Chapter 8: Regalo

1051 Words
“SIYA nga pala, sa Bookstore lang ako. I know you’ll get bored kaya magkita na lang tayo later,” paalam kina Chelin at Brian ni Bree. Matapos kumain ay sinadya niyang na damihan ang mga pinamili niya para lamang may mga bitbitin pa ang binata. “Tama na, bukas naman,” reklamo nito. “Ayoko. Mom gave me a bunch of pocket money, and I also have my savings. Uubusin ko ang lahat ng iyon ngayon,” pagsusungit niya. “What’s wrong with you?” he asked. Natigilan siya sa paglalakad. “Ano’ng what’s wrong?” “Something’s bothering you, Chelin. Kilala kita.” Pero bakit hindi mo alam ang dahilan? “Wala, ‘no! Tara nga, bibili pa ako ng pabango mamaya.” Hindi ito natinag. “Did you break up with your boyfriend?” “What boyfriend?” “You’re sixteen. Magse-seventeen ka na. Alam kong marami kang manliligaw sa Maynila. I saw your photos with dela Costa, too.” Naningkit ang kaniyang mata. “But that doesn’t mean I already have a boyfriend. And what’s up with Rexton though?” “I see... Kaya pala hindi mo siya tinatawag na kuya kahit mas matanda siya sa iyo ng halos tatlong taon.” Tumatangu-tango pa ito na akala mo’y may napagtanto. “I don’t get your point. Bree doesn’t call him ‘Kuya’, you don’t. And we’re childhood friends so don’t expect me calling him that,” naiiritang sagot niya. “I don’t even call you Kuya Brian, too!” Tila natauhan naman ito at nginitian siya. “Oo na, huwag ka nang mainis. Nagtanong lang naman ako. Tara, kahit bumili ka pa sa lahat ng boutique dito sa mall, bibibitbitin ko ang mga pinamili mo. Just don’t frown at me. Para ka talagang tigresa.” Naiiling na tumuloy siya sa pagpasok sa isang bilihan ng mga relo. “Ma’am, ito po, latest release po ng brand namin. Mabili po sa mga couple,” rekomenda ng saleslady sa kaniya. Maganda ang disenyo ng relo na iyon. Roman numerals ang disenyo ng mga numero niyon. The saleslady helped her wear the watch. “Ang ganda nga. Kukunin ko ito. Pero pwedeng itong sa pambabae lang?” she asked. “Pwede naman po. But you can save more if you’ll buy it together with the other one,” marami pa itong sinabi na totoo namang nakakaenganyo. Subalit hindi naman niya magagamit iyon. Napasulyap siya kay Brian na abala sa pagtipa sa cellphone nito habang nakaupo sa waiting area. He’s just wearing a simple grey shirt and faded jeans with his black boots, yet, he looked so dashing. Hindi bagay rito ang mga paper bags na nakalapag sa tabi nito. “Sige, I’ll get these,” wala sa sariling sabi niya sa saleslady. “Hindi ko na tatanggalin ito,” dagdag pa niya habang inaabot ang debit card dito. “Okay na po, Ma’am. Saglit lang at ibabalot ko ang mga ito,” sabi ng cashier matapos i-swipe at binigay sa kaniya ang card. Nilapitan niya si Brian na abala sa paglalaro. “Ang presko mo pa namang tingnan tapos naglalaro ka lang pala niyan,” untag niya. “Ang tagal kasing mag-reply ni Xycie kaya naglaro muna ako,” dahilan nito nang hindi lumilingon sa kaniya. Napabusangot siya at pasimpleng hinawi ang suot na shoulder bag para tamaan ang braso nito. Tumilapon ang hawak nitong cellphone. “Oops. Sorry,” labas sa ilong niyang sambit. Tiim-bagang nitong pinulot ang cellphone at nangunot ang noong tiningnan siya. “Ma’am, heto na po,” the saleslady excused herself. Tinanggap niya iyon matapos magpasalamat at dire-diretsong lumabas sa boutique. D-in-ial niya ang number ni Bree para yayain na itong makauwi. “Nasaan na kayo? Magbabayad lang ako ng mga binili ko pero mahaba ang pila,” bungad nito. “Tapos na kami. We’ll just wait for you at the parking lot.” “Sure!” Nang makarating sa parking-an ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan nang ma-unlock iyon at mabilis na lumulan sa backseat. Nakasunod lamang si Brian sa kaniya at binuksan din nito ang pinto ng backseat para ilagay ang mga pinamili. “Doon ka na sa harap. Baka lumubog ka sa mga paper bags,” biro nito. He’s smiling yet there’s no humor in his eyes. Mukhang napikon niya ito sa pagtama niya sa cellphone nito kanina. Halata naman kasing hinawi niya ang kaniyang bag. “Ayoko nga,” pagsusungit niya. Ilang sandali pa ay tumunog ang kaniyang cellphone. Bree was calling. “O, Bree?” “Ate Chelin, mauna na kayo sa bahay. Pakisabi kay kuya na nakita ko kasi ang ilang mga kaklase ko rito sa mall. Niyaya akong mag-milk tea.” “Oh, sige sige. Enjoy!” “Thanks!” sagot nito bago tinapos ang tawag. “What?” Prente itong nakaupo sa driver’s seat. “Mauna na raw tayo.” At sinabi niya ang dahilan kung bakit. “Okay, sige. Lumipat ka na rito sa harap.” Nagbago na ang mood nito. “Ayos na ako rito.” “Magmumukha naman akong driver nito, Chel.” Ngumuso siya at lumipat na rin sa front seat. Bitbit pa rin niya ang mga relo. Sampung minuto na silang nasa daan nang magsalita si Brian. “Bad day?” “Hindi naman. Mainit lang,” dahilan niya kahit malamig naman ang temperatura sa mall. Hindi na siya nito inusisa pa. Pagkarating sa bahay ay hinatid nito ang mga pinamili sa kwarto ni Bree. “Wala pa si Mommy. Volunteer kasi siya sa home for the aged, thrice a week,” esplika nito. “Ah, kaya pala. Sama tayo minsan,” aniya at inabot na rin ang kahon ng relong binili niya para rito. “O, para sa iyo.” Binuksan nito ang kahon at nakangiting tiningnan siya. Halos malunod siya sa galak na pinapakita nito. His genuine smile was making her heart beating fast. “You bought us a couple watch?” namamanghang tanong nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kaniyang wrist at sa hawak nitong regalo. Napakagat labi siya at halos lamunin na ng lupa sa kahihiyan. Ano na lamang ang iisipin nito? Baka akalain ng binata na nagiging possessive siya. Eh, kaibigan lamang niya ito. Mabilis na umisip siya ng palusot. “I... I b-bought a couple for Rexton and Bree, too!” dahilan niya. Tumabingi ang ngiti ng binata. “Still, thank you, my Cherie,” seryosong saad nito bago tuluyang lumabas sa kwarto. Mabilis na tumipa siya sa cellphone para matawagan si Bree. Agad naman itong sumagot. “Hello? Nasa mall ka pa ba?” “Yes. Why?” “Thank goodness!” tila nakahingang-usal niya. Hinabilin niya kay Bree na bumili ng mga relo. She then sent her a photo of the watch she’s wearing so she would know what to buy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD