isang silya habang naka posas ang mga kamay nito sa likuran at makatali naman ang mga paa sa upuan. May takip din na itim na blindfold ang mga mata nito. Masusi lang namin ni Liam itong pinapanuod sa malaking screen dito sa head quarter. "Pag naka wala ako dito, mapapatay ko kayong lahat!" - Sigaw pa nito. Gamit ang cellphone na hawak ko ay tinawagan ko si R.A. "Tanggalan nyo sya ng blindfold " - Wika ko gamit ang cellphone. "Copy " - Mabilis namang sagot ni R.A. Lumapit sa matandang lalaki si tiffany at dahan dahang tinangal ang blindfold. Mula sa screen ay kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni mr zii ng makita si tiffany at ang kambal na si RA at RV ang kasama sa silid. "Ano to!?" - Naguguluhang tanong nito. Kitang kita mo din dito ang pamumula ng buong mukha dahil sa ga

