Chapter 5: I Love You

2138 Words
BRIAN didn’t know what to do. Parehong may tama ng baril ang kaniyang kapatid at ina. Chelin and her mom, too. Maging ang kaibigang si Rexton dela Costa. Kung wala ang mga awtoridad at iba pang mga tao ay nasisiguro niyang tarantang-taranta na siya at wala na rin sa sarili. Nanghina siya sa kaniyang nasaksihan. Wala siyang tama ng bala sa katawan ngunit ang mga taong pinakamamahal niya ay napuruhan kaya nama’y pinilit niyang magpakatatag dahil kailangan siya ng mga ito. Nang makita ang nanginginig na si Chelin ay kaagad na nagkaroon siya ng tapang upang harapin ang nangyari. Pilit niya itong pinatahan hanggang sa makarating sila ng ospital. She lost consciousness while they were on their way to the hospital, too. Chelin’s dad won the position but they could not fully celebrate yet. Nahuli ang mga nambaril ngunit hindi pa raw kinakanta ng mga ito kung sino ang mastermind. Hindi naging malala ang natamong tama ng mama ni Chelin sa tagiliran ngunit ang kaniyang mommy ay nagkaroon ng tama malapit sa bahay-bata nito. Hindi nila alam na buntis pala ito ng isang buwan, at naging kritikal ang kondisyon nito. Madaling-araw na nang nakarating sa ospital ang bagong alkalde. Inasikaso pa kasi nito ang pagsampa ng kaso sa mga nahuli. His relatives were also there and they were the ones who called his dad last night. Agad na tinapos ng kaniyang ama ang business trip nito sa Paris at nakatakdang umuwi sa Pilipinas sa makalawa. “Hijo, umuwi ka na muna. You should rest,” bati ng kaniyang tita nang abutan siya nitong nagbabantay sa kaniyang kapatid. Palipat-lipat siya sa private ward ni Bree at sa Intensive Care Unit, o ICU kung nasaan ang kaniyang mommy. Brianna still hadn’t woke up, too. Magda-dalawampu’t apat na oras na ang nakalilipas mula noong magkaroon ng shootout. Binalik niya ang tingin sa kaniyang kapatid. “Ayos lang po ako, Tita,” sagot niya kahit ang totoo ay hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng maayos ngayon. “Brian, please... Listen to your Tita. Magpahinga ka muna at kumain. Baka ikaw naman ang magkasakit,” it was Chelin. Nakasunod pala ito sa kaniyang tita. May sling ang natamaamg braso nito at napapikit siya nang mariin. Her aunt excused herself to get him some food. Then, Chelin came closer to him. “Magpahinga ka muna saka ka bumalik rito.” He didn’t say a word. Chelin just sighed and sat beside him on the couch. “Brian...” masuyo nitong usal sa ngalan ng niya. “Our little angel didn’t make it. Nakunan si mommy...” nasasaktang bulong niya. “Ni hindi man lang namin alam na buntis siya. Hindi ko na sana siya pinayagang sumama sa pangangampanya. And Bree still hasn’t woke up, too.” Nangilid ang luha ni Chelin. She then hugged him, gently tapping his back using her free hand. “You can cry now. Hindi mo kailangang magpakatatag ng hindi umiiyak, Bry.” He broke down in her small arms. CHELIN let Brian cry. Alam niyang nagtatapang-tapangan lamang ang binata dahil wala itong masandalan ngayon. He had been crying for a few minutes now and she didn’t flinch when he accidentally pressed her arm with the sling. Bahagyang kumirot iyon. Suminghap ito at lumayo ng bahagya sa kaniya. Napatitig ito sa kaniyang braso. “Does it hurt?” Umiling siya. “I’m sorry I didn’t visit you,” nagsisising hinging-paumanhin nito. “No, I’m sorry dahil hindi kaagad kita napuntahan. Napahaba kasi ang pagtulog ko dahil sa mga gamot na tinurok sa akin.” She slightly scratched her head and made it sound lightly. Pagod na nginitian siya ng binata. “Have you eaten?” “I should be the one asking you that,” ganting-sagot niya. “Brian, umuwi ka na muna.” Umiling ito. “Hihintayin ko na si Daddy.” “Sa isang araw pa iyon. Bumalik ka na lang kapag nakarating na siya. You seriously need some rest. Hindi ka pa rin nakapagpapalit ng damit, baka mairita iyang balat mo, sige ka’t magkala-rashes ka. Tapos magpahinga ka.” “Paano kung magising sina Mommy at Bree habang tulog ako sa bahay?” katwiran nito. “Kaya rito na lang ako matutulog.” “I’ll go with you. Gigisingin kita bukas,” presinta niya. “Kailangang nandito ka rin sa ospital, Chel. Sariwa pa ang sugat mo.” “Okay lang ako. Ang mga dela Costa ay papunta na rin naman dito. Nagpresinta si Rexton na siya na muna ang magbabantay kay Bree. Hindi naman niya pababayaan ang kapatid mo,” dahilan niya. “Tapos, ang tita mo ang magbabantay kay tita Emily,” dagdag pa niya. “But—” “No buts, Brian Lee,” putol niya sa sasabihin nito. “Isa pa, hindi magugustuhan ng mommy mo kung ganyan ka.” He just sighed. Tanda ng pagpayag nito sa kaniya. Sakto namang bumalik na ang tita nito na may dalang take out na pagkain galing sa isang fast-food restaurant. “Uuwi po ako, Tita. Pakitawagan n’yo po ako kaagad kung ano man ang balita rito,” bilin niya sa ginang habang nagpapaalam. “Dalhin n’yo na rin itong pagkain nang hindi na kayo magpaluto pa. Pinadagdagan ko na iyan at sobra pa para sa inyong dalawa.” “Salamat po.” Pagkarating nila sa mansiyon ng mga Mendoza ay kaagad na sinalubong sila ng mayordoma. “Diyos mio! Mabuti na lamang at umuwi ka na. Nangangalum-mata ka. Tama ang Tita Emma mo, kailangan mo ng tamang pahinga,” baling nito kay Brian. Ngumiti lang ang binata matapos nilang bumati kay Manang. “Magsa-shower lang po ako, ‘Nang,” paalam nito matapos ilapag ang dalang pagkain sa mesa. Nang makapanhik ang binata ay bumaling siya kay Manang. “Ihahanda ko lang po ang makakain,” aniya. “Naku, huwag na, hija. Kailangan mo ring ipahinga ang kamay mo.” “Kaya ko po,” pilit niya. “Ako na. Ihatid na lang natin sa kwarto ni Brian para roon na kayo kumain.” Tumango siya dahil alam niyang hindi siya papayagan ng nakatatanda na kumilos. Humigit-kumulang limang minuto nitong inilikas ang pagkain at nilagay sa tray. Siya na ang magbitbit sa pitsel habang dala ng mayordoma ang tray ng pagkain. Nang mailapag ang pagkain sa lamesita sa kwarto ni Brian ay nagpaalam na ang matanda. Tinakpan niya muna ang pagkain dahil hindi pa tapos mag-shower ang kababata Iginala ni Chelin ang paningin sa kwarto nito. Wala pa ring pinagbago iyon. Napaka-plain tingnan at kung iisipin niya ay parang nasa ospital pa rin siya. Natawa siya sa naisip. Umupo siya sa kama at pagkuwa’y humiga. Niyakap niya ang unang ginagamit ng binata at ibinaon niya ang mukha sa malambot at mabangong unan. Hindi niya alam kung ilang sandali na ba siyang naghihintay at naririnig niya pa rin ang paglagaslas ng tubig sa banyo. Nalungkot siya bigla sa isiping baka umiiyak ang binata kaya nagtagal ito sa pagligo. Pagkuwa’y hinila siya ng antok at hindi niya namalayang nakatulog na siya sa kahihintay. MATAPOS mag-shower ay nagpatuyo na ng katawan sa loob ng banyo si Brian. Hindi na siya nagtapis ng tuwalya dahil magbibihis na rin naman siya sa kaniyang kwarto. Natigilan siya nang makita ang bulto ni Chelin na nakahiga sa kaniyang kama habang nakayakap sa kaniyang unan. Dahan-dahan siyang lumapit dito at mapaungol nang gumalaw ito nang bahagya. Hula niya ay natamaan ang braso nito kaya nama’y bumaling ito sa kabilang banda kung nasaan siya. Napasinghap siya sa maamong histura ng dalaga habang ang mga damit na hinanda niyang suotin kanina ay nadaganan nito. He felt a familiar throbbing pain in his thing and he never felt that way to her before. Mabilis na kumuha siya ng panibagong damit sa kaniyang closet at bumalik sa banyo. Napamura siya. “Hindi ko dapat nararamdaman ito.” Nakokonsensya siya lalo pa’t umuwi siya para makapagpahinga. At hindi dapat siya nakakaramdam ng ganoon sa kababata. Masyado pa itong bata. Nagtagal pa siya ng halos labinlimang-minuto sa banyo bago tuluyang lumabas. Sa sofa na lang siya matutulog dahil hindi niya rin naman maiwan si Chelin. Napansin din niya ang pagkaing nakahanda ngunit hindi na siya nakakain. Dahil na rin sa pagkahapo ay agad siyang hinila ng antok. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang natutulog nang maramdaman niya ang marahang pagtapik sa kaniyang braso. Nang magmulat ay bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng kababata. “Bakit diyan ka natulog? Hindi ka ba nangalay? Dapat ay ginising mo na lang ako,” nag-aalalang sambit nito. Umayos siya ng upo para bigyan ito ng espasyo. “I’m fine. Ano’ng oras na ba?” “Alas dose,” sagot nito habang kinukusot-kusot ang mata. Humikab pa muna ito bago humarap sa kaniya. “Mahiga ka na sa kama.” “Ikaw na lang doon. Inaantok ka pa, eh. Isa pa, maliit lang ako. Kakasya ako rito,” katwiran nito. Hindi totoo iyon dahil may katangkaran si Chelin at kung hihiga ito roon ay paniguradong nakabaluktot din ang pwesto nito. “Silly,” he said. “Doon ka na lang sa kwarto ni Bree.” Umiling ito. “Tabi na lang tayo. Maluwang naman sa kama mo,” alok nito. Marahas siyang napasinghap. “Why? Tabi naman tayong natutulog tuwing hapon noong bata tayo,” katwiran pa nito. Actually, silang apat nila Bree at Rexton. He just groaned in frustration. Umupo ito sa sofa at nahiga sa kaniyang kandungan. “Inaantok pa nga ako,” sabi nito at pinikit ang mga mata. He stroke his fingers to brush her hair and stared into her eyes gently. “Thank you for saving me from that gunshot, Chelin.” Bahagya itong tumango at nakapikit na nang magsalita, “I love you. “I love you, too,” he replied to her soft ‘I love you. Shocked was visible in her eyes when she opened those. It’s true that he loved her just as how he loved his sister. Natatarantang bumangon si Chelin. Napangisi naman siya. “Why? Has it been so long since we exchanged I love yous? Nakakailang na ba ngayon?” He chuckled afterwards. Nalaglag ang balikat nito at natigil siya sa pagtawa. Pagkuwa’y binuklat na lamang nito ang nakatakip na pagkain. “You still didn’t eat?!” singhal nito. “Gusto mo bang magkasakit?” “Napagod lang ako kanina kaya nakatulog ako,” katwiran niya. “Napagod? Wala ka namang ginawa, ah. Nag-shower ka lang,” sarkastikong sagot nito. Napaiwas siya ng tingin. Pagkuwa’y lumambot ang itsura nito. “Oo nga pala, hindi ka pa nakapagpahinga nang maayos. Wait lang, tatawagin ko si Manang. Magpapasama ako sa pagbuhat ng pagkain para iinit.” He smiled to her. She’s really adorable and caring. “It’s alright. Makakain ko naman iyan.” She pouted. “Hindi ito masarap kapag malamig. Saglit lang.” Paalis na ito nang pigilan niya. “Ako na lang ang magbibitbit. Baka tulog na si Manang,” aniya at kinuha na ang tray ng pagkain. Tahimik lamang na sumunod si Chelin habang bitbit ang pitsel ng juice. Matapos kumain at iligpit ang pinagkainan ay naghilamos na si Chelin. Pinahiram na lamang niya ito ng t-shirt at binigyan ng bagong toothbrush. Nang matapos ito ay siya naman ang pumasok sa banyo para maghilamos. Sinadya niyang tagalan ang pagpagse-sepilyo para kapag lumabas na siya ay nahihimbing na uli ang kababata. Ngunit nang matapos siya ay hindi niya nahanap sa kama si Chelin. Sa sofa pala ito natulog. Nakapamaluktot ito roon para pagkasyahin ang sarili. Napailing siya at dahan-dahan itong pinangko upang hindi matamaan ang braso. Napaungol pa ito nang maihiga niya sa kama. “Mama...” namamawis na bulalas nito, mukhang nananaginip ng masama. Akmang gigisingin niya ito ngunit tumigil na rin naman ito sa pag-ungol pero lumuluha pa rin ito. He wiped her tears and laid down beside her. He then hugged her so she would feel comfort and would stop from crying. He whispered, “Hush, Chelin. I’m here,” while stroking his hand on her head. “Brian...” usal nito at nagsumiksik pang lalo sa kaniya. Nakatulog siya sa ganoong posisyon. Kinabukasan ay maaga silang tumulak pabalik ng ospital dahil sa balitang gumising na ang kaniyang kapatid. Pagkarating nila ay lumayo kaagad si Rexton na nakaupo upuang nasa tabi ng kama para bigyan-daan siya sa paglapit. Hapong-hapo siya nang matitigan ang kalagayan ni Brianna. Naghihina pa rin ito at may nakakabit na aparato sa bibig at ilong upang makahinga nang maayos. Nilapitan niya ang nakababatang kapatid at ginagap ang kamay nito. “Magpalakas ka, baby girl. Pupunta pa tayong Japan, ‘di ba?” anas niya. Naka-schedule kasi ang flight sana nila sa susunod na linggo para magbakasyon silang magpamilya kung hindi lang naganap ang engkwentro. Pilit na ngumiti si Bree ngunit halatang hirap na hirap ito. “Huwag mong pilitin, basta magpagaling ka pa lalo,” usal niya. “Oo nga, Bree. Manonood ka rin ng fan meeting ng idols mo, hindi ba? Kaya galaw-galaw tayo riyan!” pagpapagaan ni Chelin sa usapan. “Pupuntahan ko muna si mama tapos dadaan ako kay Tita. Babalik ako rito,” paalam nito. “Samahan na kita,” alok niya. “Dumito ka na muna, Bry.” tanggi nito. “I want to visit your mom, too.” “Tara.” Natutuwa siyang umaayos na ang lagay ng mama ni Chelin ngunit nalulungkot siyang kritikal pa rin ang kondisyon ng kaniyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD