ILANG araw ring naging abala si Chelin sa kanilang group project at sa mga araw na iyon ay walang palya sa paghihintay si Brian sa kaniya. At lagi silang nasa Universe Café ng kaniyang mga ka-grupo. “Chelin, manliligaw mo ba si Mendoza?” Hindi napigilang tanong ni Jasel habang kumakain sila ng chiffon cake na in-order na naman ni Brian para sa kanila. Abala naman ang boys sa pagre-research. Muntik na siyang masamid, pinipigilang mangiti. “Hindi.” “Kung ganoon, ano mo siya?” “Kababata.” Jave chuckled. “Are you my cousin’s spirit animal? Iyan din ang sagot niya sa tuwing tinatanong ko kung ano niya si Bree.” Nagtatakang lumingon siya kay Jave. “She’s Hans’ godmother. Ano ba dapat?” She’s pertaining to her godson, too. Anak ng kababata nila. Sa nakalipas na taon ay maraming nangyari sa

