Isaac's POV Apat na taon... Apat na taon na simula ng umalis at iniwan ako ni Tanya, hindi naging madali para sa akin ang nangyari dahil nilamon ako ng kalungkutan at hindi ko na namamalayan na hindi na pala naging maganda ang epekto nuon sa akin. Ginawa ng mga kaibigan ko at ng mga magulang at kapatid ko ang lahat upang patatagin nila ako ngunit hindi naging sapat ang lahat ng iyon dahil masyado akong nasadlak sa kalungkutan. Isang araw ay hindi na ako lumalabas pa ng aking silid at nagkukulong na lang ako palagi, hindi na rin ako nakikipag-usap pa sa kanila at walang laman ang utak ko kung hindi ang mukha ni Tanya at ala-alang iniwan n'ya ako dahil para sa kanya ay isa akong demonyo, dahil para sa kaniya ay wala akong kwentang tao at hindi dapat mahalin. Akala ko ay ganoon lang kad

