Chapter 2: Graduation

1287 Words
MAALINSANGAN ang pakiramdam ni Chelin nang sumilong sila sa may bubong. Nakalimutan kasi niyang magbaon ng pampusod ng buhok kaya nama’y nakalugay ang hanggang likuran ang haba, alon-alon, at malambot niyang buhok. Pinaypayan siya ni Brian, at nagpasalamat siya rito. “Lakasan mo pa, Bry,” utos niya. “Yes, Your Highness.” Bahagya niyang tinampal ang braso nito. “Naalala mo noong mga bata tayo? You’re playing castle with Bree. You both liked playing princesses.” She chuckled as they reminisced about the past. Paano’y ni minsan ay hindi siya naging alila. Palaging si Brian ang ginagawa niyang taga-utos. “And you didn’t want to be my knight,” natatawang usal niya. “You liked dela Costa to be your knight, remember?” He was pertaining to Rexton dela Costa, their childhood friend. “Oo, tapos kami ni Bree ang mga mahal na prinsesa.” Humagikgik siya. “At ako ang alipin mo.” He wasn’t smiling but humor was visible in his eyes. “Ang corny mo!” natatawang singhal niya. “Seriously though, ayaw mo naman kasing maging Prince Charming.” Pagak na tumawa ang binata. “Because I always wanted to be your servant, Chelin.” Napasinghap siya. Hindi siya sigurado pero parang may ibig ipakahulugan si Brian. Iniba niya rin kaagad ang usapan. “Lakasan mo nga ang pagpaypay. Kung anp-ano pa ang sinasabi mo para lang hindi ka na magpaypay, eh,” pabirong singhal niya. Dumami na rin kasi ang mga tao sa covered court ng barangay na pinuntahan nila kaya mas lalo siya nainitan. “Hold this for a second,” abot nito sa pamaypay. Pumwesto ito sa kaniyang likuran at walang sabing inipon ang kaniyang buhok sa kamay nito. “Hey, wala akong ponytail.” “Hahawakan ko na lang.” “Huwag na, boy! Nakakahiya. Tumitingin na ang ibang tao, o,” saway niya. “Hawakan mo na muna saglit.” “Why? Hayaan mo na nga kasi.” “I’ll just get my handkerchief. Nasa bulsa ko.” “Oh,” usal niya nang makuha ang ibig nitong sabihin. She let him do her hair. It look him a bit longer so she tried to face him. “Huwag kang malikot, itatali ko na itong panyo sa buhok mo.” “Sige, dalian mo, nakakahiya na.” Dahil ang atensyon niya ay nasa kung gaano karahan ng paghaplos nito sa buhok niya ay hindi niya namalayang nakakuha na sila ng pansin. Someone even took a photo of them but he seemed he didn’t mind it at all. Matapos nitong itali ang panyo sa kaniyang buhok ay kinuha naman nito ang pamaypay at pumwesto na ulit sa kaniyang tabi, nagpaypay na. “Congrats nga pala noong graduation mo last week. Hindi ako nakapunta kasi tinrangkaso ako. ‘Di na ako pinayagang makaalis ni mama,” paliwanag niya. “That’s good. It’s for you to rest and get better,” sagot nito. “Pero, graduation mo iyon, eh. I didn’t see you graduate with high honors.” She pouted and felt disappointed. “Okay lang, nakita naman kita,” nakangisi nitong sambit. “Huh?” “Didn’t you know I went to your house to find out why you didn’t see me? Tapos nakita kita, nakatalukbong sa kama, giniginaw.” As if on cue, may naalala siyang eksena sa kaniyang isip... “MAMA, pumunta na po tayo kila Bree. Graduation po ni Brian,” pakiusap niya sa ina. Nakahiga siya sa kaniyang kama. “Magpagaling ka muna, anak. Your dad is on his way there to send our gifts and congratulate your friend. Pinasabi ko na lang din sa kaniya na may trangkaso ka.” Umungol siya bilang protesta ngunit tama ito dahil masama talaga ang pakiramdam niya. Naulanan kasi siya kahapon nang maisipan niyang maglakad-lakad sa subdivision subalit naabutan ng malakas na ulan. “O, hijo, bakit ka narito?” Bumaling siya sa pinto. “Brian...” usal niya nang maalala ang graduation ng binata. “Ano pong nangyari?” “May trangkaso,” anang kaniyang ina. “Bry...” tawag niya uli rito. Namamalik-mata man o hindi, gusto niyang lapitan ang binata. Sinagot namang ang hiling niya nang mahawakan ang kamay nito. Buong-pwersa niya itong hinigit palapit sa kaniya at hindi alintana kung nadaganan siya nang bahagya. Mabilis naman itong bumangon at pumwesto sa kaniyang tabi. Saka naupo sa gilid ng kama. Kuntodo pa rin ang pagkakahawak niya sa braso nito, at halos yumuko ito para hindi siya mahila. “Chelin!” sita ng mama niya. Umungol lang siya. Masakit na masakit ang kaniyang ulo. “Chel, let go of him. Baka mahawaan mo siya!” “Tita, mukhang mataas po talaga ang lagnat niya. Dalhin na po natin sa ospital,” nag-aalalang usal ni Brian at akmang lalayo ito. “Baka nakakalimutan mong doktor ako, hijo?” natatawang untag ng kaniyang mama. “Hmm...” ungol niya. “Dito ka lang, Bry. Hindi na nga ako nakapunta sa graduation mo,” pagmamaktol pa niya. “Ang akala ko pa naman hindi na spoiled brat. Pero kapag ikaw ang kasama niya, lumilitaw ang munting sungay ng anak ko,” magaang turan ng kaniyang mama kay Brian; bahagyang natawa. “Sinanay mo kasi.” “Pasensya na po. Uuwi rin po ako mamaya, tumakas lang po ako sa handaan.” “Hala, siya, sige, lumakad ka na! Paniguradong hinahanap ka na ng mga magulang at bisita ninyo.” “Ayoko!” singhal niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso binata. “Chelin, pauwiin mo muna si Brian. Magkita na lang kayo kapag magaling ka na. “Ayoko po.” Mas lalong humigpit ang pagkakalingkis niya rito. “Cherie Lyn!” singhal ng mama niya. She threw tantrums and bawled. “Ayoko! Ayoko! Ayoko po!” ”Shh...” pagpapatahan ni Brian. “Huwag kang umiyak. Sasakit lalo ang pakiramdam mo.” “Umuwi ka na, Brian. Pasensya ka na kay Chelin, alam mo naman iyan kapag maysakit,” hinging-paumanhin ng kaniyang mama. Matigas ang ulo niya at parang batang nagwawala sa tuwing maysakit. “Ayos lang ho. Dito na muna ako, tita, hanggang sa makatulog siya.” Natigil siya sa paghikbi nang marinig ang desisyong iyon ng binata. “Kung hindi lang masama ang pakiramdam ng anak ko, kanina pa talaga kita pinauwi. You’re too close.” What did her mom mean? Close naman talaga sila ng binata. ”P-pasensya na ho, tita,” tila nahihiyang wika ni Brian. Tumawa ang ginang. “Pulang-pula ka na. Para ka na ring maysakit. O, sige, pagluluto ko lang ng makakain si Chelin. Pihikan pa naman kapag may sakit.” “Sige po.” Ngumiti siya ng matagumpay nang makalabas ang kaniyang mama. “Nananaginip nga siguro ako kasi nandito ka kahit graduation mo,” inaantok niyang usal. “Matulog ka na para makapagpahinga ka nang maayos.” Humikbi siya. “Pasensya na, hindi ako nakapunta sa graduation rites ninyo. Hindi rin tuloy kita nabati. Masakit kasi talaga ang pakiramdam ko...” A silent pause, then she continued, “...hindi na lang sana ako nagpaulan,” nagsisising saad niya. Naulanan kasi siya nang pauwi na galing bakeshop kahapon. “Hush, Chelin, I understand. Mas importante ang kalusugan mo.” “I wanted to congratulate you so bad,” sambit pa niya. Sa namumungay na mga mata ay tinitigan niya ang gwapong mukha ng binata. Matamis siyang ngumiti. Tama ang mama niya, masyado silang malapit sa isa’t isa lalo na ngayong nakayuko ang binata. “Congratulations...” masuyong bulong niya at kinintalan ito ng magaan na halik sa pisngi. NAPASINGHAP si Chelin sa alaalang dumaloy sa kaniyang isipan. Napakurap-kurap pa siya nang tingnan muli si Brian na malapad ang pagkakangisi. Pinamulahan siya ng mukha. She wasn’t really sure about her, kissing him, but she’s certain he was there and she threw tantrums in front of him! Nakakahiya! “You remember now, hmm?” panunudyo nito. “O, ayan na pala sina Rexton,” pag-iiba niya sa usapan nang mamataan ang kaibigan. Tinawag niya ang mga bagong-dating at pinapwesto sa kanilang tabi. “Bree, uminom muna kayo ng tubig. Nandoon iyong cooler natin,” alok niya sa pawisang si Brianna, tinuro ang naka-park na van kung nasaan ang cooler box. “Okay, thanks. Rex, pakuha naman, o.” Bumaling ito sa kanilang kaibigan. “No, pagod din si Rexton. Ako na lang ang kukuha,” presinta niya at mabilis na umalis upang makakuha ng tubig na maiinom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD