KASAMA ngayon ni Chelin si Brian sa University. Gaya ng napagkasunduan, agad na bumalik ang mga Mendoza sa mansiyon ng mga ito sa Maynila tatlong linggo matapos nilang ipaalam na engaged na silang dalawa. Matapos ang kaniyang debut party ay palagi na silang magkasama ni Brian dahil sinasamahan siya nito sa pag-enroll habang ito nama’y abala sa paglakad para sa proseso ng transfer papers nito. Mabuti na lang at credited ang karamihan ng units na na-take nito. “Parehas tayong morning shift. Hanggang twelve ang klase ko samantalang ikaw ay hanggang ala una. I’ll wait for you everyday para sabay na rin tayong umuwi. Ihahatid kita,” alok ni Brian nang minsang sunduin siya nito sa bahay. Isang linggo na mula ng magpasukan. “It’s alright, Bry. Hindi naman kailangang umakto ka na fiancée mo ako

