Patricia
It's been a week since the school started at ngayon lang ako nakatanggap ng message sa cooking club para sa processing ng application ko. And so far, I'm loving it here. Sobrang bait ng mga ka-block ko. Some of them are even generous since nagdala sila ng mga pagkain para maipamigay sa blockmates ko, including me of course.
Nag-inquire na rin ako for the scholarship. Next week, magpapasa ako ng application for an interview and hopefully, matanggap ako. May tiwala naman ako sa grades ko dahil matataas ang mga ito so on that part of the requirement, alam kong okay na ako. Ang kailangan ko na lang maipasa ay ang ibang hinahanap nila.
Tumigil ako sa paglalakad sa hallway at tinignan ang room name sa itaas ng pinto bago ko tinignan ang cell phone ko, just to make sure na tama ang kwartong itinuro sa akin ng mga napagtanungan ko. I smiled nang makumpirma kong tama ito bago ko itinago ulit ang cell phone sa bag ko.
Kinatok ko ang pintuan at ilang saglit lang nang bumukas ito at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng lalakeng nakausap ko sa booth noong nag-register ako.
"Hi!" Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto saka ako hinawakan sa pulso at hinila papasok. "Nandito na siya!"
Umalis sa harap ng lamesa nila iyong apat na nasa booth dati saka ako nilapitan. Halata ang saya sa mukha nila dahil sa pagdating ko habang iyong iba na hindi ko kilala, probably mga new recruit nila ay pinanunuod lang ang ginawang pagdumog sa akin habang nakangiti.
"Akala namin talkshit ka!" nakangising sinabi ng babaeng naka-bob cut saka hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Thank God, dumating ka."
"Hindi naman ako ganuon." Tinawanan ko sila saka ako kumalas sa pagkakahawak nito. "So paano pala iyong process ng application ko? May kailangan ba akong ibigay sa iniyo?"
"Not really." Napatingin kaming lahat sa lalakeng nagbukas ng pinto para sa akin kanina. "For formality lang iyong interview so it's not really necessary to do that. May fi-fill up-an ka lang na form para maipasa namin." Tumingin siya sa kasama nilang lalake. "Jackson, pakuha naman ng form sa drawer."
Tumango ito at pumunta sa likod ng room. May dalawang magkatabing drawer duon na nakasandal sa pader. May kinuha itong papel mula rito saka bumalik sa amin at ibinigay ang hawak sa nag-utos.
Matapos ko ito sulatan ay nagpakilala sila isa-isa at ipinakilala na rin nila ako sa iba pa. Matapos ang pagpapakilala, pinapunta muna nila ako sa isa sa mga lamesa kaya tinabihan ko si Kate. Nagkumpulan silang lima at hindi ko maiwasang magtaka kasi mukhang bothered sila base sa ekspresyon nila.
"May problema ba sila?" tanong ko sa katabi ko.
"Parang kanina pa nga sila problemado. Hindi naman kami makapagtanong kasi baka personal."
Nabalik ang tingin naming lahat sa lima nang pumalakpak ng isang beses si Tina. Naka-lineup sila sa harap at tulad kanina habang nag-uusap-usap sila, may lungkot sa mukha nila.
"Guys, we have a problem. Kasi bukas, kailangan na namin maipasa iyong final list ng members and as you can see, 9 pa lang tayo rito. To keep this club alive, we need to have 10 members. Ang deadline na ibinigay sa amin ay until tomorrow morning. Gusto namin i-fake na lang iyong credentials ng final member pero natatakot kami na baka mahuli kami. We're desperate right now because we want to be here until we graduate. We know that you guys are new but we badly need your help to get one member."
Inilibot ko ang paningin ko at iyong hinahanap ko, hindi ko pa rin nakikita. Itinaas ko ang isang kamay ko kaya napunta sa akin ang atensyon nila. Ibinaba ko ulit ito bago nagsalita. "May napansin lang kasi ako. Tanda niyo iyong araw na nag-apply ako? May lalakeng sumunod sa akin. I was just wondering kung bakit wala pa siya rito. Hindi ba siya tumuloy?"
Marian sighed before crossing her arms. "Gusto sana namin siya isali. Ang problema, after niya isulat iyong last name niya, bigla na lang siya umalis. Nanghinayang nga kami kasi mukhang interesado talaga siya habang nakatingin sa pictures na nasa table noon. Kung isinulat niya lang sana iyong info niya, sana nakagawa kami ng paraan para mahagilap siya."
"I see. Puwede tayo maghanap ng new member kung free kayo. Available ako ng two hours ngayon since next class ko 1PM pa."
Unfortunately, tatlo lang kami nina Clyde at Tina ang makakapaghanap ng new members dahil iyong iba ay may upcoming class. Kinuha muna nila ang mga flyer nila sa drawer saka kami lumabas. At dahil nga desperado sila, lahat ng estudyanteng nadadaanan namin ay binibigyan namin ng flyer.
Habang nagbibigay kami, hindi maalis sa isip ko si Lie Jun, iyong kaibigan ni Kuya Gavin. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit hindi niya itinuloy ang pag-register. He looked serious back then at ang sabi ng mga ka-club ko, mukha siyang interesado na sumali talaga kaya hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit hindi siya tumuloy.
Marami kaming nabigyan ng flyer pero wala sa itsura ng mga ito na gusto nila sumali. May iba naman na straight out kaming tinanggihan. I don't understand them. Ang saya kaya magluto.
Natapos na lang ang free time namin, wala pa rin kaming nahagilap. Even iyong ibang club members namin, nagtanong-tanong na rin daw sa mga tao sa paligid nila pero wala raw talaga may gustong sumali.
Kaya bago umuwi, napagdesisyunan ko nang kapalan ang mukha ko at iisang tabi ang takot dahil kung hindi namin ito maisasali, wala na akong aabutang club bukas.
"Bakit mo hinihingi ang number niya?" nagtatanong ni Kuya Gavin mula sa telepono.
"Desperado na po kasi kami ng mga ka-club member ko na makuha siya bilang member cooking club. Kapag hindi pa kami nakahagilap ng isang tao, ma-di-dissolve raw iyong club. Hindi naman po kita malapitan kasi alam ko naman na hindi ka mahilig magluto at isa pa, kasali ka na sa basketball club."
"Pero takot ka sa kaniya, hindi ba?"
"Opo pero iisang tabi ko muna iyong takot ko sa kaniya kasi kailangan talaga namin siya. If anything happens habang nasa club namin siya, I guess ako nang bahala maglinis ng gulo niya since ako naman nakaisip nito."
"Alright. I-message ko na lang sa iyo tapos i-save mo na rin sa phonebook mo."
As if i-se-save ko ang number ng taong iyon.
Nagpasalamat ako sa kaniya't tinapos na ang tawag. Medyo nagdadalawang isip pa ako kung tatawagan ko ba ang kaibigan niya o ano kaya para mapakalma ang sarili ko, nagpunta muna ako sa cafeteria na malapit sa building ng department namin para kumain.
Nang makabili na ako ng pagkain, pikit-mata kong pinress ang call button sa pangalan ng pakay ko. Bawat ring ng cell phone ay siyang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. At nang marinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya, para akong pinutulan ng dila dahil hindi ako makapagsalita.
"Who's this?" bungad niya. At dahil hindi ko pa rin alam kung paano ako magsisimula, hindi pa rin ako nakapagsalita. "Hello?"
Kailangan ko maging matapang. Pero wait. Bakit ang guwapo ng boses niya? Parang semi-whisper na ewan tapos ang lalim. Ganito ba talaga boses niya ever since?
Sabagay. Paano ko malalaman kung hindi ko naman siya nilalapitan o kinakausap noon. Parang unang rinig ko nga sa boses niya ay noong nagmura siya nang magising ko siya sa rooftop.
"H-Hi."
"Who's this?"
Napalunok ako bago ko hinawakan ang kutsara sa tabi ng plato ko. "Si Patricia ito, iyong kaibigan ni Kuya Gavin."
"Patricia?"
"O-Oo. Ako iyong accidentally na nakagising sa iyo noon sa rooftop."
"What do want?"
"Gusto ko lang sanang makausap ka—"
"If you're going to confess, I'm not interested."
Wala sa sarili kong nailayo ang cell phone sa tenga ko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kaniya. Ang taas naman ng tingin niya sa sarili niya para maisipan niyang mag-co-confess ako sa kaniya. Hello. Sobrang taas ng standards ko.
"Excuse me pero hindi ako mag-co-confess. Kailangan lang kita makausap tungkol sa cooking club."
"I'm not interested."
Muli ko na namang nailayo ang cell phone sa tenga ko dahil bigla niyang pinutol ang tawag. Sa galit ko, tinawagan ko si Kuya Gavin para alamin kung nasaan ang kaibigan nito. Fortunately, alam nito kaya ibinigay niya sa akin ang pangalan ng lugar. Mabilis kong inubos ang pagkain ko saka ako padabog na umalis sa cafeteria.
Hindi ko lang maiwasang mainis kasi kahit alam ko na ang bali-balitang may attitude ito, nabigla pa rin ako, lalo pa nang akalain nitong mag-co-confess ako. Kung mag-co-confess man ako, kay Kuya Gavin iyon at hindi sa kaniya.
Mabuti at hindi ko na kinailangan pang mapagod sa paglalakad dahil dinala ko ang bike ni Kuya Billy nang pumasok ako kanina. Pumunta muna ako sa parking ng bike na nasa gilid lang ng parking lot at kinuha ang bike ni Kuya. At gamit ito, pinuntahan ko si Lie Jun sa IT department dahil naruon daw ito.
Nag-aalangan man, kinandado ko ang bike sa puno sa tabi ng building nila. May iilang estudyante na nakasalubong ko na papalabas na sa building kaya pinagtanungan ko ang mga ito kung kilala ba nila ang hinahanap ko at mabuti dahil may nakakakilala rito.
"Miss, bakit mo pala siya hinahanap?" tanong ng babae na nagsabi na kakilala ang hinahanap ko. Yakap niya ang libro niya habang nagtatakang nakatingin sa akin.
"Kailangan ko lang kasi siya makausap."
Tumango siya't pumunta sa gilid ng entrance kaya sumunod ako. "By any chance, same school lang ba tayo ng pinasukan noong senior high? Altaroza High? Pamilyar ka kasi."
"Ah. Oo. I'm Patricia. Patricia Cortez. Salutatorian ng batch 20**."
"Sabi na pamilyar ka. Nice to meet you. I'm Abigail." Nakipagkamay ako rito at binawi rin niya kaagad ang kamay niya dahil may bitbit siya. "For sure, alam mo iyong mga umiikot na balita tungkol sa kaniya, hindi ba? Kaya hindi ko alam kung bakit mo siya hinahanap. Lahat halos ng estudyante sa batch natin, kilala siya at sa hindi magandang rason."
"I know. Kailangan ko lang talaga siya makausap."
"Patrica, iyong mga balita kasi noon sa batch natin, nakarating dito kaya outcast kaagad siya ng mga ka-block namin. Apparently, iyong mga ka-batch rin natin ang nagpakalat. Hindi ba't mas okay nang lumayo ulit sa kaniya para hindi ka mapahamak? Hindi naman kasi siya basta-basta."
"Iyon naman ang ginagawa ko. Talagang kailangan ko lang siya makausap tungkol sa club ko. Sasali kasi dapat siya pero hindi niya itinuloy. I-pu-pursue ko lang sana siyang sumali sa amin."
"Bakit siya pa? Hindi ba puwedeng iba na lang ang i-invite mo? Alam kong hindi tayo close pero concern lang ako. Masama nang kukulitin mo siya at mas masama pa na isasali niyo siya sa club niyo. Baka duon naman siya maghamok ng gulo. Tanda mo naman siguro iyong mga kinasangkutan niyang gulo noon, hindi ba?"
"I know. Pero ako nang bahala."
Hiningi ko na lang sa kaniya ang lokasyon ng hinahanap ko bago nagpaalam. Ni-remind niya na naman ako sa mga puwede mangyari kapag nilapitan at napapayag ko ito pero isinawalang bahala ko na lang dahil importante na makahanap ako ng bagong member ng cooking club.
Hindi ko naman masisisi si Abigail kung mag-alala siya sa ka-batch at ka-schoolmate niya noon. Alam kasi ng lahat na delikadong tao ito kahit pa senior high pa lang ito noon. Bukod sa mga gulo, umiikot rin sa school namin dati na p****r ito ng shabu at nagbebenta ng m*******a. At wala man sa itsura nito, gumagamit raw ito ng droga. Para ngang sa araw-araw, palala nang palala ang mga chismis patungkol rito.
Alam kong hindi dapat ako maniwala lalo pa sa mga bali-balitang kinasasangkutan nito na may kinalaman sa droga pero mas maigi na talaga maging maingat. Siguro hihilingin ko na lang rito na huwag dalahin ang ugali niyang iyon sa cooking club dahil ayokong mabahiran ng masamang imahe ang club na papasukan ko.
Nakarating ako sa 4th floor ng building at nagpunta sa sinabing kwarto ni Abigail. Sumilip muna ako sa maliit na bintana na nakakabit sa gitna ng pinto para tignan kung naruruon pa ito at laking pasasalamat ko naman dahil nakita ko ito na nakaupo sa tabi ng bintana habang nakatutok sa cell phone. Kumatok ako sa pintuan pero hindi ito nag-angat ng tingin kaya pumasok na lang ako't nilapitan siya.
"Lie Jun?" mahinang pagkuha ko sa atensyon nito.
Tutok siya sa paglalaro ng MOBA sa cell phone niya kaya naiintindihan ko kung bakit ayaw niya akong tignan. Kahit kasi ako, hindi ko rin titignan ang mang-iistorbo sa akin kapag naglalaro ako ng MOBA.
"Shit."
Kumunot ang noo ko dahil nang ibaling ko ang tingin sa screen ng cell phone niya, nakita ko na namatay siya. Naupo ako sa katabing upuan niya saka ko ipinatong ang shoulder bag ko sa lamesa. Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa bintana, hinihintay na matapos siya.
Nang marinig ko ang salitang defeat, humarap na ako sa kaniya. "Huwag ka muna maglaro." pagpigil ko nang makita kong mag-s-start na naman siya ng panibagong match.
Bumuntong-hininga siya saka inilapag ang cell phone sa lamesa niya bago ako tinignan. "Patricia?"
"O-Oo." Nag-iwas ako ng tingin dahil bigla akong nailang. Ang tindi niya makatingin. Para akong kriminal na pumatay ng tao kung makatitig siya. "Kailangan kasi kita makausap."
"Tungkol saan?"
Hindi ko mapigilang mapangiti ng bahagya dahil sa tanong niya pati na sa accent niya. Mahahalata kasi na Chinese siya kapag nag-ta-Tagalog siya.
"Tungkol sa cooking club—"
"Hindi ako interesado." Dinampot niya ulit ang cell phone niya para mag-start ng match pero mabilis ko itong inagaw kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Give that back."
"Kailangan ka ng cooking club kaya kita sinadya rito."
"Give that back and f**k off."
Medyo kinakabahan na ako dahil isa sa mga balita na nakarating sa akin ay may binugbog na siyang babae dahil sa pangingielam nito. Pero hindi niya naman siguro ako pagbubuhatan ng kamay kasi kaibigan ako ng kaibigan niya, hindi ba?
"M-Ma-di-dissolve kasi iyong club kapag hindi pa kami nakahanap ng 10th member."
"And that's my problem because...?"
"Hindi naman sa problema mo ito pero kailangan lang kasi talaga namin ng tulong mo, Lie Jun."
“Lie Jun? It’s pronounced as Li-Ye Jun, not Lie Jun. Ginawa mo pang sinungaling pangalan ko. Go ask someone else." Sinubukan niyang kuhanin sa kamay ko iyong cell phone niya kaya mabilis na iniwas ko ito at tumayo. "Isa—"
"Please, Lie Jun. Kailangan ka namin."
"Dalawa."
"Please."
Mariin na isinara niya ang mga mata niya saka bumuga ng hangin. "Give that back, Patricia, and go bother someone else."
Nagkaroon ako ng ideya nang marinig ko ang tunog sa nilalaro niya. I just hope gumana ito.
"Naglalaro rin ako ng Arena Of Valor. What if mag-1 on 1 tayo tapos kapag natalo kita, sasali ka sa club?"
"Bakit ba kasi ako? Why not ask someone else?"
"Kasi tinangka mo mag-register noong araw na nag-register ako. Sinubukan na rin namin maghanap ng isa pa pero wala talaga kaming makuha kaya ikaw na lang iyong naisip kong pakiusapan. Hindi ka naman pupunta ruon kung hindi ka interesado."
"That's why I didn't signed up kasi I'm not interested. Now, give that back."
"Pero isinulat mo iyong pangalan mo so that means interesado ka. Please, Lie Jun. Kapag natalo kita, sasali ka."
"And if I win, get lost."
Mabilis akong tumango saka ko ibinalik ang cell phone niya. Kinuha ko sa bag ko ang cell phone ko at binuksan ang AOV. In-add ko siya para ma-invite at nang magsimula na ang laro, kinain na ako ng kaba kasi iyong pinili niyang hero ay pang-counter sa hero ko. I tried asking him kung puwedeng mag-switch pero hindi siya pumayag. And as expected, natalo ako kaya hindi na mabura ang ngisi sa mukha niya.
"Rematch."
"Nope. You lost so f**k off."
At dahil napalitan ng desperasyon ang kaba ko, walang sabi-sabi ko kinuha ang hawak niya saka ako tumuntong sa upuan at itinaas ang cell phone niya. "Please. Kung ayaw mo ng rematch, sumali ka na lang."
"Give it back!"
"No! Please, Lie Jun! Ayoko namang ma-dissolve iyong club!"
"That's not my problem! Can't you understand English?! I said give that back!" Tumayo na siya para kuhanin sa akin ang cell phone pero kahit na matangkad siya, hindi niya pa rin naabot dahil nakatuntong ako sa upuan.
"I won't unless you join us! Please! Kapag sumali ka, ipagluluto kita! Kahit buong semester pa!" Nanglaki ang mga mata ko nang tumuntong rin siya sa upuan para abutin ang cell phone niya. "Hoy, bumaba ka! Malalaglag tayo!"
"Ginusto mo ito." inis na sinabi niya pero iniiwas ko pa rin ang cell phone niya.
Napatili ako dahil nang sinubukan niya ulit kuhanin sa kamay ko iyong cell phone, namuntikan na akong tumumba. Wala sa sarili kong binitawan iyong cell phone niya para makahawak sa kaniya at parang nag-slow motion pa sa ere ang pagbagsak nito. Nang mawala ang ilaw sa screen nito na nabasag, nagkatinginan kami at para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Patay.