INABALA ni Chelin ang sarili sa pag-aaral. Grade Twelve na siya at gusto niyang maka-graduate ng may mga parangal para hindi siya mahirapang makapasok sa Unibersidad na gusto niya. Kung gusto niyang i-pursue ang pagiging dentista, dapat ngayon pa lang ay ginagalingan na niya. Gayong abala rin ang kaibigang si Bree sa pag-aaral ay hindi na siya pumasyal sa Santa Fe. Isa pa’y gusto niya ring iwasan si Brian dahil naguguluhan na siya sa sariling damdamin. May napupusuan itong iba, hindi siya dapat na maging hadlang sa mga ito. At habang maaga pa ay pipigilan na niya ang sariling damdamin dahil baka makasira pa iyon sa pagkakaibigan nila ng binata. Nagdaan ang Pasko ay hindi rin siya sumama kay Rexton sa pagluwas nito papunta kila Bree. Nagdahilan na lang siya na mag-a-outing sila ng pamilya

