Chapter 6: First Love

640 Words
NANG makarating ang daddy ni Brian ay agad itong nagdesisyon na huwag munang ipagpatuloy ang pagpapalakad sa kanilang mga negosyo. Ang kaniyang tito ang nagsisilbing acting CEO ngayon sa kumpanya. Alam niyang abala ang huli sa pagpapalakad ng unibersidad na pagmamay-ari nito pero alam niyang kakayanin nito iyon. Moreover, he’s only eighteen and still studying. Incoming college student pa lang kaya alam niyang hindi pa sapat ang kakayanan niyang tumulong sa kumpanya. Isang linggo matapos ang nangyari ay gumising ang kaniyang mommy. He was broken seeing her mom cry devastatingly because they lost their little angel. “I want to leave the city, Brandon. I want to start anew,” saad ng kaniyang mommy sa kaniyang daddy habang tumatangis. Kaagad na nagdesisyon ang kaniyang daddy na mamalagi sila sa probinsya—sa Santa Fe, Nueva Vizcaya—at doon na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral nila ni Bree. Hindi naging madali ang pag-a-adjust na ginawa niya sa probinsya pero may nakilala naman siyang mga ka-edad niyang mahilig maglaro ng mobile games. Samantalang ang kapatid niya’y mabilis na nagkaroon ng mga kaibigan dahil natural ang pagiging palakaibigan nito kahit may pagkamasungit paminsan-minsan. Sikat din ito sa Senior High campus kaya ang dami niyang hinaharang na manliligaw nito. Naalala niya nang minsang lumiban si Bree dahil nagkabulutong ito, kaya hinatid niya ang medical letter nito sa faculty para ma-excuse sa klase, pero hindi niya naabutan ang adviser nito roon. “Good morning po, hinahanap ko po si Ms. Alvarado, iaabot ko lang po sana itong medical letter ng kapatid ko, si Brianna Lei Mendoza.” “Male-late siya, hijo,” sagot ng isang guro. “Ah, Gomez,” tawag nito sa isang estudyanteng napadaan na may hawak na mga folder. Lumapit ang babae. Sa tantiya niya ay ka-edad lamang ito ng kaniyang kapatid. “Po?” “Kunin mo itong medical at excuse letter ni Mendoza. Kaklase mo siya, hindi ba? Ibigay mo na lang kay Ms. Alvarado pagkarating niya,” bilin ng ginang. “Sige po, Ma’am,” magalang at mahinhin na sagot nito. “Hijo, iabot mo na lang sa kaniya. Aalis na ako’t baka mahuli pa ako sa klase,” paalam ng guro. Naiwan silang dalawa ng kaklase ni Bree sa may harap ng faculty. Umisod ito para hindi maharangan ang pinto. “Uh,” panimula nito. She’s cute, Naisip niya. He remembered Chelin’s cute face whenever she’s asking for a favor or something. “Ano’ng nangyari kay Mendoza?” “Bree na lang, pakiramdam ko, ako ang tinatawag mong Mendoza,” nakangiting untag niya. Namula ito. She’s really cute. “N-nasaan na iyong letter? Mahuhuli na ako sa klase,” nauutal na tanong nito. “Ah, here.” Inabot niya iyon. “Ihahatid na kita,” alok niya. “Hindi na. Malapit lang naman ang classroom namin.” “By the way, I’m Brian Lee, Brianna’s older brother,” pakilala niya. “X-Xycie Avon,” pumiyok pa ito nang sabihin ang pangalan. Sakto namang tumunog ang bell. Hudyat na magsisimula na ang klase. “Mauna na ako, Brian Lee,” mabilis na paalam nito at lakad-takbong lumayo sa kaniya upang makarating na sa klase. He answered his phone that has been ringing for minutes now. Chelin had been calling him for minutes now. “Ang tagal mo namang sumagot! Ano na? How’s Bree? She’s not replying to my texts. Unreachable din ang linya,” bungad nito. “Chel, I think I found her. I am smitten by her charm,” wala sa sariling sambit niya. “What? Found who?” nalilito namang tanong nito. “Sus Brian, kapag ako, pinagti-trip-an mo lang, liliparin ko ang Santa Fe ninyo makutosan ka lang—” “Kaklase siya ni Bree. I’m really going to court her,” putol niya sa litanya ng kababata. “H-huh? What court? W-who?” naguguluhang tanong nito bago marahas na suminghap ang nasa sa kabilang linya. “I’m going to court her,” ulit niya. Hindi na siya nakarinig ng salita mula kay Chelin dahil walang sabi-sabing tinapos na nito ng tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD