11

1955 Words
Patricia Malalim na ang gabi pero heto ako't nasa tapat ng bahay ni Lie Jun, kasama siya. May bitbit siyang maliit na upuan. Ibinigay niya ito sa akin saka ako pinaupo rito. Inilapag niya muna sa sahig ang bag na naglalaman ng onesie ni Kuya Gavin saka siya bumalik sa loob ng garahe niya. May kinuha siyang planggana na stainless saka ito inilagay sa harap ko. "Wait lang. Kulang pa iyan." "Maglalaba ba tayo?" "Joke iyon?" "Tse!" Pinitik niya ang noo ko saka pumasok sa bahay niya. Napahawak ako sa noo ko't inilibot ang tingin sa paligid. Dahil nga gabing-gabi na, wala nang tao sa paligid. May iilang bahay na may liwanag pa sa loob at ang karamihan ay nakasara na. Tanging streetlights na lang rin ang nagsisilbing ilaw sa daan. Napatingin ako sa pintuan ng bahay ni Lie Jun dahil narinig ko ang pagbukas nito. Lumabas siya mula rito na may bitbit na kung ano at nang makalapit siya, nakita kong mga papel ito at lighter. Inilagay niya ito sa gilid namin saka siya naupo sa sahig at nag-Indian sit. "Game." Hinubad ko ang isang tsinelas ko saka ko ito ibinigay sa kaniya. "Huwag ka nga maupo sa sahig. Upuan mo ito." "Suot mo na iyan." Hinubad niya ang tsinelas niya saka ito inupuan at ang tsinelas ko, siya mismo nagsuot sa akin. Nagpunit siya ng mga papel saka ito inilagay isa-isa sa planggana at nang marami na ay ibinigay niya sa akin iyong lighter. "Tapon mo iyan." Inginuso niya iyong bag ng onesie kaya nakuha ko ang pinararating niya. "Susunugin talaga natin?" "I told you. This'll help you." "Parang hindi ko kaya." Kinuha ko iyong bag saka ito niyakap. "Para kay Kuya Gavin ito, eh." "Gusto mong ikaw sunugin ko?" Alam kong inirapan niya na naman ako dahil gumalaw ang ulo niya. Ugali niya yata ang ganiyan. Iyon bang mang-iirap tapos papaling sa kaliwa o kanan ang ulo. "Easy for you to say. Nagpakahirap ako gawin ito para sa kaniya, excuse me." "Ano pa sense na nandito ako?" Tumayo siya't humalukipkip. "Kung hindi mo naman pala tutulungan ang sarili mo, hindi rin kita matutulungan. Pumasok ka na sa iniyo." Tinalikuran niya ako pero hinawakan ko ang laylayan ng damit niya. "Ehhhhhh. Huwag ka umalis. Sorry na." Hindi na ako magtataka kung barilin na lang kami bigla ng mga kapitbahay namin dahil sa naisip na gawin nitong lalakeng ito. Kung magsusunog kasi kami tapos nakamaskara pa siya, baka sabihin nila, tumatawag kami ng demonyo dahil mukhang nagriritwal kami. Bumalik siya sa pagkakaupo saka ako tinignan. "I'm doing this to help you. Hindi ako ganito at alam ni Gavin iyon. At dahil nag-e-exert ako ng effort para tulungan ka, I'm asking you to do the same." "Mahirap lang kasi..." "Given na iyan pero kailangan mo gawin para tulungan sarili mo." Humugot ako ng malalim na paghinga saka ko pikit-matang kinuha sa bag ang onesie at inilagay ito sa planggana. Iniabot ko sa kaniya ang bag saka ko sinindihan ang hawak kong lighter. "Do I really need to do this?" "Yep." "As in?" "Yep." "Walang nang atrasan?" "Yep." "Promise—" "Kapag ako talaga nanggigil sa iyo, ikaw susunugin ko." Nanginginig ang kamay ko habang unti-unti kong inilalapit sa papel sa ilalim ng onesie ang lighter. Nang masindihan na ito, pumikit ako at inilayo ang kamay ko. Unti-unti ko na rin nararamdaman ang init na nanggagaling rito kaya napagpasyahan kong panuorin kung paano lamunin ng apoy ang onesie. Tama siya. Kailangan ko gawin ito kasi kung hindi ko susunugin ang onesie na ito, lumalabas na hindi ako mag-mo-move on kay Kuya Gavin. I appreciate what this guy is doing. Ni minsan, hindi ko naisip na magiging ganito kami. I'm still not sure kung kaibigan na ang tingin niya sa akin pero para sa akin kasi, kaibigan ko na siya. Ang dami na naming ginawa na magkasama kaya ang ewan lang kung hindi pa kami magkaibigan. Habang pinanunuod ko ang pagbalot ng apoy sa onesie ay siyang pagsikip ng dibdib ko. I suddenly miss Kuya Gavin. Pero nangyari na ang nangyari kaya ang dapat ko na lang gawin ay iiyak ito at mag-move on. And that's what I did. Hinayaan kong maging mahina ako sa harap ni Lie Jun. Hindi siya nagsalita nang magsimula akong umiyak. Nakatutok lang rin ang mga mata niya sa apoy. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Ang alam ko lang, malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil nasa tabi ko siya sa oras na ito. "Patricia, anong ginagawa niyo?" Mabilis na nagpunas ako ng mukha saka ko nilingon si Mama. Nakatayo siya sa pintuan namin habang nakatingin sa amin. "Wala po, Ma." Naglakad ito palapit sa amin at nang tignan ko si Lie Jun, tumungo siya at nilaro ang mga daliri sa paa. "Bakit nandito pa kayo? May pasok kayo bukas, ha?" "Oo nga pala." Kinalabit ko si Lie Jun kaya napaangat siya ng tingin. "Si Mama nga pala." Tumingin naman ako kay Mama at itinuro ang katabi ko. "Si... Lie Jun. Schoolmate ko po." "Hi." Tinanguan siya ni Lie Jun tapos ay ibinaling niya ulit sa akin ang atensyon niya. "Mag-aala una na. Hindi pa ba kayo papasok?" "Hindi pa po. Mayamaya siguro." "Ano ba kasing ginagawa niyo?" Umiling lang ako't ngumiti sa kaniya. "Gusto niyo ba ng hot chocolate? May mga iniuwi si Kuya Kendrick mo kanina." "Sige, Ma." Umalis na si Mama at ilang saglit lang rin nang bumalik na may hawak na dalawang mug. Umuusok ang laman nito. Sinabi lang nito na matulog kaagad kami para hindi kami sobrang puyat kapag pumasok bago siya bumalik sa bahay. "Ang bait niya." "Mabait pero just like any other mother, nagiging dragon kapag nakakagawa ka ng kasalanan." matawa-tawang sinabi ko saka ko hinipan ang laman ng mug ko. "I know. Naririnig ko kapag pinagagalitan ka sa kwarto mo." Itinaas niya ng kaonti ang maskara niya saka hinipan ang laman ng mug niya. "Gusto mo makita collection ko?" "If p**n collection iyan, no thanks." "Gusto mong ibuhos ko sa iyo itong chocolate? Iyong mask collection ko kasi." Tinawanan ko siya saka ako tumingin sa planggana. Kaonti na lang at mauubos na iyong onesie. Sinabi ko na maghintay kaming maubos iyong tela hanggang sa mamatay iyong apoy bago niya ipakita iyong collection niya. Hindi kasi namin ito puwedeng iwanan na lang ng basta-basta. Nang maubos na iyong tela at namatay na ang apoy, sinipa niya ng paulit-ulit iyong planggana pabalik sa garahe. Isinara niya iyong garage door bago ako binalikan. Bitbit pa rin namin ang mug namin papasok sa bahay niya and as expected, parang walang nakatira rito. Binuksan niya iyong ilaw at mas napatibay nito ang iniisip ko. Kaonti lang ang gamit niya. Wala ngang TV. Ang nasa unang palapag lang ay isang pahabang sofa na nakasandal sa pader, lamesa na may dalawang upuan na gawa sa plastic at ilang dekorasyon na nakasabit sa pader tulad ng mga litrato. Kita rin mula sa salas ang kusina niya. Wala rin appliances duon maliban sa stove kaya nagtataka ako kung paano siya nabuhay ng ganito kaonti ang gamit niya. O siguro minimalist lang talaga ang mga lalake? Ewan ko. Nilapitan ko iyong portrait na malapit sa hagdan. Mukhang family picture ito ni Lie Jun. Nakita ko kasi siya rito tapos may hindi katandaang mga tao sa likuran niya, which I think are his parents. Tapos sa harap naman niya ay may batang babae na may yakap na teddy bear. Bata pa siya rito. I think around 7 to 9 years old? "Family mo?" tanong ko sa kaniya nang tabihan niya ako. "Yep." "Nasaan sila?" "In China." Napatingin ako sa kaniya. Malungkot ang ekspresyon niya kaya medyo na-bother ako. Hindi ko kasi alam kung tama na tinanong ko siya tungkol sa pamilya niya. Pero normal lang naman na magtanong ang isang tao kung hindi niya nakikita ang pamilya ng pinagtatanungan niya, hindi ba? "Ikaw lang talaga ang nandito?" Tumango siya saka ako tinignan at nginitian. "Tara na sa taas." Pumihit siya paharap sa hagdan at umakyat. Pinanuod ko lang ang likod niya habang umaakyat siya. Naramdaman ko ang pag-iwas niya ng topic kaya pakiramdam ko talaga, hindi na dapat ako nagtanong. Napabuntong-hininga ako't sumunod na lang sa kaniya. Pagkaakyat ko, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng isang pinto. Nilapitan ko siya at binuksan niya ito. Pagkapasok, binuksan niya iyong ilaw at halos malula ako sa dami ng maskarang nakasabit sa bawat pader ng kwarto. "Ang dami." Nilapitan ko ito isa-isa dahil sa pagkamangha. "Binili mo mga ito?" "Some of it. Most of it, mga bigay lang noong nasa China pa ako." "Kailan ka pa ba pumunta rito?" Nilapitan ko iyong isang maskara na nasa gilid ng aparador niya. Ito iyong maskara na parang sa theater, iyong nakangiti ng sobrang laki. "I was born here. Bumalik lang sa China pagkapanganak sa akin. Stuff happened at ibinalik ako rito noong 10 years old ako." "I see." Nilingon ko siya at saktong pagkatingin ko ay naupo siya sa paanan ng kama niya. "Buti natuto ka kaagad mag-Tagalog." Hinubad niya iyong maskara niya saka ipinatong sa bedside table iyong mug niya. "Hindi naging madali. Kinailangan pa nga ako ipa-tutor ng tiyahin ko para matuto ng Tagalog. Halata naman sa accent ko, hindi ba? Kaya nga as much as possible, gusto ko na mag-English na lang. Pero dahil dito na ako nakatira, nag-Ta-Tagalog ako kahit nakakahiya dahil sa accent ko." "Wala ka naman dapat ikahiya, ano ka ba?" Nilapitan ko iyong Robbie The Rabbit mascot head na nakapatong sa upuan na nasa sulok ng kwarto. "Can I?" nakangiting pakiusap ko habang bitbit ito. Tumango naman siya kaya isinuot ko ito. Medyo may kabigatan pero kayang buhatin ng ulo kahit hindi hinahawakan. "Alam mo bang takot na takot ako sa iyo noong araw na binigyan kita ng ulam? Iyong bagong lipat pa lang kami. Akala ko talaga serial killer iyong kapitbahay namin. Kaya kita mo, nito ko lang binuksan iyong bintana ko. Sabi ko nga, bakit katapat pa ng bintana ko iyong bintana ng serial killer?" "Seryoso?" Tumango ako na siyang ikinatawa niya. "Ang tanga mo naman." "Grabe siya makatanga." "Sorry." "Sino ba kasing hindi matatakot kung iyong kapitbahay mo, sobrang wirdo tapos lagi pang naka-mask?" Tinalikuran ko siya't tinignan ulit ang mga maskara niya. Sobrang creepy talaga kasi iyong iba, parang mukha ng mga napapanuod kong nilalang sa anime. Sobrang linis rin ng pagkakagawa sa mga ito. Nang makita ko iyong maskara na tulad ng kay Jin ng Hotarubi ay nilapitan ko ito. Hinubad ko muna ang suot kong mascot head at inilapag ito sa gilid bago ko ibinalik ang atensyon ko sa maskara ni Jin. Inialis ko ito sa pinagkakasabit at tinignan ang likuran. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa nakita ko. May maliit kasing pakete rito na nakadikit. Puting powder siya kaya nang ma-realize ko kung ano ito, dali-dali kong ibinalik sa pagkakasabit ang maskara. Nagkunwari akong walang nakita at dahil sa kagustuhan na mawala sa isip ko ang nakita ko, kumuha ulit ako ng maskara, only to find out na tulad ng maskara ni Jin, may naka-tape rin dito. This confirms it. Ibinalik ko ulit ito at humarap sa kaniya. Nagulat ako dahil pagkaharap ko ay nakatayo na siya sa likuran ko. Malungkot ang mukha niya kaya napaiwas ako ng tingin. "Are you going to tell the authorities on me?" Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang ideya na nasa likod siya ng rehas. "H-Hindi." "Why did you stutter? Natatakot ka ba ulit sa akin dahil sa nakita mo?" To be honest, oo. Bumalik ang takot ko sa kaniya dahil alam ko ang epekto ng droga sa katawan ng tao. Maraming documentary na ang napanuod ko about rito at hindi ko gusto ang nagiging epekto nito. May isa pa nga akong napanuod na sa sobrang pagka-overdose ng gumamit nito ay nauwi sa pagpatay ng pamilya nito. "Sasaktan mo ba ako dahil sa nakita ko?" "I'm no killer, Patricia. Ang gagawin ko lang ay magmakaawa na huwag mo akong isumbong sa pulis." If that's the case, I want to know kung bakit sa murang edad niya ay may ganito siya. Wala naman kasi sa itsura niya na gumagamit siya nito. "Natatakot ako pero gusto kong malaman kung bakit mayroon ka nito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD