Tanya's POV Sa buong biyahe namin papunta sa mansion ng mga Wilson ay walang ibang laman ang aking isipan kung hindi si Isaac. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkabigla ng makita n'ya ang suot kong singsing at napalitan ito ng kalungkutan at agad na tinalikuran kami. Gusto ko s'yang makausap ngunit binale-wala na lamang n'ya ako. "Tanya baby, okay ka lang ba?" Tnong ni Jacob sa akin kaya napatingin naman ako sa kanya at nginitian ko lamang siya. Matinding kalungkutan ang nararamdaman ko ng tinalikuran kami ni Isaac kanina, ang laki ng ipinagbago niya, mas lalo siyang gumwapo at higit sa lahat ay mas naging makisig pa siya ngunit makikita pa rin sa kaniyang mga mata ang matinding galit. "Daddy, I want burger and fries." Ungot ni Anya kay Jacob. "Okay sweetheart, kung ano ang gust

