Tanya's POV "Nakahanda ka na ba na harapin ang lahat ng tao na tinalikuran natin nuon ha?" ani sa akin ni Jacob habang ako naman ay nag-eempake ng aking mga gamit. "Natatakot ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko Jacob, hindi ko alam kung kaya tayong pakinggan ni Isaac." ani ko dito. Babalik kami ng Pilipinas pansamantala upang kausapin si Isaac at humingi na rin ng tawad dito. May kung anong pangamba akong nararamdaman na baka talikuran lamang kami nito. Napatingin ako kay Jacob ng tumabi ito sa akin sa pagkakaupo sa gilid ng kama at pagkatapos ay niyakap ako nito at hinalikan ako sa aking ulo. "Maiintindihan niya ang lahat, matagal na rin naman ang mga nangyari kaya alam kong nakapag patawad na ang puso niya." wika sa akin ni Jacob kaya isang mapait na ngiti ang naiganti ko d

