Loree Mae's POV "Thank you for coming." Malungkot at pagod na sabi sa akin ni Carlo. Kalalabas lang niya ng locker room nila, suot na niya ang Varsity Jacket niya at dala-dala na rin ang Dress Bag niya sa left shoulder niya. Napangiti lang ako ng bahagya saka sinagot siya. "Welcome." Then we started walking palabas ng basketball court up to the parking lot. "Let's have a dinner." Maya-maya'y sabi niya habang naglalakad kami. "Ok." I briefly answered. Pwede naman kasi na lumabas na muna kami ngayon kasi day off naman kasi ng chaperon ko at hindi rin uuwi sila Daddy at Mommy sa bahay ngayon so, I'm free! "Nainip ka ba sa laro namin?" -Carlo "Ha? Of course not. Bakit mo naman natanong yan?" -Ako "We lost. Natalo ang University natin because of me." -Carlo "Wag mong sisihin sarili mo.

