Eunice's POV Leading na ang opponent ng Volleyball Team namin. Gosh! We're losing!!! Kung bakit ba kasi hindi pa nila pinapalaro si Rian eh! She's just sitting there in the bleachers at mukhang napakaraming iniisip. Kami namang mga nanonood dito ay nawawalan na rin ng pag-asa na baka makahabol pa sila. Lumalaki ng lumalaki ang lamang ng kalaban eh! "Dapat pala sa Basketball na lang tayo nanood. Di sana nasayang mga boses natin sa kaka cheer dito. Matatalo rin naman pala eh. Tss." Sabi nitong maarteng katabi ko. "Yeah. Kumusta na kaya yung Basketball natin sa kabila? Siguro winning na sila, ano? Tsk! Kaasar naman dito. Kung pwede pa lang umalis na eh!" Sagot naman nung isa ko pang katabi. "Tumahimik nga kayo, pwede? Hindi pa naglalaro si Ms. Marco kaya wag muna kayong magsalita ng patap

