Paano ko makikita si doc leo? Kung makakalabas naman ako ng mansyon ay hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang doctor. Ilang oras na din mula ng umalis si louie at hanggang ngayon ay wala parin akong magawa para sa kaibigan. Cellphone, tama kailangan ko ng cellphone para matawag ang binata. Agad akong lumabas ng kwarto at sa salubong ang yaya ng anak ko na patungo sa silid ng bata. "Yaya mika?". Tawag ko dito, lumingon ito sakin taglay ang gulat sa mukha. "may maipag lilingkod pa ako sayo mahal na lady?" magalang na sagot nito sa akin. Nasanay na ako sa pakikitungo ng mga tao dito sa mansyon, minsan ay nakakaramdam parin ako ng ilang pero nasasanay na din. "may cellphone kaba?" may sumilip na ngiti sa mga labi nito na agad nitong naitago ng mapansing namumula ang mukha ko sa hiya. "

