may nag- aabang pa palang panganib." Malakas niyang binatukan si bakla, "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin! Kahit kailan gusto mo akong ipahamak." "Malay ko bang iniiwasan mo siya! Sakit, ah! Nakakailang batok ka na, kundi ka lang babae!" pagrereklamo nitong si Bakla. "At hindi naman ako 24/7 na reporter para lang ireport ko sa'yo ang mga nangyayari sa Hotel na ito, nakakainis ka na talaga. Hmp!" Wala siyang nagawa kundi bumalik sa office ni Mr. Devegas dahil hindi siya pwedeng makita ng binata dito sa Hotel baka kung ano ang isipin nito. Ngunit ng akmang maglalakad na sana siya pabalik, malakas na hinila ni bakla ang kanyang braso dahilan kaya sininghalan niya ito. "Ano bang problema mo!" "Look, mukhang may babaeng tinatago ang iyong prince charming, parang lintang nakasabit sa jowa mo si girl, oh. Nako kung ako sa'yo lalapit ako tapos sasabunutan ko 'yan." pigil nito sa kanya. Ibig sabihin ba nito ay totoo ang sinasabi ng kanyang kakambal? Na manloloko ang binata kaya pinababantayan sa kanya. Pero hindi pa naman kumpirmado ang lahat kaya nanatili siyang nakatingin kay Diego pati na sa babaeng nakalambitin sa braso nito. "Lumapit ka tapos pakinggan mo kung ano ang pinag uusapan nila," utos niya kay Lorenz na agad umangal sa gusto niyang mangyari. Lumayo si bakla sa kanya, "Ay! Ayoko nga baka pagkalaman pa akong stalker niyan! At ayoko baka maagawan pa kita mamaya niyan magkagusto na sa akin 'yang si Mr. Hernandez." Assuming ang baklang 'to! Hindi ba niya alam ikinasal na kami kahapon paano niya maaagaw si Diego? At saka hindi 'to pumapatol sa bakla. Panay lang ang bulong ko sa aking sarili baka hindi sumunod 'to pag sinabi ko sa kanya ang ikakainsulto niya. "Susunod ka o ipapatanggal kita sa pwesto mo ngayon?" pananakot niya sa kaibigang bakla. "Binablock mail mo ba ako?" "Ano ba sa tingin mo?" Sumiring sa hangin si bakla tapos ay padabog na sumunod sa kanya, sinundan niya nang tingin si bakla habang siya ay naiwang nagtatago lang sa isang gilid, paano siya makakapag trabaho kung nandito ang asungot. Argh! Kahit kailan talaga pasaway ang kakambal niya binigyan na naman siya nang sakit sa ulo. Nang tumigil si bakla sa katabing gilid ni Diego kasama ang babaeng mukhang pasol dahil sa kapal ng makeup at nakalambitin sa braso ng binata kinuha niya ang phone at saka pinicturan ang mga ito sa malayuan, isesend na lang niya kay Felicity ang picture para ito na ang humusga. "Why are you here?" "Ay! Tae ka," nagulat siya sa presensya ni Mr. Devegas na nasa likuran niya pala at nakikiasosyo rin. "Ang gwapo ko namang tae?" Salag nito sa sinabi niya. Tumawa siya nang peke, "Mr. Devegas, I think hindi ako makakapasok ngayon hanggat nandito si Diego Hernandez. Alam mo na hindi ako pwede magpakita, diba? Ang dami ko ng absent nakakahiya." Seryoso ang aura nito kaya tumingkayad siya upang hawakan ang balikat ng kaibigan baka kasi mamaya niyan ay magtampo na ito, "Sorry kung puro kalokohan na lang ang dala ko dito sa Hotel mo, ah." Dagdag niya pa. "It's okay, tomorrow kailangan mo na bumalik dito. Hindi ko naman yata kayang tumanggi sa'yo, magkaibigan tayo." "Thank you! Luke!" "Pshhh.. Baka marinig ka nilang sa first name mo lang ako tinatawag." Napatakip ako nang bibig at nag peace sign sa kanya. "Opss, sorry, at salamat kasi tinotolorate mo ako palagi.." Umalis na ito kaya naman lumipat ang tingin niya sa pwesto kanina nila Diego ngunit wala na ang mga ito. Lumingon siya kay Lorenz na may kausap bago sumenyas dito na lumapit sa kanya. Maya-maya lamang lumapit si bakla kung saan siya naghihintay. "Oh, anong balita?" "Nako! Teh, sabi nung mga employee sa Group of Company Hernandez ang babaeng nakalambitin o lumalandi kay Mr. Hernandez ay kababata daw nito pero bakit sobra makalambitin kung kababata? Parang may something.." Nagkibit balikat siya tapos ay umalis na baka makita pa siya, "Thank you bakla! Alis na ako ikaw muna bahala dito." "Wait! Saan ka pupunta, aber?" pigil ni bakla sa kanya. "Uuwi na, ikaw muna ang bahala dito nagpaalam na ako kay Mr. Devegas." Siniringan siya nitong muli, "Hope all, malakas ang kapit!" "Inggit ka naman?" "Tsk! Alis na nga para naman ako ang prinsesa dito ngayon at kung ayaw muna bumalik feel free to resigned, okay? Ako na ang bahala dito larga na!" Nagbibiro nitong saad. Kumaway siya dito bago tuluyang lumabas nang Hotel, nagtungo siya sa Parking lot at sumakay sa kotse niya. Wala siyang maisip kung saan tutungo dahil ayaw naman niyang umuwi agad kasi boring lang sa condo niya, siguro pupunta na lang siya sa lugar kung saan walang maraming tao para makapag relax na din lalo ngayon ang dami niyang problema. Biglang tumunog ang phone niya kaya inapakan niya ang kambyo upang tingnan ang message na iyon. 1 message from an unknown number “Love? I’ll fetch you later. Gusto ka makita ni mom and dad.” Muntik na niyang mabitawan ang hawak na cellphone dahil sa nanginginig ang kanyang kamay. Paano nalaman ng binata ang number niya? Impossible lang na malaman nito ang cellphone number niya dahil sariling cellphone niya ang kanyang gamit ano ba ang nangyayari? Naguguluhan na talaga siya sa mga nangyayari pati mga imposible na mangyari ay nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD