ILANG ring lang ay sumagot na kaagad sa tawag ni Chelin si Brian. “Where you at? I’m at the parking lot. Kanina pa ako naghihintay rito,” bungad nito. “Wow! Advance mag-isip?” natatawang komento niya. “I know you, Chelin,” sagot lamang nito. Hindi na siya umangal at tinanong na lang kung saan banda ito nag-park. “Wait! Have you eaten already?” she asked. “I still haven’t. Nag-standby ako baka kasi tumawag kayo habang kumakain ako,” esplika nito. “What?” naiiritang singhal niya. Wait for us there! I’ll buy you food! Gusto niyang isatinig pero binaba na niya ang tawag sa sobrang inis. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ni Bree. “Kuya?” bati nito. Naningkit ang kaniyang mata. Ano na naman ba? Nagsimula na siyang maglakad at pinuntahan ang pinakamalapit na bilihan ng burger sa m

