Chapter 4

2425 Words
Loree Mae’s POV “Loree, ok lang sabi eh. 'Wag mo na ako ibili.” Pagtanggi ni Mark. Nasa isang fitting room kami at pinapasukat ko sa kanya ang polo na napili kong babagay sa kanya. Well, Mark isn’t rich. He’s poor. Working student rin siya. I don’t care naman sa katayuan ng mga taong nakakasalamuha ko eh. As long as they’re true to me, walang problema. “'Wag ka na ngang mag-inarte diyan, Mark. Isuot mo na.” I told him. Wala naman siyang nagawa kaya hinubad niya na ang suot niyang T-shirt at sinukat na 'yung polo na ipinapasukat ko sa kanya. Damn! He’s hot! He has 6 packs of abs sa tiyan at nakadagdag pa sa kagwapuhan niya ang kisig ng mga muscles niya. The polo suited him well. “Ah, Loree? Ok na ba?” he asked me that then faced me. Napatingin ako sa kabuuan ng katawan niya. Waaah! Magha-hyperventilate na ako sa kagwapuhan niya! Ngayon ko lang na realize na may itsura din pala siya. Dapat pala sa kanya ay 'yung dinadamitan ng maayos para lumabas ang tunay na mukha. “Loree?” he said once again. Napatingin ako sa mga mata niya. I cupped my heart pero normal pa rin ang beating nito. Am I not attracted to him? Hello, Loree? Where are you? Then bigla na lang basta basta pumasok sa isip ko ang mukha ng bestfriend ko. Waaaaah!!! This is crazy! Erase erase! Back to reality! “S-suits you, Mark. Hubarin mo na. Bayaran na natin sa counter.” I said then nauna na akong lumabas ng fitting room. Wala namang malisya sa akin ang pumasok sa iisang cubicle na may kasamang lalaki eh. Sanay na rin akong may naghuhubad half naked sa harapan ko… Marami akong nakakasamang mga male models na mas hot pa kay Mark so wala na 'yun sa akin pa. Kinuha ko na rin 'yung mga napili kong damit at isinabay na 'yung polo ni Mark sa counter. “Thanks, Loree ah. Pero 'di mo naman na dapat ako ibinili pa eh.” –Mark “Ano ka ba, Mark? Ayaw mo ba? Sige babawiin ko na lang mamaya.” Pagbibiro ko sa kanya. Ang arte eh! Tss. “Haha sabi ko nga gusto ko eh. Salamat ulit.” –Mark Nginitian ko lang siya. Naglalakad na kami ngayon palabas ng Department Store nang may mahagip ang mga mata ko. 'Di ako nagkakamali. Isang bruha at isang witch ang nakikita ko ngayong magka holding hands habang naglalakad papasok ng Cr. Bigla na lang nag-init ang mukha ko at kumuyom na lang ng kusa ang mga kamay ko. Asar! Siya sinamahan, ako hindi? Syet! Ang sarap mong sapakin Rian! “L-loree? Ok ka lang?” –Mark “Uhm, sa Cr muna ako Mark ha? Hintayin mo na lang muna ako dito.” Then I hurriedly went there. I slowly held the door’s knob and slowly pushed it. Pumasok na ako pero hindi pa fully. I saw Eunice in front of the mirror. While Rian, parang umihi pa. I stayed there for a while. Nah! I look like a jerk spying something suspicious between these two. Maya-maya’y pa’y lumabas na ang bestfriend ko sa isang cubicle at tumabi kay Eunice sa harap ng malaki at malapag na salamin. Mga tanga ba sila? 'Di ba nila ako nakikita dito? At ako naman, bakit di pa ako umaalis dito at nakatingin pa rin sa kanila hanggang ngayon? “Rian…” Eunice uttered then she reached for my bestfriend’s both hands at nang nahawakan niya na pareho ang mga kamay nito ay nag smile ito. “I can’t keep this anymore. Let’s be officially on.” “P-pero, Eunice, isn’t it too early?” –Rian “What are we waiting for, Rian? We know we like each other, don’t we?” –Eunice What? Tama ba 'tong naririnig ko? s**t! Imbes na mandiri ako sa kanilang dalawa, ay wala sa loob na napapanganga na lang ako dito sa nakikita ko! Kuyom pa rin ang mga kamay, hindi ko alam parang gusto kong mamatay ng tao. And if I get the chance, ang Eunice na 'to ang pinakaunang taong papatayin ko! Argh! Asar 'tong dalawang 'to! “Eunice, p-pwede namang pag-isipan muna nat—Hmmph!” (O____O) 'Di na natapos ni Rian ang sasabihin niya because Eunice cupped her cheeks saka mabilis na hinalikan ito sa mga labi. Ako naman? Wala! Naramdaman ko lang naman ang mabilis na pag-akyat ng mga dugo ko sa ulo ko at ang pag-iinit ng mga ito. I wanted to kill! 'Yan lang ang alam ko this moment. Aminado akong lumaki ang mga mata ko sa nakikita ko at 'di ko na alam basta gulat na gulat ako sa mga nasasaksihan ko, right at this very stupefying moment! Lalo pang nag-init ang mga dugo ko nang di pa tumigil ang malanding Eunice na 'yan sa paghalik sa bestfriend ko. Iginalaw pa nito ang mga labi nito at para bang tuod na pinipilit ang kahalikang mag response sa mga halik nito. Napapikit na rin si Rian at unti-unti nang nagpapadala sa hinayupak na paghalik sa kanya. Feeling ko while watching them, pwede na akong sumabog sa sobrang pagkukulo na ng mga dugo ko sa katawan ko kaya bago pa man magpatianod ang bestfriend ko sa kalaswaan niyang Eunice na ‘yan ay nahanap ko na rin ang paa ko’t lumapit sa kanila’t tinulak silang pareho. “B-best?” –Rian 'Di ko siya pinansin. I looked at her for a while then ibinaling ang buong atensyon sa malanding Eunice na 'to. Pero bago 'yun, I gave her a deadly look for a while, tinaasan ng kilay at sinampal. “b***h! Ikaw ba si Eunice? You’re so disgusting, girl!” –Ako “And who do you think you are?” she asked. Syempre magka level lang kami ng height ngayon ‘coz naka heels siya, samantalang ako naka flat sandals lang eh di naman hamak na mas matangkad ako sa kanya 'no! “How dare you kiss my bestfriend? Saklap mo rin 'no? Babae pa hinalikan mo! Isn’t it gross?” –Ako “Pakialam mo ba? So, ikaw pala si Loree? Well, to tell you, magkaroon ka naman ng respeto sa mga tulad namin ng bestfriend mo. And we like each other, so pwede ba? Lumugar ka rin. Wala kaming pakialam kung pandirihan mo kami, kung lalaki gusto mo, mind your own business, pwede? Let us be happy by the life we wanted. 'Di mo kami masisisi kung ganito kami!” –Eunice 'Di ako naka asta sa mga sinabi niya. Yeah she’s right. Pakialam ko ba sa kanila kung ganyan talaga sila? Bakit pa kasi ako nasama dito eh! Hinayaan ko na lang sana sila. Imbes na sagutin ko pa si Eunice ay umurong na lang ako’t si Rian ang hinarap. “Let’s talk tonight.” I said to her briefly then walked out. Binalikan ko si Mark at sabay nang umuwi… Leaving the two behind. Rian Marie’s POV “Thank you for being with me today, Rian. 'Di mo alam kung gaano mo ako napasaya.” Eunice said as she was staring deeply into my eyes. Inihatid ko na siya at nagpaalam na rin ako. “Rian!” papasok na sana ako ng kotse ko but I heared her calling my name. Napatingin ako. “Sana maulit pa 'to, ulit.” She said smiling. Giving me that nakakabaliw-smile na naman. “Siyempre mauulit pa 'to, Eunice. Text-text na lang tayo. Kailangan ko na talagang umuwi.” I said then smiled. Tapos tuluyan na akong pumasok sa kotse ko at nag drive. 'Di pa pala ako pwedeng umuwi. I still have some little unfinished business left. From: Best Loree See you at ***** Bar. Be on time. To: Best Loree Ok. Dumating ako sa ***** Bar mga bandang alas sais na ng gabi. I know this bar. My cousin, Marlo, owns this place. Madalas din ako dito pag trip kong tumambay at kapag nasasaktan ako. Kaya naman sa dalas nang pagpunta ko rito ay kilala na ako ng mga nagtatrabaho dito, even the guards so dere-deretso na akong pumasok at hindi na nag entrance. Pagpasok na pagpasok ko ay agad na pumailanlang sa akin ang malakas na tugtog. “Feel This Moment” ata 'yun then I saw Marlo at the counter. May kakwentuhan siyang chicks na maganda, I guess. Nakita niya naman ako kaya nagpasintabi muna siya sa kausap niya at pinuntahan ako. “Hey, couz! Medyo matagal ka na ring hindi nakapunta dito ah? What’s up?” –Marlo “Wala. May hinahanap lang ako.” Sabi ko sa kanya habang inililibot ng tingin ang kabuuan ng bar. I’m still looking for Loree. Nasaan na ba 'yung babaeng 'yun? “Hmmm, sino ba hinahanap mo, couz? Maganda ba 'yan? Sexy? Hot? Dali, tell me! Haha tutulungan kitang hanapin siya.” –Marlo “Shut up! She’s mine.” –Ako “You’re still not changing! Haha.” –Marlo “Wala akong panahon makipag kwentuhan sayo.” Sabi ko then nagsimula na akong libutin ang bar. Loree, best, where are you? 'Wag mo naman akong pinag-aalala ng ganito! “Couz! Pakilala mo ako mamaya doon sa hinahanap mo ha? I’ll be around.” –Marlo “Shut up!” sagot ko sa kanya habang patuloy pa rin sa paglibot sa bar. Agad may nahagip ang mga mata ko sa Dance Floor. Geez! Loree! 'Di ko alam marunong ka palang mag Dirty Dance? Oh c’mon! She’s so damn sexy and hot while dancing like that. Ok na sana, pero 'di ko gusto ang mga nasa paligid niya. “Back off guys!” paglapit ko sa mga lalaking halos binabastos na siya. Siya naman parang walang pakialam. “Hey babe! Join us. Let’s dance.” Sabi 'nung isang lalaki tapos hinigit ako at pinilit na pinasayaw rin. Letse! Who on earth is he? Tinarayan at tinaasan ko lang siya ng kilay saka hinarap at hinila si Loree sa kanila. 'Nung una nabigla siya sa ginawa ko, pero marahil sa nakita niyang ako ang nanghihila sa kanya paalis doon ay pumalag siya’t inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya at bumalik sa Dance Floor. 'Yung mga lalaki naman, nag-e-enjoy! s**t! 'Wag mo akong galitin, Loree! Nagulat ako sa biglang ginawa 'nung isang lalaki sa left side niya nang bigla itong dumikit sa bestfriend ko’t hinawakan ang waist nito. As in! Dikit na dikit! Kulang na lang hindi makalusot ang hangin sa pagitan nilang dalawa. 'Di ko na napigilan ang sarili ko’t bumalik na rin ako doon at malakas na itinulak ang bastos na lalaking 'yun. “I said, back off!” –Ako “s**t! Sino ka ba, ha? 'Wag kang kill joy, miss!” sagot sa akin 'nong lalaki.“Sorry ha? Binabastos mo na kasi ang bestfriend ko eh!” sagot ko naman don sa lalaki at tumingin kay Loree, “Ikaw naman, kailan ka pa natutong lumandi?” sabi ko sa kanya at mabilis pa sa cheetah na hinawakan ko ang kamay niya’t hinila. Dinala ko siya sa isang tagong sulok ng bar na kaming dalawa lang. “What do you think you are doing?” –Ako “Ngayon lang naman 'to, best eh. Hayaan mo na ako. Kaya nga kita pinapunta dito para may umalalay sa akin sakali mang hindi ko na alam ang ginagawa ko.” Loree said while not looking at me. Napansin ko na ring parang may tama na siya. Don’t tell me uminom siya? “Bakit ka ba biglang nagkakaganyan, ha?” –Ako “Ikaw kasi eh. Simula nang dumating si Eunice, parang kinalimutan mo na ako. Pag may mga lakad tayo, siya na parating inuuna mo. You’re even choosing her over me. I’m starting to hate you, Rian, more and more each day. Alam mo namang ikaw lang ang tanging kaibigan kong gusto kong i-keep for the rest of my life.” She said, nang hindi pa rin tumitingin sa akin. What’s with you, Loree? Ang sarap mong supalpalin eh! “Ang drama mo, best, alam mo 'yun? Halika na. Iuuwi na kita.” –Ako “No! Gusto ko pa dito, best samahan mo muna ako, please?” –Loree "'Wag na matigas ang ulo, pwede? Iuuwi na kita sa inyo habang 'di pa masyado malakas 'yang tama mo.” Sabi ko sa kanya tapos hinila na siya pero pumalag siya 'nung nasa counter na kami banda. “Best! Sige na. Ayoko pa umuwi eh. Dito na muna tayo, please?” –Loree “Hindi. 'Pag sinabi kon—“ “Hey couz! Ang ganda niyang nabingwit mo ah! Haha akin na lang!” Marlo said. Tss. Here comes the playboy. And no, I won’t link Loree to him. She’s mine. “Hey!” napatingin naman ako kay Loree. Binawi niya ang kamay niyang hawak-hawak ko at humarap at ngumiti sa pinsan ko. “Hai I’m Loree, Rian’s bestfriend. And you are?” Waaaah! Siya pa mismo ang unang nagpakilala sa pinsan ko ha? s**t naman! Lalaki talaga mga gusto niya 'no? Hay sabagay, ano pa ba? Straight nga 'yan eh. Saka asa pa akong nagseselos siya sa amin kanina ni Eunice 'no. Nah, for God’s sake it was just a friendly jealousy ‘coz I’m not having time for her anymore and she just wants to be with me, kaya siya nagkakaganyan ngayon. “I’m Marlo, Rian’s dear cousin.” Marlo said and offered a hand. Tinanggap naman 'yun ni Loree at nag shake hands silang dalawa. Geez! Porke’t gwapo ang pinsan ko? Aba 'tong babaeng 'to! “So? Tapos na kayong dalawa? Pwede na kaming umuwi, couz?” sabi ko sa pinsan ko. “Ano ka ba naman, best, let’s stay for a while. Gusto ko pang makilala si Marlo eh.” –Loree “Oo nga naman, couz. Dito muna kayo. If you want a drink, libre ko. Tara sa counter.” –Marlo said then with Loree, nauna na silang dalawang umupo sa may counter at nag order ng drink. Sumunod lang din ako at tahimik na nakiramdam sa pag-uusap nilang dalawa. “Uhm, Loree? Model ka ba? You’re so beautiful eh. Gifted ka.” –Marlo “Haha oo! How’d you know? Ikaw, Marl? Celebrity ka ba? You have the posture and the face eh.” –Loree  Landi! “Hehe hindi naman. Dancer ako, Loree. Hehe.” –Marlo At ano naman ang kinalaman 'non dun sa pagkakaroon ng gwapong mukha? Shunga din itong pinsan ko eh! Ang layo ng narating 'nung sagot niya ah! “Really? Ako din, dancer din ako. Hehe.” –Loree “Whoa! So same as here! Haha.” –Marlo “Ano namang sinasayaw mo? Uhm akin eh, dance sports eh.” –Loree “Hiphop. Hehe pero nag-ba-ballroom din ako minsan.” –Marlo “Wow! Really? Then you can dance with me, sometimes?” –Loree “Pwede.” Tapos nagkangitian sila. Tumingin naman sa akin ang pinsan ko pero agad 'ding umiwas ng tingin at kinindatan pa ang bestfriend ko. Bigla namang nagbago yung song na pinapatugtog dahil sinenyasan ng pinsan ko ang Dj. “Can I Have This Dance” na slow music ang pumainlanlang sa buong bar. Madami ang nagsialisan sa Dance Floor at marami namang nagsipuntahang mga mag lovebirds at sumayaw sa gitna. Napatingin ako sa dalawa na kapwa nakangiti pa rin sa isa’t isa. “Ahem… Loree?” –Marlo “Yes, Marlo?” –Loree Tumayo ang pinsan ko’t yumukod ng bahagya at nagsalita sa harapan ng bestfriend ko. “Can I have this dance?” –Marlo Napatingin sa akin saglit si Loree saka nginitian ako. Tapos ibinalik din kaagad ang tingin sa pinsan ko. “Sure.” Pagsang-ayon nito at magkahawak kamay ng pumunta sa Dance Floor. Ang huli kong nakita ay ang bahagyang paglagay ng bestfriend ko ng mga kamay nito sa likod ng leeg ng pinsan ko’t kapwa nakangiti at nag-uusap silang sumayaw at nakisabay sa kanta. Tumalikod na ako agad at nag-order na lang ng drink saka tinungga ito. Mag-e-emote na naman ako…   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD