Patricia
Nakabuntot lang ako ngayon kay Lie Jun habang nakatungo. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Ang alam ko lang, kusang nasunod ang paa ko sa kaniya. Kinakain ako ng takot dahil matapos ko masira ang cell phone niya, matapos ito kuhanin sa lapag, nag-walkout siya.
Nakalabas na lang kami sa department nila, nakabuntot pa rin ako sa kaniya. Nang tignan ko ang langit, makulimlim kaya kahit gusto ko nang umuwi dahil baka umulan, hindi ko pa rin magawa. Kailangan ko pa rin siya makausap.
Pinanghahawakan ko ang ideyang hindi niya ako sasaktan dahil kaibigan ako ng kaibigan niya kahit na sa loob-loob ko, takot na takot ako.
Kung hindi lang siya kailangan ng cooking club, hindi ako bubuntot na parang aso sa kaniya. Ngayon ko lang rin naisip na sana pala nagmaakaawa ako sa isa sa mga ka-block ko pero huli na ang lahat. Nakakainis kasi sana nag-isip muna ako at hindi pinairal ang desperasyon.
May ilang estudyante na napapatingin sa amin, probably mga estudyanteng may alam ng mga balita tungkol sa kaniya. Ang iba ay sa akin talaga tumitingin. Siguro iniisip nilang biktima ako nitong sinusundan ko. Ang hindi nila alam, ito ang biktima ng katangahan ko.
Nakarating kami sa cafeteria na kinainan ko kanina. Pumunta siya sa counter para um-order at nang makabili, binitbit niya ang tray na puno ng pagkain papunta sa isang pahabang lamesa habang ako, nanatiling nakatayo sa harap ng counter, nakasunod lang ang tingin sa kaniya. Seryoso ang mukha niya. Para bang malalim ang iniisip niya dahil ni isang ekspresyon ay walang nakapinta sa mukha niya.
"Miss, bibili ka ba? Miss? Hoy, Miss?"
Naputol ang tingin na ibinabaon ko kay Lie Jun nang may kumalabit sa akin. Nakangiti ng bahagya ang babaeng kumalabit sa akin saka itinuro ang tindera sa counter. Nang tignan ko ito, nakasimangot lang ito sa akin habang nakahalukipkip.
"S-Sorry. Ano po iyon?"
"Bibili ka ba?"
Dali-dali kong hinugot ang wallet sa shoulder bag ko saka ako bumili ng bottled water. Nakakahiya naman kasi kung nakaabala ako tapos hindi ako bibili. Nahihiyang nagpasalamat ako sa tindera saka ako lumapit sa lamesa ni Lie Jun.
Nakatitig lang siya sa pagkain niya habang nakahalukipkip at nang iniangat niya ang tingin niya, kinilabutan ako dahil sa ginawang pag-irap nito. Normally, hindi ako matatakot sa ganito dahil sanay ako sa mga kapatid kong palagi nang-iirap kapag iritable pero sa lalakeng ito, kinilabutan ako. Siguro dahil na rin alam ko ang mga bagay-bagay patungkol rito.
"Lie... Lie Jun..."
Itinuon niya ang atensyon sa pasta na binili niya saka ito kinain pagkakuha niya sa tinidor sa gilid ng plato niya. Parang mas lalo siya nawalang ng balak na kausapin ako kaya siguro, dapat na rin ako sumuko. Maaga na lang ako papasok para pumunta sa dorm ng mga ka-block ko kapag wala pa rin nakukuha ang mga ka-club ko. Naubos niya na lang ang pasta niya, hindi pa rin niya ako tinatapunan ng tingin. Sunod na kinain niya ay iyong salad.
"Patricia?" Napatingin ako sa kaliwa ko dahil sa pagtawag sa akin ng taong lumapit sa table namin. Tumayo ako dahil ito iyong lalake na ipinakilala sa amin ng prof namin kanina.
"Kuya." Tumango ako ng isang beses saka ko siya nginitian ng bahagya. "Hello po."
"Bakit narito ka pa rin? Ang sabi sa akin ni Ms. Rathana, hanggang 5PM lang kayo ngayon. Around the campus ba ang dorm mo?" Binalingan nito ng tingin si Lie Jun, na tumigil sa pagkain, saka nito inilahad ang kamay. "Hi. I'm Arthur. Senior sa fashion dep." Hindi ito pinansin ni Lie Jun kaya nahihiyang binawi nito ang kamay. "Right." Ibinalik nito ang tingin sa akin saka ngumiti. "May payong ba kayo? Mayroon akong isa rito. Mag-share na lang kayo kung wala kayong dala."
Umiling ako't nag-alangan na tanggapin ang payong niya. "Paano ka po? Hindi po kasi ako nag-do-dorm rito kaya madadala ko iyan palabas ng campus."
"Darating naman iyong mga kaibigan ko. Sasabihin ko na lang na magdala sila ng extra na payong."
"Sigurado ka po?" Tinanggap ko ang payong niya nang tumango siya. "Salamat po." Bigla kong naalala na kailangan ko ng tulong kaya tumikhim ako't nginitian siya. "Kuya, may club na po ba kayo?"
I know that that's a stupid question kasi ang tagal na niya rito at imposibleng wala pa siyang club pero I still want to take my chance.
"Mayroon. Kasali ako sa art club."
"May kakilala po ba kayong wala pang club na interesado sa pagluluto? Kailangan ko po kasi makakuha ng isang member. Kapag hindi po kasi namin napuno ang 10 required slots, ma-di-dissolve iyong cooking club. Isa na lang po ang kailangan namin."
Pumamewang siya't nag-isip sandali bago ibinalik sa akin ang atensyon. "Parang mayroon. From a different course ito. Kanina lang kasi, tinatanong niya ako kung anong masayang club. Hindi ko nga lang alam kung mahilig siya sa pagluluto pero puwede mo siya i-try. Good thing at kinuha ko ang cell phone number niya." Inilahad niya ang kamay niya kaya nagsalubong ang mga kilay ko dala ng pagtataka. "Akin na iyong cell phone mo. Ibibigay ko iyong number. Ilalagay ko na rin number ko para kapag kailangan mo ng tulong o may tanong ka, puwede mo akong tawagan."
Nag-isip pa ako saglit kung ibibigay ko ba pero mukhang hindi naman ako ipapahamak nito. Dali-dali kong kinuha iyong cell phone sa bag ko pero bago ko pa man ito maiabot sa kausap ko, napatingin ako kay Lie Jun dahil sa ginawa nitong paglapag ng kutsara sa plato ng pasta kanina. Ipinatong niya ang mga braso niya sa lamesa saka ako tinaasan ng isang kilay.
"Patricia, you asked me first."
"Ha? Pero—”
Natigilan ako dahil sa pagtayo niya. Hinablot niya ang strap ng bag niya na nakapatong sa lamesa saka ito isinabit sa isang balikat niya. Kinuha niya rin sa akin iyong payong saka ako tinanguan, as if saying tara na. Tinalikuran niya kami at nagsimula nang maglakad.
"Mukhang nakakuha ka na." matawa-tawang sinabi ng katabi ko.
"S-Sorry po. Ibabalik ko na lang po iyong payong. Mauuna na po ako." Tumango ng isang beses saka ko ito tinalikuran at patakbong sumunod kay Lie Jun. Naabutan ko itong nakatayo sa entrance habang bitbit ang nakabukas nang payong. "Pumapayag ka na?" Nagsimula na siyang maglakad nang sumilong ako sa payong at wala naman akong magawa kung hindi sumiksik sa kaniya dahil medyo lumalakas na ang ulan. "Lie Jun?"
"Don't talk."
Napasimangot na lang ako't nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na siya umimik at gusto ko na lang itago ang mukha ko dahil ayokong maisip ng ibang makakakita sa amin na may namamagitan sa amin. Normal naman na ma-misunderstand ang babae't lalake na naglalakad sa ilalim ng ulan na ang gamit lang ay iisang payong, hindi ba?
Iniisip ko pa lang na boyfriend ko itong lalakeng ito, kinikilabutan na ako. Baka kasi maging punching bag lang ako nito.
Nakarating kami sa boy's dormitory matapos ang halos 15 minutes na paglalakad. Walang sabi-sabi niya lang na ibinigay sa akin ang payong matapos ito tiklupin saka ako tinalikuran. At dahil nga sa sinabi niya kanina, gusto ko maging klaro kung sasali ba talaga siya o ano.
Hinawakan ko siya sa laylayan ng tshirt niya kaya napatigil siya sa tangkang paglakad. "Gusto ko lang klaruhin kung sasali ka talaga."
Humarap siya sa akin kaya bumitaw na ako. Hindi ko masabi kung anong iniisip niya dahil blangko lang ang reaksyon niya tapos dumagdag pa ang paghalukipkip niya. "Anong plano mo sa cell phone ko?"
"Ipapagawa ko na lang. I'm sorry kung nasira ko at kinulit kita. Sobrang desperado lang kasi ako." He sighed kaya medyo nabuhayan ako. Normally, people sigh in defeat.
"Bakit ba kasi gusto mo isalba iyong club?"
"Para sa akin kasi... masaya magluto. That might not mean anything to you but for me, big deal ito. I love cooking kasi maraming tao ang napapasaya ng pagkain. Gusto kong mag-aral pa ng pagluluto dahil bukod sa fashion designing, pangarap ko rin kasi maging chef. Gusto-gustong ko kasi kapag nakakapagpasaya ako gamit iyong mga iniluluto ko."
"Why not ask Gavin? Kayo ang magkaibigan, hindi ba?"
"I did. May club na kasi siya."
"And what makes you think that I don't have one?"
I grunted saka ko naisuklay ang kamay ko sa buhok ko. Hindi ko naisip iyon. "Hindi ko naisip kasi desperado talaga ako. Pero sinabi mo kanina na inalok na kita. Hindi mo naman sasabihin iyon kung hindi ka sasali sa amin."
"Minsan i-analyze mo maigi ang ekspresyon ng kausap mo; sumunod ka kung saan nakatingin mata nito. Masyado kang careless." Then again, he sighed. "Make sure to keep your promise about the food." Tinalikuran niya na ako't naglakad papasok sa dorm. Ang hindi ko gets, lumiko lang siya at hindi nagpunta sa register. Mahigpit kasi ang mga dorm rito, as per my blockmates, na kahit pa nakatira ka sa dorm nila ay kailangan pa rin mag-log sa logbook.
Pero ibig ba niya sabihin, sasali na siya? Hindi niya naman ako sasabihan na i-keep ang promise ko na ipagluluto ko siya buong sem kung hindi siya sasali, hindi ba?
Nakagat ko ang ibabang labi ko saka ako nagtatalon paikot dahil sa sobrang saya. Tumigil rin ako dahil muntikan na akong mapatili. Hindi lang kasi ako makapaniwala na na-convince ko ang Chinese na iyon. Hindi ko alam kung anong mangyayari from now on pero ang mahalaga, hindi na ma-di-dissolve ang club.
Binalikan ko muna iyong bike ni Kuya Billy sa pinag-iwanan ko saka ako umuwi. Medyo nabasa ako dahil malakas talaga iyong ulan tapos naka-bike pa ako pero hindi ko ito inintindi dahil masaya ako sa resulta ng pangungulit ko. Leather ang bag ko kaya hindi mababasa ang mga gamit ko sa loob.
Hindi naman siguro ganuon kasama si Lie Jun. He might be a druggie like what the rumors say but he wouldn't help me out if he doesn't really care. Ni hindi niya nga ako sinaktan kahit sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya. Sabihin na natin na dahil nga kaibigan ako ng kaibigan niya kaya hindi niya hinawakan ni dulo ng buhok ko pero kahit na, hindi ba?
Kinabukasan, dinala ko ang card na naglalaman ng savings ko dahil plano kong bumawi kay Lie Jun. Sisimulan ko na rin siya ilibre ng pagkain para hindi niya maisipan mag-backout dahil alam ko na kapag nalagasan kami ng isa habang sampu lang kami, ma-di-dissolve ang club.
"Saan ko siya hahanapin?" tanong ko sa sarili ko nang makapasok ako sa entrance ng univ.
Hindi ko kasi alam kung paano ko siya kokontakin dahil nasira ko pa ang cell phone niya. I thought of asking Kuya Gavin kaya tinawagan ko kaagad ito.
"Anong... kailangan mo sa kaniya?" bungad niya matapos ko itanong kung nasaan ang kaibigan niya.
"Kasi, Kuya, may kasalanan ako sa kaniya. Kailangan ko lang bumawi."
"Kasalanan?"
"Nasira ko kasi iyong cell phone niya."
"Nasira?!" Medyo nailayo ko ang cell phone sa tenga ko dahil sa biglaan niyang pagsigaw. "What happened?!"
"Kasalanan ko kasi kinulit ko siya para sumali sa club."
"I'm not sure kung nasaan siya ngayon. Nasaan ka ba ngayon? Samahan na kita sa paghahanap."
"Wala ka po bang klase?"
"Mamaya pang 10AM ang klase namin. 8 pa lang naman ngayon. Nasa univ ka na ba?"
"Sige po. Magkita na lang po tayo sa cooking club. Alam mo ba kung saan iyon?"
"Yep. I know. See you there."
Nang maibaba niya iyong tawag, para akong tanga na hindi mapigilang ngumiti. Nawirdohan nga yata ang mga nakakita sa akin habang papunta ako sa room ng club ko dahil sa ginagawa kong pag-s-skip. Para siguro akong bata na nabigyan ng lollipop dahil sa itsura ko pero kasi hindi ko lang mapigilan dahil gustong-gusto ko talaga siya. To think na makakasama ko siya ngayon sa paghahanap sa kaibigan niya? Feeling ko, hihimatayin na ako sa matinding kilig.
"Good morning—" pasigaw na bungad ko nang makapasok ako sa club room pero natigilan ako dahil nakita ko si Lie Jun na kinakausap ng lima sa sulok ng kwarto.
Napunta sa akin ang paningin nila isa-isa at ang unang bumati ay si Clyde. Nakangiting kinawayan niya ako saka ako nilapitan.
"Look who showed up." Ngumisi siya saka ako hinila papunta sa harap ni Lie Jun. Seryoso itong nakatingin sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi bigyan ito ng maliit na ngiti. "Si Patricia nga pala. Club member natin."
"H-Hi?" nakangiwing sinabi ko dahil hindi ko ma-gets kung bakit ako nito ipinapakilala kay Lie Jun.
Teka. Hindi niya ba sinabi na ako ang nangulit para lang mapapayag siyang sumali rito?
Dinismiss na kami ni Marian at sinabing umupo sa harap ng lamesa kaya kani-kaniya kaming upo sa harap ng mga ito habang siya naman ay nanatiling nakatayo sa harap. Halata ang saya sa mukha niya at kulang na lang kuminang na ang mga mata niya habang nakatingin sa amin.
Ganuon niya siguro talaga kamahal ang club na ito at masaya akong natulungan ko sila para hindi ma-dissolve ito.
Medyo nadismaya lang ako dahil kailangan kong i-message si Kuya Gavin para hindi na mag-abala pa pumunta rito dahil nakita ko naman na ang hinahanap ko. Medyo nagtaka ito dahil hindi naman raw marunong magluto ang kaibigan niya kaya bakit raw ito sumali sa cooking club. At dahil nga hindi ko naman talaga kilala ang kaibigan nito, sinagot ko na lang ito ng hindi ko alam. Hindi na ito nag-reply kaya itinago ko na lang ang cell phone ko para making sa sinasabing activity ni Marian.
Matapos ang isang oras ng pagdidiskusyon, pinalabas na kami at sinabing welcome kami anytime sa club room. Papunta na dapat ako sa first class ko kahit maaga pa pero humarang naman si Lie Jun sa harap ko kaya napatigil ako sa paglalakad sa corridor.
"Kailan ka bakante?"
"Ha? Anong...?"
Hinugot niya sa bulsa niya ang sirang cell phone kaya napa-oh na lang ako. "Ikaw nakasira so ikaw magpapagawa."
Inilahad ko ang kamay ko para hingiin ang cell phone sa kaniya pero nagsalubong lang ang mga kilay niya. "Akin na. Ako na lang magpapagawa. Ayoko naman na maabala pa kita."
"What? No way."
"Akala ko ba ako magpapagawa?"
"Yeah, but I didn't say you're going alone. I need to go with you. Hindi kita kilala kaya baka pakielaman mo ito kapag naayos na."
"Hindi ko papakielaman iyan. Isa pa, may password naman siguro iyan kaya hindi ko rin mabubuksan."
"Patricia, everyone has a beef with me. Alam kong alam mo iyan. I have important things in this phone that's why I need to make sure that it'll be back to the way it was before you destroyed it."
"Pero—"
"No buts, Patricia. So when are you free?"
I sighed saka ko iniayos ang pagkakasabit ng shoulder bag sa balikat ko. "Sunday. After ko magsimba."
"Okay. Number mo?"
"Bakit?"
"Of course I need to contact you. Don't play stupid and give me your number."
"A-Ako na lang pupunta sa dorm mo." Nagsalubong ang mga kilay niya kaya pati ako napaisip kung bakit para siyang nagtaka sa sinabi ko. "Maghihintay na lang ako sa tapat."
"Dorm... Yeah, sa dorm ko. Tama. Sa dorm ako nakatira. Duon ka maghintay sa tapat ng dorm ko. Make sure na by 9, nanduon ka na." Tinalikuran niya ako saka naglakad palayo.
Ako? Heto. Nakahinga ng maluwag. Ayoko lang kasi talaga ibigay ang number ko sa kaniya. Hindi ko kasi gustong kumakalat ang number ko. Baka mamaya, ibenta niya kapag may bumili sa kaniya. There was a time kasi na napilitan ako magpalit ng sim dahil may nagkalat ng number ko. Maraming nag-te-text at tumatawag kahit mga hindi ko naman kilala.
Hindi sa masiyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko o nagbubuhat ng bangko. Nangyari na kasi kaya natatakot lang ako. But either way, at least hindi na siya galit talaga sa akin. Masasabi kong safe ako dahil hindi niya ako bubugbugin.