5

2226 Words
Lie Jun "I know." I sighed and placed my foot on the table then I reclined my swivel chair while looking at the window. Medyo nakakairita lang kasi ayoko talaga nakikipag-usap through landline. Ang hassle kasi nito. Pero wala naman akong choice kasi hindi sa akin ito at isa pa, kailangan ko ito dahil pang-contact ko ito kay Tita. "Jun, alam mo na takot sa iyo iyong kaibigan ko." I can't help but be annoyed with Gavin. Napaikot tuloy ako ng mata. "It's not my fault that she's clumsy." "Puwede ko ba sabihin sa kaniya na hindi naman totoong—" "Bakit, Gav? Hindi ba totoo iyong dahilan kung bakit sila takot sa akin? You of all people should know that." "I'm just worried that she might do something stupid while you're with her. Sobrang clumsy niya. Baka kahit kaibigan ko siya pagbuhatan mo ng kamay. Baka sa takot niya, makagawa siya ng magpainit ng ulo mo." "Then tell her to be careful." "Bakit hindi na lang ako ang sumama sa kaniya para magpaayos niyan? Gusto mo lang naman i-ensure na hindi ma-fo-format iyan, hindi ba?" "Gav, put this in mind: there are two reason why you shouldn't trust people. First is because you don't know them and second is because you know them. And that is why I don't trust you with my phone... because I know you." "Fine. You got me. Just... just please don't be mean to her." Hindi na ako sumagot at binabaan siya. Hindi ako makakapayag na mapunta sa kamay niya ang cell phone ko. Nalaman niya kasi ang password nito at alam kong papakielaman niya ito kung siya ang sasama sa kaibigan niya sa pagpapagawa sa cell phone ko. I can't let him the stuff here. Ibinaba ko na ang paa ko saka ko tinignan ang kabuuan ng kwarto ko. Nang mailibot ko na ang paningin ko, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at hinayaang bumagsak ang mga mata ko. Kinaumagahan, madilim pa lang ay umalis na ako't tumambay muna sa harap ng building ng department ko. Medyo nagsisi lang ako nang maalala ko iyong pag-uusap namin ng kaibigan ni Gavin kahapon. Dapat pala mas pinaagahan ko ang pag-se-set niya ng oras pero magsisimba raw ito. No choice. Talagang maghihintay ako. Napahinga ako ng malalim dahil 6AM pa lang kaya ang ginawa ko, pumunta muna ako sa club room. Walang tao rito kaya binuksan ko ang mga bintana para pumasok ang sariwang hangin. Nang mabuksan ko na ang mga ito, tinignan ko ang kabuuan nito dahil kahapon ay hindi ko masyado natignan ng maigi. May apat na lamesa na nakapuwesto sa gitnang bahagi ng kwarto. Ang bawat lamesa ay may tig-aapat na upuan. Sa likod ng room, may dalawang drawer at sa gilid nito ay may dalawang locker. Puro poster rin ng pagkain ang nakapaskil sa ibabaw ng mga drawer. Ang iba sa mga ito ay mga picture ng club members sa ginagawa nilang pagluluto, na siguro ay activity. Sa harap naman ng kwarto ay may malaking white board na nakadikit sa pader at sa harap nito ay may lamesa't upuan. I still can't believe that I'm officially a part of this club. Inilabas ko muna ang mga notebook at libro ko dahil may kailangan ako aralin. Ito na lang kasi ang naisip kong paraan para magpalipas ng oras. "Hi, Lie Jun. Good morning." Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko na may nagsalita mula rito. Bilang respeto, tinanguan ko ng isang beses si Marian saka ko ibinalik ang atensyon ko sa isinusulat ko. I'm contemplating whether I should f**k off or stay. It looks like she still doesn't know anything about me and I think that's good. As much as possible, ayokong makarating sa club na ito ang tungkol sa akin pero alam kong imposible dahil may isang tao na may alam ng mga tungkol sa akin at may posibilidad na ipagkalat nito ang balita sa mga ka-club namin. "I'll go first." Niligpit ko ang mga gamit ko saka ako lumabas ng kwarto. Tinawag pa nga ako ni Marian pero hindi ko na ito nilingon at nagpanggap na walang narinig saka ako naglakad palayo habang bitbit ang bag ko. Sobrang boring ng routine ko kaya halos walang nangyari sa univ. I don't have friends aside from Gavin. My blockmates heard the news about me kaya ilag ang mga ito sa akin. And worst, just yesterday, a video circulated online. It was first posted on our school's forum then it made its way to f*******: and Twitter, probably to YouTube, too. It's not just any video. It's a video of me slapping a girl. Mas umingay ang mga bulungan na naririnig ko at may ilang lalake pa nga na ang sama ng tingin sa akin noong nasa lecture ako. That's the only they can do. Mga white knight kasi. They don't even know why I did what I did. Friday came. Nang mag-1PM na, pumunta ako sa club room para kuhanin iyong lunch ko kay Patricia. They were all there and it looks like they were waiting for me. Medyo nagtaka ako kasi malungkot ang itsura ng mga senior namin sa club pero hindi ko inintindi. Naupo lang ako sa tabi ni Patricia saka ko ipinatong ang bag ko sa lamesa. Nagsalubong ang mga kilay ko kasi umurong siya ng kaonti palayo sa akin. Dahan-dahan niya rin kinuha ang lunchbox sa bag niya kaya tinanggap ko ito. My mouth watered nang maamoy ko ang ulam nito. It's chopseuy. Just as I requested yesterday. "Guys, I have an announcement." Hindi ko pinansin si Clara nang magsalita siya at sinimulan na lang ang pagkain. "This is good." bulong ko sa sarili. I wonder if she's the one who cooked this. "We need to look for one person to replace Lie Jun." What I heard caught my attention. Kahit nakasubo pa ang kutsara sa bibig ko, iniangat ko ang tingin ko saka ko tinignan si Clara. Inialis ko ang kutsara sa bibig ko't nginuya't nilunok ang pagkain saka ako nagsalita. "Replace me?" Napabuntong-hininga ako nang mag-step back ito saka tumungo. She's scared of me. "I'm sorry, Lie Jun. Uhh... It... it's not our decision. Gusto kasi ng head ng club na alisin ka rito dahil sa video mo na kumakalat ngayon." "Okay." Tinakpan ko ang hawak kong baunan saka ko ibinalik sa pagkakaplastik nito. Inilagay ko rin ang kutsara't tinidor sa loob saka ako tumayo. Bago pa man ako pumuhit para maglakad paalis, nahagip ng mata ko ang bahagyang pagtaas ng kamay ni Patricia. "Pero kung hindi siya sumali, wala na tayong club ngayon." Tinignan niya ako saglit bago ibinalik ang tingin sa limang nasa harap. "Can we ask them na huwag ituloy ang pagpapaalis kay Lie Jun rito?" Hindi ko alam kung bakit niya ako ipinagtatanggol. Takot siya sa akin, hindi ba? Hindi ba siya masaya na mawala na ako rito at humanap na lang ng iba? Lumapit sa kaniya si Tina saka siya hinila palapit sa apat pa. Nagdiskusyon sila at mukhang ayaw nila iparinig dahil pabulong lang kung nag-usap sila. At dahil nga hindi naman ako welcome rito, hinablot ko na rin ang bag ko saka ako tumalikod at naglakad papunta sa pintuan. "Shit." Napailing na lang ako nang makalabas ako sa club room. Nilakad ko ang corridor hanggang makarating ako sa hagdan. Nakakailang hakbang pa lang ako pababa nang may humawak sa manggas ng t-shirt ko. Nang lingunin ko ito, nakita ko si Patricia na medyo malalim ang ginagawang paghinga. "Lie—Lie Jun..." "Why?" "S-Sorry sa nangyari pero puwede ka ba sumama sa akin?" Tinignan ko ang balikat niya dahil sa ginawa niyang pag-ayos ng pagkakasabit ng strap dito bago ko ibinalik ang tingin sa kaniya. Ang nakakaloko lang, pinutol niya ang patingin sa akin. "Sa?" "Kakausapin ko iyong head ng club natin—" "Club niyo, Patricia. I'm no longer included since they already kicked me out so anything related to them is no longer my business." Tinalikuran ko siya at nagsimula ulit humakbang pababa pero hinawakan niya ulit ang manggas ng t-shirt ko. "Can't you understand—" "Sorry pero pakiramdam ko kasi mali na i-kick out ka nila dahil sa video mo. Napanuod ko ito kagabi. Hindi ko alam kung bakit mo iyon ginawa pero nasabi sa akin ni Kuya Gavin na mabait ka raw kaya pakiramdam ko, may dahilan kung bakit mo nagawa iyon." Napapikit ako't napabuntong-hininga. I already asked him not to tell people about me pero heto pala't sinabi niya pa rin sa babaeng ito. "Don't listen to him." "Pero kung hindi ka mabait, hindi ka naman papayag na sumali sa club namin." mahinang sinabi niya. "Kung hindi nga dahil sa iyo, wala akong club ngayon kaya gusto kong gumawa ng paraan kahit papaano." "Aren't you scared of me?" "H-Hindi—" "Don't lie. You flinched as you handed me my lunch earlier." "Okay. Takot ako pero kasi tumulong ka sa pagpapanatiling buhay iyong club. Tulad ng sabi ko, kung hindi ka sumali, na-dissolve na sana ito." "I'm hungry, Patricia. Hindi mo ba ako pakakawalan?" Tumungo siya saka umiling. "You know that I won't hesitate to beat you up, right?" Isang tango ang isinagot niya sa akin kaya napabuntong-hininga ako. "Do you want me to beat you up?" "No... Gusto lang kita manatili sa club kasi pakiramdam ko gusto mo rin sumali duon." "I don't." I need to. Kasi kung hindi ako sumali ruon, forever akong kakain ng instant foods. "Pero hindi mo isusulat iyong pangalan mo noong araw na iyon sa application—" "Stop bringing that up." I clicked my tongue. "Saan mo ba ako dadalahin?" -- Lumabas kami sa kwarto ng head ng cooking club at nang maisara niya ang pintuan, nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Pumihit siya paharap sa akin saka ako binigyan ng maliit na ngiti. "Okay na." "You didn't have to do that, you know." "At least hindi ka na matatanggal." Napailing na lang ako't tinalikuran siya. Nagsimula na akong maglakad at ramdam ko naman na sumunod siya. Hindi ko alam kung bakit sumusunod pa rin siya kaya ang ginawa ko, dumiretso ako sa milk tea shop na nasa gilid lang ng building na ito. "Dalawang oreo creamcheese. Less pearl. Large." Ramdam ko pa rin na may nakatingin sa akin at sa likod ko ay may nakatayo hanggang sa makapagbayad ako. Nang matapos ito ihanda ng tindera, iniabot nito ang in-order ko sa akin. Pagkatalikod ko, kaagad na nagsalubong ang kilay ko dahil wala si Patricia. Ang nasa likod ko, ibang tao at mukhang natakot ito sa akin kaya napaatras ito. Fuck. Wala na nga akong pera tapos bumili pa ako nito. Ang malala, wala pa iyong pagbibigyan ko. Bakit hindi man lang kasi siya nagpaalam na aalis na hindi na pala siya susunod sa akin? Pero kailan ba siya tumigil sa pagsunod? Ang alam ko lang kasi, ramdam ko na nakasunod siya hanggang makalabas kami sa building. Inis na pumunta ako sa field para duon kainin ang ibinigay na pagkain sa akin ni Patricia. Sumilong ako sa ilalim ng isa sa mga puno na nasa gilid ng track saka ko inilapag sa gilid ang mga gamit ko habang ang mga milk tea at iyong baunan ay nasa harap ko. Hindi ko alam kung dapat ba ako magalit dahil sa ginawa niyang pag-alis na hindi man lang nagpapaalam pero naisip ko, takot siya sa akin at ako iyong tinalikuran na lang siya ng basta-basta matapos niya ako isalba sa head ng club. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa realization na wala siyang kasalanan. Kung tutuusin, dapat pa nga ako magpasalamat sa kaniya dahil itinaya niya ang pagiging member niya para lang mapanatili ako sa club. Ang sabi niya, siya ang magbabantay sa akin since siya ang nagpasok sa akin sa club at kapag gumawa ako ng ni isang gulo, malaya silang tanggalin kaming dalawa. Naging mahaba ang pakiusapan nila ng head at napagkamalan pa nga kaming may relasyon dahil sa pakiusap nito. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganuon pero hindi ko na dapat isipin dahil marami na akong problema at ayoko nang madagdagan pa ito. Gabi na rin nang makabalik ako sa kwarto ko at bago pa man ako makapaglinis ng katawan, may biglang tumawag. Nilapitan ko iyong landline na nakapatong sa maliit na lamesang nasa paanan ng kama ko saka ko ito sinagot. "Kumain ka na?" tanong ni Gavin sa kabilang linya. "Busog ako." "Anong kinain mo?" "Gav, kinikilabutan ako sa iyo. Jowa ba kita?" "Tanginang ito. Tinatanong lang. Buti nga concerned pa ako sa iyo. Malapit kasi kami ngayon at puwede kita daanan para hatian ng mga binili naming pagkain nina Mama." "Hindi ako kakain ngayon kasi iyong kaibigan mo, bigla akong iniwan. Napilitan tuloy akong ubusin iyong dalawang—" I stopped nang ma-realize ko na hindi ko ito dapat sabihin sa kaniya. Ayokong ma-misinterpret niya. Baka sabihin, pinopormahan ko iyong kaibigan niya. "What? Iniwan? Magkasama ba kayo kanina?" "Of course. Magka-club kami." "Eh, ano iyong napilitan kang ubusin? Dalawang ano?" "Can you stop being nosy?" "Dali na. Tinatanong lang. Baka nagpapalibre ka na sa kaibigan ko, ha?!" "Maliligo na ako. Bye." Ibinaba ko na iyong tawag saka ako lumapit sa pintuan. Bago ko pa man ito mabuksan nag-ring na naman ang telepono. Nakatapos na lang ako't lahat, ring pa rin nang ring ang telepono. I feel like my crazy side will shine bright like a diamond since that bastard is testing my patience. And before that happen, I decided to remove my landline's connection. Wala namang tatawag sa akin at kapag may tumawag man, bahala sila. Inilabas ko ang laptop ko saka ko tinignan ang forum ng school. Binisita ko iyong thread ng comments sa video ng pagsampal ko sa babae and all I see are comments saying how trashy I am to do that. Napailing na lang ako matapos ko mabasa ang ilan sa mga ito saka ko binuksan ang f*******: ko. Sa memes na lang talaga ako sasaya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD