10

2142 Words
Patricia Ganito pala ito kasakit kahit na may kutob na ako kung anong resulta ng pag-amin na ginawa ko. Masakit, oo, pero I need to move on. I can't make my world revolve around Kuya Gavin. Bata pa ako at katutuntong ko lang sa college. For sure, there will be someone na magiging partner ko at magpapasaya sa akin. Nagkataon lang talaga na hindi ito si Kuya Gavin. Alam ko na matatagalan at mahihirapan ako pero kakayanin ko. I can't let this heartbreak affect my studies. Baka mamatay ako dahil sa pamilya ko, hindi sa heartbreak kapag bumagsak ako. Ang ganda pa naman ng plano ko ngayong araw. Gagastusin ko sana ang ipon ko para mailibre ang pamilya ko. Hindi ko kasi ipinaalam sa mga ito na kumuha ako ng scholarship. Ang akala ko pa naman, masaya akong magbabalita sa kanila na natanggap ako sa scholarship program, hindi pala. Gusto ko rin kausapin si Lie Jun tungkol sa pagiging magkapitbahay namin pero hindi ko na muna inungkat dahil puro masasakit na bagay ang nasa isip ko ngayon. Saka ko na siguro siya kakausapin kapag kumalma na ako. "Tara na?" May kinuha siya sa bag niya at hinugot niya mula rito ang isang maskara. Isinuot niya muna ito saka ako tinignan. Tahimik na tumango ako saka ko pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya. Medyo basa na ito dahil sa mga luhang inilabas ko pero hindi ko kailangan pairalin ang hiya ko dahil nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Isa pa, siya naman nag-alok nito sa akin. 15 minutes ng pag-ba-bike lang an layo ng univ mula sa amin. At habang nag-ba-bike kami, may mga nakatingin kaya medyo maraming naka-witness na may kasama akong baliw na nakamaskara. Ganito kaya ang nararamdaman niya sa tuwing umuuwi at umaalis siya mag-isa? Siguro nasanay na lang siya dahil araw-araw niya ginagawa. Gusto ko tanungin kung bakit siya nag-ma-maskara pero hindi sa tingin ko, hindi ito iyong tamang panahon. Nang makarating kami sa kanto, tumigil ako kaya napatigil rin siya. Hinarap ko siya't binigyan ng maliit na ngiti. "Lalabahan ko na lang iyong panyo. Isasaoli ko rin kaagad kapag okay na." Tango lang ang isinagot niya bago kami naglakad habang hawak ang manibela ng mga bike namin. Nakita kong busy si Mama habang nag-se-serve sa mga customer na nakapuwesto sa bakuran namin at nang nasa tapat na kami ng bahay niya, napatingin ito sa amin. Nagpunas pa nga ito ng kamay bago binalingan ang customer na tumawag rito. "Sige na. Umuwi ka na." "Thank you." Iniabot niya sa akin iyong paper bag na naglalaman ng onesie ni Kuya Gavin saka ako tinalikuran at naglakad papasok sa bahay niya. Ako naman, naglakad na papunta sa tabi ni Mama. "Akala ko ba takot ka sa taong iyon?" tanong nito habang naglalagay ng kanin sa plato ng isang customer. "Schoolmate ko po pala siya." Tinignan niya ako at ininspeksyon ang mga mata ko. "Umiyak ka ba?" Umiling ako't nginitian siya. "Hindi po. Oo nga po pala, Ma, may sasabihin ako sa iniyo." "Alam ko na iyang mga ganiyan mo, Patricia, ha? Sinasabi ko sa iyo. Tumigil ka sa pagbili ng kung ano-ano sa nilalaro mo." Hindi ko maiwasang matawa ng mahina dahil sa sinabi niya. "Hindi iyon, Ma. Para ka namang baliw." "Huwag mo ako mabaliw-baliw. Magbihis ka na ruon at tulungan mo ako rito." Sinunod ko ang utos niya't nagbihis sa kwarto ko. At dahil nga alam ko na kung sino ang nakatira sa katabing bahay, binuksan ko na ang bintana ko. Nakita ko si Lie Jun na kumikilos sa loob ng kwarto niya. Inihagis niya lang sa kung saan ang bag niya at hinakawan ang laylayan ng t-shirt niya. Hinubad niya ito at sa ilalim nito ay may suot siyang sando. "Psst." Nagsalubong ang kilay niya saka tumingin sa direksyon ko. Biglang niyang iniyakap ang magkabilang braso niya sa katawan niya saka ako sinamaan ng tingin. "Manyak ka?" "Para namang may mamanyakin sa katawan mo. Hindi naman malaki iyan." Napalitan ng maamong ekspresyon ang mukha niya bago niya kinalas ang pagkakayakap ng mga braso niya sa sarili saka ito ipinatong sa frame ng bintana. "Stupid question, I know, but are you okay?" Luminga-linga siya sa paligid at hindi ko alam kung bakit. "Bakit ko sasabihin? Hindi naman kita kaibigan." "You've seen me strip tapos sasabihin mo iyan." "Para namang marami ang hinubad mo." "Do I need to strip some more para maging magkaibigan tayo? Ang manyak mo, ha? Hindi ko alam na may HD ka sa akin." "HD?" "Hidden desire." "Asa. At walang may gusto makakita ng katawan mo, excuse me. Hindi mo kailangan dagdagan iyong huhubarin mo. Isa pa, ikaw nga itong ayaw makipagkaibigan sa akin." "Hindi ka kasi nag-i-initiate. Madali naman ako kausap." "Ako pa talaga?" "Sino ba may gusto makipagkaibigan?" Inirapan ko siya saka ako umupo sa frame ng bintana. De-slide ang bintana ko gaya ng sa kaniya kaya hinawakan ko ang kalahating parte nito para makapag-balance. "Now that I think about it, hindi nga kita friend sa sss. I don't even have your number." Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mukha niya saka humalukipkip. Sobrang yabang ng itsura niya ngayon kaya nakakainis. "You want it? Beg for it." "No thanks. Bye." "Hoy! Wait lang!" Tumigil ako sa akmang pag-alis sa bintana saka siya tinaasan ng kilay. "Ang pabebe mo. Alam ko namang gusto mo hingiin. At dahil mabait ako, ibibigay ko as iyo. Wait lang." Umalis siya sa bintana at may dinampot sa kanang bahagi ng kwarto niya. Saglit siyang nawala bago nagpakita ulit. Nang tignan ko ang kamay niya, may hawak na siyang hand sanitizer at papel. Ibinalot niya iyong papel rito bago ito ibinato sa akin, na good thing ay nasalo ko. "Iyan. See? I'm a good guy. Hindi na nga kita pinagmakaawa." "Whatever. Aalis na muna ako. Tutulong ako kay Mama." Isinara ko na iyong bintana saka ko inilapag sa kama iyong papel na nakabalot sa sanitizer. Lumabas na ako ng kwarto at lumabas ng bahay para tumulong. Hindi kaagad ako nakatulog kinagabihan dahil sa kakaisip kay Kuya Gavin. Nanghihinayang kasi ako sa pagkakaibigan namin. Nang dahil sa desisyon ko, nasira kung anong mayroon kami. Hindi naman puwedeng bumalik kami sa dati kahit na alam niya ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang ginawa ko pero kung hindi naman kasi ako kikilos, baka mamuti na lang ang mga mata ko kakahintay, hindi pa rin siya umaamin. Tulad ng sabi niya, may iba siyang gusto kaya duon sa taong iyon siya aamin, hindi sa akin. May pagsisisi sa akin pero mas nananaig iyong ideya na nag-take ako ng risk kaya hindi ako magsisisi sa bandang huli. At least as early as now, alam ko nang may iba siyang gusto at hindi ako mabubuhay sa araw-araw na nanghuhula kung may nagugustuhan ba siya o ano. Umiyak rin ako ng magdamag matapos ko kumain. Pinigilan ko nga habang nasa hapag kasi naalala ko bigla si Kuya Gavin. Ayoko naman kasing umiyak sa harap ng pamilya ko habang nasa hapag kami. Kahit nga iyong sinabi ko kay Mama na may sasabihin ako, hindi ko na nasabi. Hindi ko siya nakita sa mga araw na pumasok ako. Gusto ko siya makita pero at the same time, ayoko. Medyo lumalayo rin muna ako sa mga tao dahil simula nang ma-reject ako, pakiramdam ko, gusto ko lang muna mapag-isa. Hindi ako kasing sigla ng mga nakaraang araw habang nasa klase. At for the first time, tinawagan ko si Lie Jun dahil isasabay ko na siya sa pag-aasikaso ng mga kailangan para sa scholarship. Buti pa nga ang lalakeng ito, nakaramdam na kailangan ko muna ng pahinga. Hindi niya kasi ako inaaway o inaasar kapag nagkikita kami sa club room. Para kaming nasa cold war ulit at ipinagpapasalamat ko naman na naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Kasi kung hindi niya naman naiintindihan, alam kong kukulitin niya ako nang kukulitin. "Nasaan ka?" tanong ko habang naglalakad sa grounds ng univ. "Still in lecture hall." "Puntahan na lang kita. Maghihintay na lang ako sa entrance." Pumunta kaagad ako sa sinabi niyang lugar at naghintay sa pillar ng entrance. May mga estudyanteng labas-masok rito at ang iba ay napapatingin pa sa akin. Medyo naging sikat kasi ako rito dahil napagkakamalan akong girlfriend ni Lie Jun. Siguro naaawa sila o iniisip nilang may sapi ako dahil pumatol ako rito pero wala naman sila dapat isipin kasi hindi ko naman ito boyfriend. Nakakatawa lang kasi nang dahil nandito na sila sa kolehiyo pero iyong radar nila sa mga balita, ang lakas pa rin. Siguro human nature na talaga na maging tsimosa. Saglit lang itinagal ng paghihintay ko dahil lumabas rin siya kaagad. Naging mabilis lang rin ang paglalakad namin ng requirements dahil dala naman na namin ang mga kailangan. At dahil wala naman na kaming klase pareho, napagpasyahan naming mag-Jollibee. "Kanina ka pa tingin nang tingin sa cell phone mo." pagpuna ko dahil simula nang lumabas siya sa lecture hall, tingin siya nang tingin rito. "Bakit inaalam mo? Girlfriend ba kita?" nakangising tanong niya saka ipinatong ang bag sa lamesang pinwestuhan namin. "Excuse me." Inirapan ko siya saka ko rin ipinatong ang bag ko sa lamesa at ang cell phone ko naman ay inilapag ko lang as harapan ko. "Just... secret." Inilahad niya ang kamay niya kaya kumuha ako ng pera sa bag at ibinigay ito sa kaniya. "Anong gusto mo?" "Float lang." "Hindi ka gutom?" "Diet ako." Tumango siya saka ibinulsa ang ibinigay kong 50 pesos. "Yeah. You need to go on a diet." "Lumayas ka na nga!" nakasimangot na reklamo ko pero ang anak ni Hudas, dinilaan lang ako't tinalikuran. Pagkaalis niya, medyo napangiti ako kasi medyo nag-improve na siya. Natututo na kasi siyang makipagbiruan sa akin tapos ugali niya pang dumila na parang bata. Kung nakilala lang siguro siya ng mga taong nanghuhusga sa kaniya, masasabi ng mga ito na mali sila. Kahit noong una, ang tingin ko sa kaniya ay palaging seryoso at hindi kikilos o magsasalita na parang bata pero nagkamali ako kasi mas nakilala ko siya nang tumuntong kami ng college. Kung alam ko lang na ganito siya noong senior high pa lang kami, siguro kinaibigan ko na ito. Nang bumalik siya, may dala siyang tray ng dalawang Float. Inilagay niya sa harap ko ang isa at sa harap niya naman ng isa pa. "Sukli mo." Ibinigay niya sa akin iyong barya na tinanggap ko naman at inilagay sa bag. Nag-usap lang kami tungkol sa benefits na makukuha namin sa scholarship dahil parehas kaming natuwa rito. Ang buong akala kasi namin ay sasagutin lang ng paaralan ang tuition fee pero nang sabihin na pati na ang mga libro at may college funds pa na ibibigay sa amin, lahat kami halos hindi makapaniwala. Ang kailangan lang raw namin gawin ay mag-contribute ng marami sa school at panatilihing maganda ang grades. May records daw kaya na i-di-distribute sa clubs na sasalihan namin para mai-record ang credits na makukuha namin at iyon ang magpapatunay na active kami. Sa sobrang saya ko nga kanina sa pakikinig, hindi ko na inintindi na nasa likuran lang namin si Kuya Gavin. Nang mag-ring ang cell phone niya, tinignan niya muna ang caller bago niya ito sinagot. Hindi naman sa gusto ko mag-eavesdrop pero nasa harap niya ako kaya maririnig at maririnig ko ang pinag-uusapan nila. May sinabi siyang tungkol sa interview at kung kalian siya puwedeng pumunta kaya nagkaideya ako kung ano ang pinag-uusapan nila. Nang ibaba niya ang cell phone niya, sinipa ko ng mahina ang paa niya sa ilalim ng lamesa kaya napatingin siya sa akin. "Job interview?" Tumango siya saka sumipsip sa straw ng inumin niya. "Magtatrabaho ka?" "Kaya nga job interview, eh." "Kakayanin mo ba pagsabayin iyan pati studies mo?" "I need money." mahinang sagot niya bago pinaglaruan ang laman ng baso ng float gamit ang straw. "Kahit mahirapan, kakayanin." "Scholar ka na, ha? Bakit ka pa magtatrabaho?" "Just because." Itinaas niya ang kamay niya saka ako pinitik sa ulo. "And stop asking." After ng Jabi session ay umuwi na kami at as usual, nagmaskara na naman siya pauwi. Nagtataka na nga ang pamilya ko kung bakit ko ito palagi kasabay umuwi. Ang alam kasi nila, takot na takot rito. Nang makarating ako sa kwarto, binuksan ko ang bintana at saktong nagbukas rin siya. Hindi ko na sana siya papansinin pero binato niya ako ng napulot niya sa lapag ng kwarto niya. Ang anak ni Hudas, tumawa nang tumama ito sa ulo ko. Nang tignan ko ang ibinato niya, napagtanto ko na pangbura ito ng lapis. "Wala ka talaga sa tamang katinuan, alam mo iyon?" "Wait." He retreated and when he came back, naka-mask na siya. "Do you remember our game? Hindi ba't nanalo ako? And as punishment, bibigyan mo ako ng wish." "Ang tagal na nuon." "Wala kang isang salita, ganuon?" "Fine. Ano ba iyon?" "I want a onesie." Tinalikuran ko siya't pumunta sa aparador ko. Kinuha ko sa sulok nito ang bag na pinaglagyan ko ng onesie ni Kuya Gavin saka ko ito ibinigay sa kaniya. "Iyan." Nasalo niya ito at ininspeksyon. "Is this the one you gave Gav?" "Yeah. And?" Sinamaan niya ako ng tingin saka isinuksok pabalik ang onesie sa bag. "Ayoko nito. Igawa mo ako ng para sa akin." "Akin na. Bato mo." "Nope. I'll burn this." "Ha?! Bakit?!" "This'll help you forget him."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD