'Di ko na kailangan pang patunayan ang sarili ko sayo, Loree. Tunay ka ngang straight. Ang hirap mong paibigin. Wala na akong magagawa kung ayaw mo talaga sa akin.
Naramdaman ko 'yung cellphone kong nag vibrate. May one message ako. Napangiti ako nang makita ko ang sender.
From: Eunice
Good eve. I miss you.
To: Eunice
I missed you, too. Anong ginagawa mo?
From: Eunice
Thinking of you? Hehe unli call ako. Pwede kang tawagan?
To: Eunice
That would be a great idea! K, call me.
Lalo pa akong naging uneasy nang nakita ko na ang pangalan niya sa screen.
Eunice Calling…
Napangiti na lang ako saka ko sinagot ang phone ko. Maingay man sa loob ng bar, ok lang. Nagkakarinigan pa rin naman kami.
“Hey!” sabi nito sa kabilang linya.
“Yo!” –Ako
“Hmmm? Ingay ata ah? You’re playing a love song out loud?” tanong nito. Marahil narinig nito ang musika.
“Ah, hindi. Nandito ako sa bar ng pinsan ko. I’m with Loree. She’s dancing with my cousin.” –Ako
“Ah? Babae ba 'yung kasayaw niya?” –Eunice
“No. Lalaki, pinsan ko.” –Ako
“Ah. Hehe, akala ko babae eh. So, magkasama na naman pala kayo? Tss.” –Eunice
“Jealous? Haha 'don’t be, Eunice. Straight talaga siya, maniwala ka. 'Di ako nun papatulan kaya sayo pa rin ako mapupunta.” –Ako
“So? Second option lang pala ako ngayon, kasi di ka niya gusto? Tss.” Pagtatampo naman nito. Eunice is so cute when she was doing that, kahit na hindi ko siya nakikita.
“Eto naman. You make me smile.” –Ako
“Talaga? Hehe 'wag pasobra diyan sa bar, ha? Umiinom ka?” –Eunice
“Yeah, pero konti lang naman. I know my limitations. Ayaw kong magpakalasing ngayon ‘coz I’m pretty sure hindi kami makakauwi ng buhay nitong bestfriend ko once ginawa ko 'yun.” –Ako
“Good girl. Nagseselos na talaga ako.” –Eunice
“Tss. 'Wag ka ngang adik.” –Ako
“'Di, totoo. Sa tingin ko nga eh parang may gusto rin sayo 'yang bestfriend mo.” –Eunice
“Huh? What makes you think that?” nagulat naman ako sa sinabi nito. If alam niya lang gaano ka straight 'tong bestfriend kong 'to eh!
“Kasi 'di naman dapat ganon ang reaction niya kanina nang makita niyang hinalikan kita eh. She even slapped me and damn! It hurts, Rian! Ang sakit sa mukha!” –Eunice
“Hayaan mo 'yun. Ganon talaga siya mag react sa mga bagay na hindi niya nagugustuhan. At ikaw naman kasi eh! Bakit mo ba kasi ako hinalikan?” –Ako
“I can’t stop myself eh. Ang sarap mo kasing halikan. Hehe, sorry na kasi, Rian.” –Eunice
“Apology accepted. Basta sa susunod 'wag mo ng uulitin ha? Saka wag mo na rin akong binibigla.” –Ako
“Hehe ok. Basta, Rian, 'wag kang padadala sa bestfriend mo ha? Sa tingin ko kasi talaga gusto ka rin niya eh.” –Eunice
“Tingin mo lang 'yun.” Sabi ko kay Eunice sa kabilang linya. Sasagot pa sana siya pero bigla na lang may nang-agaw ng cellphone ko sa akin at sininghalan si Eunice.
“Stop calling here, will you?!” Loree said then ended up the call. Hmmm? Paano nakarating agad ang babaeng 'to dito? Eh kanina lang ang saya saya nila ng pinsan ko sa Dance Floor eh. “Halika na. Iuwi mo na ako.” Sabi niya naman sa akin matapos padabog na ibinalik ang cellphone ko sa akin tapos nauna na siyang lumabas ng bar. Sumunod na ako sa kanya pero huminto ako saglit nang nakasalubong ko ang pinsan ko.
“What did you do to her?” I asked him.
“Wala naman. Bigla na lang siyang na bad mood eh saka nagpaalam na lang bigla na gusto nang umuwi.” –Marlo
Di ko na siya sinagot pa at sumunod na lang sa labas. Anyare sa bestfriend ko? At ang galang niya ha? Aagawin na lang bigla ang cellphone ko’t mang-aagaw ng eksena? Tss.
Nang makalabas ay agad na akong tumungo sa kotse ko’t pumasok rito. Habang siya naman ay nasa loob na rin katabi ko sa harapan. Nag drive na ako.
“Where’s your car? Tumakas ka, ano?” I asked her. Malamang na hindi niya dala ang kotse niya dahil hindi ito pinayagan ng Dad nito, pero tumakas pa rin.
Tss. Kailan pa 'to natutong sumuway sa ama nito? Ngayon lang ata ah? Ibig sabihin, mag bo-boyfriend na rin ito sa ayaw at gusto ng dad nito?
“Yeah. 'Wag mo na pala ako iuwi ngayon sa amin. Bring me wherever you want, basta ayaw ko pang umuwi sa amin.” –Loree
“Bakit? May problema ba?” –Ako
“Yeah. First time kong nakitang nag-away sila dad at mom kanina. 'Di ko kayang nakikita silang ganon kaya umalis na lang ako’t tumungo sa lugar na 'to.” –Loree
Ah! Kaya naman pala! Akala ko pa naman dahil talaga sa akin kaya siya napadpad dito. What a thought! Hindi naman pala. So, nawala na 'yung conclusion kong baka nagseselos nga siya. Tss. STRAIGHT nga 'yan, Rian! How many time would I need to tell you that? (Sabi ng isipan ko)
“Umalis ka without your car?” –Ako
“Yeah. Nag taxi na lang ako. Hawak ng driver ko ang susi ko eh.” –Loree
“Ok. Where do you want to go?” –Ako
“Sa isang inn na lang tayo matulog, best. Please?” –Loree
“Hello ok ka lang, best? Eh paano ako? Hahanapin din ako sa amin, ano.” –Ako
“I’ll be the one to talk to your mother, tomorrow. Ako na bahala, sasabihin kong gumawa tayo ng project.” –Loree
“Ewan ko sa’yo.” Sabi ko na lang saka tuluyang nag focus na lang sa pagmamaneho.
Tahimik na kaming dalawa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito’t sinagot while my eyes are still on the road.
“Hello?” –Ako
“Nakauwi ka na?” –Eunice
Ah, si Eunice pala 'to.
“Sino 'yan?” –Loree
Patay! Nagtanong na ang Diyosang dinaig pa ang maldita sa pagtataray!
“Kasama mo pa rin siya?” tanong ni Eunice sa kabilang linya. Marahil narinig nito ang boses ni Loree habang nagtatanong sa akin kanina.
Tumingin lang ako saglit kay Loree at hindi ko sinagot ang katungan niya. Baka agawin niya pa lang ang cellphone ko’t pagbabaan ulit si Eunice.
“Ah yeah. She’s still with me. 'Di pa rin kami nakakauwi eh. Uhm, a-ayaw pa rin daw kasi niyang umuwi.” Sagot ko ay Eunice.
“Paano 'yan? –Eunice
“Sino nga 'yang kausap mo, Rian?” –Loree
“Si Eunice, bakit?” –Ako
“Ahm, sige bye, Rian. Ingat kayo ha? Mukhang nagseselos na naman ata 'yang bestfriend mo sa ating dalawa eh. Next time itataon ko na lang ang pagtawag 'pag 'di kayo magkasama.” Eunice said then ended up the call. Tinignan ko lang saglit ng masama si Loree tapos tumingin na ulit sa daan.
“Oh bakit ganyan ka makatingin? Nagtatanong lang naman ako ah.” –Loree
“'Bakit bigla mo na lang inagaw 'yung phone ko kanina habang kausap ko siya? Isn’t it lack of manners, Loree? At sinabi mo pang 'wag na ulit siya tatawag sa akin. What’s with you?” medyo galit kong sita sa kanya. 'Di naman kasi talaga tama 'yung inasal niya kanina sa bar eh.
“I’m sorry, ok? Ayaw ko lang na ganon ka kasaya habang kausap mo siya.” –Loree
“Anong gusto mong palabasin?” –Ako
“Ako lang dapat nagpapatawa sayo ng ganon, best. There should be no other.” –Loree
She sounded jealous! Nah, erase! Jealous kasi gusto niya siya lang kaibigan ko at gusto niya nasa kanya lang ang atensyon ko. Ganon lang 'yun! Just a friendly gesture and nothing more.
“'You’re being too selfish, best. I’m falling for her. Why can’t you just let me? 'Di ba kung saan ako dapat masaya ay sinusuportahan mo dahil bestfriend kita?” –Ako
Yeah! It’s real. Unti-unti na akong nahuhulog kay Eunice. At isa pa, masaya rin siyang kasama. Kung mayroon mang isang taong dapat piliin kapag nawala na sa buhay ko si Loree, it was Eunice. She’s kind and fun to be with. She even knows your worth.
“You’re falling for the wrong person, Rian.” –Loree
“I don’t care. As long as I’m happy with her.” –Ako
'Di na siya sumagot hanggang sa nakarating kami sa gusto niyang tuluyang Inn na may kitchen na pwedeng paglutuan.
Huminto na kami pero hindi pa rin siya bumababa.
“Wala kang planong bumaba?” I asked her.
“'Pagbuksan mo ako.” She said.
“Ok ka lang, best? Hindi mo ako lalaki or manliligaw na gentleman para ipagbukas ka ng pinto ng sasakyan. Bestfriend mo ako.” –Ako
“Si Eunice ba, ipinagbubukas mo?” –Loree
“Oo.” Simple kong sagot. Yeah, pinagbubuksan ko si Eunice because we’re getting well. Pareho kaming lesbian but I acted more like a guy, at ako madalas ang naghahatid sa kanya so I must do my part as well.
“So it means, manliligaw ka na niya?” medyo mataray na tanong niya sa akin.
“Ah, not sure of. Pero we’re unto it.” Sagot ko naman sa kanya.
“Unfair ka! I hate you!” she said tapos parang nagtatampong umalis na ng kotse at dumeretso doon sa may katiwala ng Inn na 'yun para kumuha ng room. Ako naman, ni-lock na ang kotse and waited for her.
“Room 102.” She said tapos sabay na kaming pumasok sa room na 'yun. Agad siyang pumasok sa cr at sa pagkakarinig ko ay parang sumuka siya. Paglabas niya ay sinalubong ko siya.
“Buntis ka?” tanong ko.
“'Pag sumuka, buntis agad? 'Di ba pwedeng masakit lang talaga ang ulo’t first time kong uminom kaya mainit at nakakasakit sa sikmura?” sagot niya naman.
“Whatever!” sabi ko na lang.
Napansin ko lang, bakit isa lang ang kama?
“Bakit isa lang ang kama?” I looked at her.
“'Ito na lang daw bakante eh. Lahat ng rooms for two, taken na raw. Saka wala namang masama kung magtabi tayo sa iisang kama, diba? Unless kapain mo ako’t pagsamantalahan.” –Loree
“Wow naman, bilib ako sa anticipation mo best. Kahit na gusto kita, it doesn’t mean kaya kong gawin sayo 'yun 'no! 'Di tayo talo!” –Ako
"Tss. Talaga lang ha?” –Loree
“Alam mo may tama ka na nga! Dito ka na nga muna. Bibili muna ako sa grocery ng maaring lutuin at nang makakain na rin tayo.” Paalam ko sa kanya saka nagtungo sa malapit na grocery store. Naglakad na lang ako para masaya. Ang lapit lang kasi tapos kokotse-hin ko pa?
Nang makabili na ako ay dumaan muna ako sa isang Dress shop na nakita ko kasunod lang sa Inn na tinutuluyan namin. Wala kaming mapagbibihisan eh kaya bumili na muna ako roon. Siyempre included na doon ang undies at bras, ano. Saka dumeretso na ako sa Room namin.
I saw her lumabas na ng cr at naka tuwalya lang. Geez! She’s so damn hot! Dagdagan pa ng buhok niyang nakalugay kahit walang suklay na bahagya namang binabagayan ng maganda niyang mukha.
“I forgot, wala pala tayong dalang kahit anong damit na pwedeng pagbihisan man lang.” she said.
I smirked and gave her the dresses.
“Magluluto muna ako.” Sabi ko rin saka tinungo ang kitchen. Pwede namang bumili na lang ako ng ready to it na pagkain diyan sa tabi-tabi pero mas prefer ko pang magluto eh. I still have the moral fiber to cook something yummy and delicious for this special girl.
Narinig ko siyang nagsalita sa loob ng banyo while I’m busy cooking her favorite Adobong Manok, habang niluluto na rin ang kanin sa rice cooker.
"Hmmm! Best! Ang bango naman niyan!” she said.
“Better hurry bathing, then. Malapit na siyang maluto.” Sagot ko naman.
“Ok.” She said. Tapos 1 minute after, narinig ko ng nagbukas ang pintuan ng Cr at iniluwa doon ang maganda at sexy kong kaibigan. Bihis na rin siya.
“So, you have cooked for me, huh?” excited niyang tanong saka mabilis na umupo at parang batang naglalaway na sa pagkaing nakahain.
“May consequence 'to, ano.” I said smirkingly to her.
“So ano 'yun?” she asked.
“Ikaw ang maghuhugas ng mga pinggan, after.” Sabi ko sa kanya tapos pumwesto na rin sa lamesa.
“'Sus! Yun lang naman pala eh. Walang problema.” She said tapos nag-pray na kami at nagsimula nang kumain.
“Marunong ka rin palang magluto?” she asked habang kumakain kami.
“Yeah, I guess so.” –Ako
“Who taught you?” –Loree
"Myself. Gustong gusto kong tumitingin dati sa yaya ko habang nagluluto siya eh. Hanggang sa sinubukan ko’t naging hobby ko na rin.” Sabi ko. Akala niyo pagka mayaman, hindi na marunong magluto? Hah! Ibahin niyo ako.
“Swerte naman ng magiging husband mo, best.” –Loree
"Nah! Nang-aasar ka ba? Wala akong planong magkaroon ng husband. Wife siguro, pwede pa.” –Ako
“Tomboy ka talaga!” –Loree
“Tse! Hayaan mo na ako. You can’t change me for who I am, best.” –Ako
“Whatever, Rian.” Yun lang ang sinabi niya at pinagpatuloy na namin ang pagkain.
Hinugasan niya na ang mga plato, after. At ako naman ay pumasok na ng cr, naligo’t nagbihis na rin. Pagkatapos ko ay nag toothbrush na rin ako at sumunod sa bestfriend kong natutulog na sa kama.
Talagang napagod nga siguro siya.
Humiga na rin ako’t napatitig saglit sa maganda niyang mukha.
She’s really beautiful. Walang tangang lalaki ang hindi maaakit sa taglay nitong kagandahan sa unang kita mo pa lang. Naalala ko tuloy yung araw na she changed a gay into a guy. Naalala ko rin kung paanong nagkakaroon dito ng crush ang mga babae naming classmates.
Mahaba ang mga pilik mata niya. Matangos ang ilong, kissable ang mga labi, nakakaakit na mga mata, perfect curve ng mukha, at nakakabaliw na mga ngiti… Idagdag pa natin ang mala rampage niyang katawan lalo pa’t nakatowel na lang.
“It’s rude to stare people like that, best.” Nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita. But her eyes are still closed.
“'Wag kang assuming. Hindi kita tinitignan.” Pagsisinungaling ko.
“'Sus! Deny!” she said saka tuluyan nang ibinuka ang mga mata. She’s smiling.
“So what’s that smile for?” –Ako
“Wala. Masamang ngumiti?” –Loree
Kahit kailan talaga, never pa siyang nag fail sa pagpapatibok ng puso ko.
“Tse!” sabi ko na lang. Baka kasi ma-r**e ko pa siya diyan ng wala sa oras eh. Kaya naman tumalikod na ako sa kanya’t nagkumot. Saka ako nagsimulang matulog. Pero pinatay ko muna 'yung ilaw, syempre, bago ako natulog. Hehe.
Tahimik na kaming dalawa. 20 minutes after, naramdaman ko ang paggalaw niya then she hugged me from the back. 'Di ako gumalaw. Tulog na 'yan. Marahil hindi lang sanay na walang tanday kaya ako ngayon ang ginagawang tandayan.
10 minutes after, napaharap ako sa kanya. Nagulat ako nang makita kong nakabukas pa rin naman ang dalawa niyang magagandang mata at nakatingin lang ito sa akin.
“Akala ko, tulog ka na?” –Ako
“I can’t sleep.” –Loree
Napatulon ako nang mapadako ako sa mga labi niya. Waaaah!!! Pigilan niyo ako! Ang sarap halikan ng bestfriend ko! Mas lalo pa akong naging uneasy nang maaninag kong nakatingin rin siya sa mga labi ko.
“'Di na ako ang first kiss mo.” Sabi niya habang naka pout.
“H-huh?” –Ako
“You told me before, sabi mo ako ang gusto mo maging first kiss mo.” –Loree
“H-huh? K-kailan ko nasabi 'yun?” –Ako
“When we’re at my bedroom sa bahay. Noong malakas ang ulan at hinatid mo ako.” –Loree
“A-ah, ganon ba?” –Ako
“Yeah. And now, si Eunice pala ang magiging first kiss mo. Nakakadiri kayo alam niyo 'yun?” –Loree
Nang-aasar na naman ba siya?
“Bahala kang mandiri sa amin. We don’t care.” Sabi ko sa kanya. Aba! Itaas ang bandera ng mga Lesbiana! Haha!
“Nakakainggit ka, best. Buti ka pa may first kiss na. Samantalang ako, wala pa.” –Loree
“Eh 'di maghanap ka ng pwede mong halikan! Ang dami mong mga manliligaw diyan.” –Ako
"Paano ba humalik?” she asked.
Loree Mae’s POV
“Paano ba humalik?” I asked her.
Bago pa ako makapag protesta sa pagtatanong ko kanina ay agad niya na akong napatahimik.
“Hmffft—“
With her lips on my lips.
I know this is wrong! So wrong! But I can’t find myself looking back. And I can’t even find my hands pushing her away as she was kissing me torridly lately.
Yeah, lately. Dahil tumigil din siya agad at humingi ng sorry.
Nabigla ako and I know that was wrong. Pero 'di ko na pahihirapan ang sarili ko. Aaminin kong nabitin talaga ako.
“Best, sorry na. 'Di na mauulit, promis—Hmmmft!!!”
Rian Marie’s POV
Di ko na natapos ang ginagawa kong paghingi ng sorry dahil bigla na lang, hinalikan niya ako.
I was shocked at first, of course! 'Di ko lubos maisip na hahalikan niya ako! Or baka lasing lang talaga siya? Pero 'di naman ata eh! Loree is kissing me right now! Geez!!!
She started moving her lips towards mine. 'Di ko na napigilan ang sarili ko. I responded back. Now we’re kissing each other torridly, deeply… Hanggang sa malaya ko ng naipapasok ang dila ko sa bunganga niya. Ang sarap sa pakiramdam na nagagawa ko ng halikan ang pinakamagandang babaeng matagal ko ng iniibig all these times…
We’ve been doing that for about 5 minutes, I guess. Tapos huminto siya. At kapos man kami kapwa sa hininga, matapos namin magtitigan sandali at ipabatid sa isa’t isa with just a look ang salitang I WANT MORE, ay muli ko siyang hinalikan.
Nong una, naramdaman kong medyo nag aalangan pa siya kung ipagpapatuloy niya pa ba ang paghalik sa akin pero 'nung medyo nakakaluwag na kami sa paghabol ng aming hininga ay naramdaman ko ring ok na siya. In fact, she’s on top of me now, kissing me like there is no tomorrow.
Siya ba talaga 'to? Ah basta! Kung siya man 'to o hindi, kung sino man ang sumapi sa kanyang ispirito ngayon, magpapasalamat ako ng sobra sa kanya!