Chapter 3: Bathroom

1778 Words
NAGING mainit ang labanan ng magkabilang partida. Paano’y ilang termino na walang nakalaban ang mga ito sa posisyon ng pagka-Mayor, laging galing sa pamilya ng mga Devila ang naluluklok sa bayan. Hindi iilan ang nagbanta na umatras na raw ang papa niya sa pagtakbo subalit nanindigan ang kaniyang ito. Pinakinggan nito ang boses ng masa na huwag magpapatakot sa mga banta dahil kailangan na ng mga ito ng ibang manunungkulan. Iyong hindi kurakot, at tapat sa tungkulin; sa mga mamamayan. “Chelin, anak, magbakasyon ka muna sa Australia, sa mga tita mo, o hindi kaya ay sa Cagayan,” anang kaniyang mama habang tinutulungan niya itong magligpit ng pinagkainan. “Bakit po, Mama?” she asked even though she already had a hint about the reason why. “Mainit kasi ang laban ng papa mo. I just want you to be safe,” nag-aalalang tugon nito. “Hindi, ‘Ma. Ayos lang po ako,” tanggi niya. “Sige na, anak, makinig ka na sa mama mo,” sabad ng kaniyang papa na kanina pa pala nakikinig sa kanilang usapan, nakatayo ito malapit sa kanila. “Papa, hindi po ako aalis, sama-sama po tayo sa laban na ito,” matapang niyang sambit. “Anak...” sumamo ng ina niya. “‘Ma, kapag pinaalis niyo po ako, alam kong hindi ako agad makakabalik, at baka roon ninyo ako pag-aralin ng college kahit dito ko balak na mag-aral,” dahilan pa niya. Her dad sighed. “I’ll hire bodyguards for you.” “‘Pa, huwag na.” “You’ll be needing it.” “It’s either aalis ka o magha-hire tayo ng bodyguards,” ang kaniyang mama. “Sige po,” sumusukong aniya. Alam niyang ang kaniyang kaligtasan ang inaalala ng mga ito. “Basta huwag silang gaanong malapit sa akin, ah. Iyong hindi ko po nakikita.” “Okay, then,” her mom. “Papanhik na po ako sa kwarto, ‘Ma, ‘Pa,” paalam niya at humalik sa pisngi ng mga magulang. V-in-ideo call niya kaagad si Brianna pagkatapos mag-shower. “Can you believe it? May iha-hire daw na bodyguards. Hindi lang isa, kundi dalawa! Gusto pa nilang gawing lima. Ganoon na ba kalala ang mga Devila?” Her friend just sighed. “Pati nga mga kamag-anak namin, sinasabihan si Mommy na mag-lie low raw kami sa kampanya. Of course she didn’t agree.” “Grabe, hindi pa tayo bumoboto pero ganito pala kapag botohan.” “That’s how dirty the other politicians are. Pero mas marumi ang utak ko,” nakangising biro ng sa kabilang linya. “Oh, please, don’t tell me it’s about your boys again.” Tinutukoy niya ang pagkahilig ng kaibigan sa yaoi genre na animé o manga. Iyong parehas na lalaki ang mga bida. “I’m telling you.” Lumapad ang pagkakangisi nito at pinakita sa kaniya ang bagong edition ng binabasa nitong may intimate na drawings. “Goodness gracious! We’re just barely sixteen, Bree!” “Why? They were just sleeping here,” painosente nitong tanong. “Isusumbong kita kay Brian,” banta niya. “I know you won’t do that, Ate Chelin.” “Paano ka naman nakakasiguro?” “Then, I’ll give him the love letter you made for him when we were on sixth grade!” Humalakhak pa ito. “It’s still cringing me whenever I remember that. Ang corny ng alipin alipin.” Humalakhak pa ito. “God! Akala ko ba’y tinapon mo na iyon?” kinabahang tanong niya. “I didn’t. Nasa mahiwagang baul iyon. Kaya alam mo na, ah.” “You got me there,” suko niya. “So, do you still like Kuya?” “What? No! I don’t like Brian. Ang tagal na kaya niyon. Grade six pa lang tayo at nag-practice lang naman akong gumawa ng handwritten letter,” depensa niya. “Ow? Then, why aren’t you calling him ‘Kuya’? Matanda iyon sa iyo, girl!” “Nasanay na kasi ako.” “You know how possessive I am to my brother, Ate Chel. But if it’s you, I don’t mind giving him to you.” “Talaga?” nasisiyahang tanong niya. “Ha! Got you!” Namula ang kaniyang mukha nang mapagtantong nahuli siya nito. “Para sa minamahal kong alipin...” panimula nito, at pamilyar na pamilyar sa kaniya ang linyang iyon. Iyon ang panimulang pabati na kaniyang sinulat sa liham ng paghanga para kay Brian noon. “Hindi ko nga sabi siya gusto, eh.” “You still like him. Period.” “Sino’ng gusto ni Chelin, baby girl?” sabad ni Brian na biglang sumulpot sa kung saan. Napatili siya. Tumawa lamang si Bree. Pinalampas nito ang pagtawag na “baby girl” dito dahil sa sobrang pagtawa. “May crush na si Chelin?” hindi makapaniwalang-tanong Brian. Bakit parang gulat na gulat ito? Anong akala nito sa kaniya? Hindi magkakaroon ng hinahangaan? “Oo, Kuya. Noon pa man, gusto na niya iyon. Ginawan nga ng love letter noong Grade six kami.” “Sino?” he asked. Tumiim ang bagang ng binata. “Napakabata n’yo pa noon, ah. Kahit ngayon.” Humarap ito sa lente ng webcam. Muntik na siyang mapadausdos pababa sa inuupuan. Paano’y tagos ang mga tingin nito sa lente at nararamdaman niya ang talim niyon. “Si....” Sinadya nitong bitinin ang sinasabi. “Brianna Lei!” singhal niya para awatin iyo. Humalakhak lang ang kaibigan. Humugot ng malalim na hininga si Brian at napalitan ng ngisi ang pagtiim-bagang nito. “Good luck sa lalaking iyon. Mapaamo ka niya sana. Tigresa ka pa naman lalo na kapag maysakit.” Nanulis ang kaniyang nguso. “Napaamo mo na ako, eh,” bulong niya. “May sinasabi ka?” tanong nito. Humagalpak ng tawa si Bree na malamang narinig nito ang kaniyang sinabi dahil naka-earphones ito. “Napaamo na raw si Ate Chelin, Kuya!” she said in between her laughter. “Good night na nga! Maaga pa tayo bukas!” padabog niyang pinatay ang video call. Mabilis ang mga hiningang pinakawalan niya habang sapu-sapo ang dibdib. “I thought he’s going to find out.” bulong niya sa sarili. NAGPAALAM si Chelin na magc-C.R. lang saglit sa DC Mall. May binili lang siya saglit sa Bookstore bago dumiretso sa bayan kung saan sila mangangampanya. Last day na ng campaign period kaya naman hanggang gabi sila nang araw na iyon. Nasa loob siya ng cubicle, katatapos lamang isara ang butones ng kaniyang suot na pantalon, at f-in-lush ang inidoro nang pabalyang bumukas ang pinto. Bumungad sa kaniya ang isang lalaking nagpapanggap na babae, nakasuot ito ng mahabang dress ngunit nalaman niyang lalaki ito noong marinig niyang magsalita. “Napag-isa ka ring animal ka,” nakakatakot na sabi nito. “Sino ka?!” Pasimple niyang pinindot ang singsing na suot niya, emergency ring niya iyon at konektado sa mga bodyguard niya. Pipindutin niya ang button na mala-diyamante ang disensyo kapag nasa peligro siya. “Anak ka ni Song, hindi ba?” Nanlilisik ang mga mata nitong nilapitan siya. Napasandal siya sa pader at napaupo sa nakasarang lid ng toilet bowl. “Pipilasin ko iyan mukha mo. Sayang ang ganda mo pa naman, pero kailangang matakot ang tatay mo para umatras na sa laban.” Pinindot nito ang hawak na swiss knife at mabilis ang mga kamay nitong inilapit sa kaniyang mukha. Napaatras siya pero wala na siyang aatrasan. Mabuti na lamang at mabilis ding umaksyon ang kaniyang dalawang bodyguards kaya hindi siya napuruhan. Nahiwa ang kaniyang baba ngunit nagpapasalamat pa rin siya na iyon lang ang tinamo dahil kung nahuli ng dating ang mga ito, baka burado na ang kaniyang mukha. “Ilayo mo si Miss Chelin!” pasigaw na utos ni Dylan kay Wendell, sila ang kaniyang mga bodyguard. Tumango si Wendell at iginiya siya palabas ng cubicle. Nagsidatingan na rin ang ilang security ng mall at dinampot ang nagtangkang manakit sa kaniya. Mabilis na kinuha ng kaniyang bodyguard ang panyo nito sa bulsa, at idiniin sa kaniyang baba upang patigilin sa pagdurugo ang kaniyang sugat. “Ikaw na ang bahala rito, brad. Ihahatid ko lang si Miss sa ospital.” “Ako na ang hahawak sa panyo,” Buong-tapang siyang naglakad habang nakaalalay ang kaniyang bodyguard. Dumiretso sila sa ospital para matahi na ang sugat niya sa may gitna ng kaniyang baba. Sa lalim ng pagkakahiwa niyon ay hindi na niya maramdaman ang sakit kanina. Matapos tahiin ang kaniyang sugat ay nabungaran niya si Brian na naghihintay sa kaniya. Balisang-balisa ito at halata ang matinding pag-aalala sa mukha nito. “Chelin!” Mabilis itong nakalapit sa kaniya. “Goddammit! What did that bastard do to you?” Nagpupuyos ito sa galit nang makita ang kaniyang baba na nakatakip na ngayon. “Ano ka ba? Okay lang ako. Maliit na sugat lang ito. Tara na.” “Bakit hindi n’yo siya binantayan ng maayos?” singhal nito kay Wendell. “I was at the comfort room, Bry! Huwag mo silang sisihin. If it weren’t for them, wala na akong mukha ngayon!” pasigaw niyang singhal kay Brian. “Pasensya na, Kuya,” baling niya kay Wendell. Marahas na suminghap ang binata saka malalim na bumuntong-hininga. Tila kinakalma ang sarili. “I’m sorry, okay? Hindi na sana ako bumili ng libro. Nang naiwasan sanang mangyari ito.” “Huwag mong sisihin ang sarili mo.” Huminahon na ito pero nababakas pa rin ang takot at galit sa mga mata. She sighed, too, and they sat on one of the benches in the lobby. Ang sabi kasi ni Brian ay padating na ang kaniyang mga magulang. “Diyos ko, Anak!” Tumangis ang kaniyang mama nang makita siya nito. Sabay silang bumaling ni Brian sa may entrance. “I’m sorry... Hindi na dapat ako tumakbo para hindi ka nadamay,” nasasaktang sambit ng kaniyang ama. Kasama nitong dumating ang kaniyang ina. “‘Pa, don’t be like that. You know how much we need you here.” “Oo nga po, Mayor. Huwag po kayong aatras sa laban,” sabad ng isa sa mga kamag-anak siguro ng pasyenteng nasa ospital. “Tingnan mo na lang ang pampublikong ospital na ito, ‘Pa. Hindi ba kasama ito sa project mo na pagagandahin natin kapag naluklok ka?” ”Tama po ang anak ninyo, Mayor,” anang isa. Mayor na ang tawag ng mga ito sa kaniyang ama dahil desidido na raw ang mga ito sa pagbabago ng kanilang bayan. At hindi mangyayari iyon hangga’t hindi naiiba ang nakaluklok sa munisipyo. Hinarap ng kaniyang ama ang mga mamamayan. “Patawarin ninyo ako sa aking nasabi. Natakot lang ako sa maaaring nangyari sa aking anak. Huwag po kayong mag-alala, makakaasa kayong tuloy ang laban natin. Hindi po ako aatras bilang kandidato sa pagka-alkalde,” buong-pusong hayag nito. “Mayor Song para sa pagbabago!” “Mayor Song! Mayor Song!” the crowd chanted. “Maraming salamat po sa inyong tiwala at pagmamahal sa bayan. Pupunta na po kami sa plaza para sa huling araw ng pangangampanya,” paalam ng kaniyang ama. “Anak, umuwi ka na kaya? Magpahinga ka,” ang kaniyang mama. “Brian, pakihatid naman si Chelin sa bahay,” pakiusap nito sa binata. “Hindi po, ‘Ma. Huling araw na ng kampanya. Kailangang nakasuporta rin tayong dalawa kay Papa.” Her mom sighed. Alam nitong hindi mababali ang kaniyang desisyon, pero pinauuwi pa rin siya nito. “Umuwi ka na, Chelin.” “‘Ma...” pamimilit niya. “I’ll stay by her side, Tita. With the bodyguards,” Brian assured her mom. Pumayag ito kalaunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD