Chapter 9: Volunteer

1860 Words
MAAGANG tumulak papuntang bayan sina Chelin at Bree. Ipapasyal daw siya nito sa lugar. As usual, Brian was with them, too. Ang binata na ang nagsilbing driver-s***h-alalay nilang dalawa ng kaibigan. “Don’t worry. No shopping for today.” Ngumisi siya habang tinatapik-tapik ang kanang balikat nito. “It’s alright, Chel. You can buy whatever you want. Or do you want me to buy you something?” seryosong sambit ni Brian. She searched about Santa Fe before and she liked how it really gave justice with what she was in the internet—Santa Fe, the gateway to Cagayan Valley, has clustered tourist abstractions with cool climate, rich culture, historical significance, and majestic natural landscape. “Siya nga pala, ang gaganda ng mga kuha mo!” pag-iiba niya sa usapan. Bahagya itong nangiti. “I especially love these shots from the Forests Park,” komento pa niya nang inilabas ang cellphone at nag-browse ng mga picture. “Ipapasyal pa kita bukas.” “Tama si kuya,” si Bree. “Cagayan Valley is one of the most beautiful places I’ve ever seen! Akala ko nga noon, I won’t survive the province life, but I was wrong!” Lalo siyang napangiti at tumango. “The place is stunning. Paniguradong hahanap-hanapin ko ito sa Maynila... Oh, the scenic mountain ranges and valleys are just so majestic! Ang sarap pa sa balat ng malamig na simoy ng hangin, saka alam mo iyon? Amoy fog, feeling ko nga nalinis na ang baga ko rito,” natatawang untag niya. “At sa tingin ko, mas gugustuhin ko nang tumira rito kaysa sa atin.” “Are you sure?” nagdududang tanong ni Brian; nang-aasar. “Oo naman! Kahit malayo ang mall, okay lang, I can always ask you to drive me around.” Ngumisi siya. Napakamot lamang ito ng batok. Kabababa lang nila sa Unibersidad na pagmamay-ari ng tito ng mga ito. May kalayuan nang kaunti sa bayan ng Santa Fe ang naturang unibersidad. Namangha siya sa ganda niyon. Hindi niya inakalang may ganoong Unibersidad sa lugar na iyon. Ang akala niya noo’y small school or Community College lang ang mayroon kapag sinabing probinsya. “May klase ako ng two to five. May exams kami. Hintayin n’yo na lang ako para sabay na tayong umuwi,” pagbibigay-alam ni Brian sa kanila. Nakagat niya ang labi. Kinain siya ng kaniyang konsensya nang maalalang hinila niya ang binata sa pagsa-shopping kahapon gayong kailangan pala nitong mag-review para sa exams nito. At maging kaninang umaga, imbes na magpahinga na lang ito ay sinama pa nila sa pamamasyal. Tiningnan siya nito. “Don’t worry, I don’t do cramming. Nakapag-review na ako ilang araw na ang nakalipas,” pagpapagaan nito sa pakiramdam niya. Dumiin ang pagkagat niya sa labi. He always really knew what’s going on with her—except when she’s jealous with that girl he’s courting. “Saan ang College Department?” tanong niya. Pilit na iniba ang usapan. Maraming estudyante ang naroon at hula niya’y mga college students ito. Last week na raw ng klase ng mga ito at sembreak na sa katapusan ng Mayo. Samantalang ang mga Senior High ay nakabakasyon na at magbubukas ang school year sa Hunyo gaya ng sa pinapasukan niyang University. “May isa rito sa bungad. That’s the College of Industrial Technology,” turo ni Bree sa isang building malapit sa main gate. “The rest are located near the second gate,” esplika nito. “Where’s the College of Business Administration?” she asked. “Tara, puntahan natin. Ihatid na natin si kuya.” It’s already one thirty. Mas mainam na ang maagang makarating si Brian dahil may exam pa ito. “It’s alright, ihahatid ko muna kayo sa mall diyan sa tapat,” tanggi ni Brian. “Baka ma-late ka, ‘no!” singhal niya. “And besides, we aren’t done exploring yet. Hindi pa nga naturo ni Bree ang High School Department at iba-iba pang lugar dito sa University,” katwiran niya. “Sakto! Katapat ng building namin ang CBA. Kaya nga madalas iyang napapadaan sa amin para dalhan ng kung ano-anong pagkain si Gomez,” daldal ni Bree. “Kunwari pang hinahatid ako.” Nagkamot lang ng batok ang kuya nito habang pasimpleng ngumiti. Hmp! Umirap siya sa isipan. “Kinikilig ka na sa lagay na iyan?” Tumabingi ang ngiti nito. “Alright. Just don’t talk with guys. Kapag pasyal, pasyal lang. No boys, okay?” “So ikaw lang ang allowed na makipaglampungan sa school grounds, ganoon?” sarkastiko niyang komento. “Hayaan mo na si Kuya, Ate Chelin. Baka masira ang mood mo kapag nagbangayan pa kayo,” awat ni Bree. Ngayo’y totoong inirapan na niya ang binata at nagmartsa palayo. “Chelin!” tawag nito sa kaniya. Hindi siya natinag. “Hindi riyan ang daan.” Nanlaki ang kaniyang mga mata at huminto sa paglalakad. Pagkuwa’y pumihit siya at humarap dito. Taas-noong nilapitan niya ito. “Lead the way, then,” masungit niyang utos. “Yes, Cherie,” seryosong sabi nito kahit halata namang kinagigiliwan nito ang pamumula niya dahil sa kahihiyan. Humagalpak ng tawa ni Bree. “It’s Chelin, Bry. Masyadong common ang Cherie,” pilit na pagsusungit niya. “My princess, then.” He smirked then started walking. Bago pa umusok ang tainga niya sa sobrang inis ay nahawakan na ni Bree ang kaniyang braso. “Easy lang. Nakakatuwa talaga kayo ni kuya, ‘Te Chel. Ang cute ninyo, para kayong mag-jowang may LQ!” nakatawang sambit ni Bree. Naningkit ang kaniyang mga mata. “Hah!” singhal niya sa tumatawang kaibigan. My princess... Ulit niya sa kaniyang isip. Sa buong linggong pananatili niya roon ay palagi silang umaalis ni Brianna. Linggo bukas at magvo-volunteer naman daw ang mommy ng mga ito sa isang retirement home para sa check-up ng mga matatanda at magpapakain din daw ang mga ito. “Talaga po? Tita, pwede po bang sumama?” tanong niya habang masa hapag-kainan sila. “I’m glad that you’re interested with these stuffs, Chel. Pero nandito ka para magbakasyon,” katwiran ng ginang. “I won’t mind po. Besides, buong linggo na rin naman kaming namamasyal ni Bree. Ang ganda po talaga rito! Payapa sa mga bukirin tapos kung gusto mo namang mag-shopping, meron ding malls. Hindi tulad sa atin na puro magagandang malls and skyscrapers nga, pero wala namang tahimik at payapang lugar katulad dito,” sentimyento niya. “I agree, hija. Kaya nga gusto ko na talagang mag-settle dito,” natutuwang sagot nito. “But mom, don’t you miss daddy? He’s always out of the town. If not, out of the country. Isn’t it better if we go back to Manila na lang? We can always go back here for a vacation,” suhestisyon ni Bree. Brianna was the mini version of her mother, Emily. Mas soft lang ang features ng ginang dahil ang kaniyang kaibigan ay maituturing niyang spoiled brat. While Brian got his features from his father. They’ve got the same thick brows and expressive brown eyes. Maging ang makakapal at mapupulang labi ay namana nito sa ama. At may katangusan din ang ilong nito. “Brianna...” saway nito sa kapatid nang hindi kumibo ang mommy ng mga ito. “I’m done eating. You can go tomorrow if you want,” baling ng ginang sa kaniya. “Anyway, the first batch of Senior Highs are going to volunteer tomorrow so you won’t get bored because you’re at the same age,” esplika nito. “And you, Brianna. Kahit next batch ka pa kasali sa mga volunteers, sumama ka na rin bukas,” habilin nito kay Bree. “Opo, ‘My,” maliit ang tinig nito. She looked to her friend apologetically. She forgot that her friend didn’t like to go to events like these. Dahil wika nito ay puro plastikan lang daw ang nagaganap between the volunteers. Kaya tumutulong na lang ito sa tuwing may Medical Mission ang mommy nito. “I wonder what happened why did you stop volunteering...” nagtatakang usal niya. “Mauna na ako sa taas. Shower,” iwas nito sa kaniyang tanong. Ngumuso lang siya at tumango. “Mag-ina nga,” naiiling na komento ni Brian habang hawak ang tinidor na may nakatusok na piraso ng ulam. “That, I agree,” she replied. “Kumain na nga tayo nang mailigpit mo na ang pinagkainan.” “Aalilain mo na naman ako,” “Hindi, ah!” tanggi niya. “I’ll wipe the table and will help you place the cups on the cupboard. Ikaw na sa mga plato,” dagdag niya pa. Nakokonsensya siya kasi kahit gustuhin niyang maghugas ng plato ay natatakot naman siyang makabasag na naman ng pinggan, o ‘di kaya’y baso o mangkok. Sa mag-iisang linggong pananatili niya roon ay apat na beses na siyang nakabasag habang sinusubukan niyang hugasin ang mga pinagkainan. “Come on, Chelin, wear these gloves. Ikaw na ang maghugas ng mga pinggan,” pilit ni Brian nang matapos silang kumain. “Masakit kasi ang balikat ko.” She sighed. “Sige na nga. Baka sisihin mo pa ako kapag napilay ka.” Natutuwa nitong ipinasuot sa kaniya ang pink na gloves na halos hanggang siko ang haba at iginiya siya sa harap ng kitchen sink. Tahimik niyang binanlawan ang mga hugasin at heto na nga, sasabunin na niya ang mga iyon kaya kinakabahan siya. Siguradong may dudulas na naman nito! Natatarantang singhal niya sa sarili. Bago pa may madulas ang basong hinahawakan niya ay nasalo na iyon ni Brian gamit ang kaliwang kamay. “Salamat!” Natigil siya sa pagngiti nang maramdamang malapit ito sa kaniya. It’s like he’s back hugging her while his hands were in front of her. “I’ll teach you how to do the dishes properly,” bulong nito. Halos mamangha siya sa kung paanong nanatiling kalmado ang sariling katawan at tahimik na sumunod ang kaniyang mga kamay at braso sa bawat paggalaw nito kahit pa nga ang kaniyang puso’y parang gusto ng kumawala sa sobrang lakas mg pagtibok nito. Can’t you teach me on how to properly kept my heart still instead? Piping-sambit niya. “M-maalinsangan, Bry. I can take it from here,” nauutal niyang sabi. “Just go back to your room, ako na ang tatapos nito.” Umiling siya. “Ako na. L-lumayo ka nang kaunti. Gets ko na kung paano hawakan ang plato,” katwiran niya. Ilang sandali pa ay humakbang ito papalayo para lamang umupo at pagmasdan siya. Kahit hindi siya lumingon ay matamang nakatitig ito sa kaniya. “Sasama ako bukas sa pagvo-volunteer,” turan nito. Natigilan siya. Naisip tuloy niya kung sasama ba ito dahil gusto niyang sumama? “Nandoon din si Xycie. Pero nasabi ko na sa kaniya noong nakaraan na baka hindi kami magkita dahil nandito ka. Na sasamahan kita kahit saan. Pero dahil sa retirement home din ang punta mo, pu—” “No. Hindi na ako sasama. G-gusto kong mamasyal bukas,” putol niya sa sasabihin nito. Nagngitngit ang kaniyang puso dahil buong akala niya, dahil sa kaniya kaya ito sasama. “I always volunteer during my free time, too. Hindi lang ako nakapag-volunteer ngayon dahil gusto kitang samahan,” saad nito. Hindi niya pinansin ang huling sinabi nito at sumimangot siya. Kung nagiging hadlang pala siya sa mga lakad nito, mas mabuti pang huwag na itong pasamahin. “Sige, okay lang naman ako. Hindi kami mamimili at hindi naman kami lalayo ni Bree. Hindi mo na kami kailangang samahan,” aniya sa maliit na tinig. “Gusto rin kitang makasama, Chel. I’ve missed you, you know,” seryosong turan ng binata. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. I’ve missed you, too, so freaking much. She didn’t respond and she just removed the gloves. She let him continue washing the dishes then she walked away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD