9

1991 Words
Patricia Balik sa pagiging strangers ang pagtuturingan namin ni Lie Jun and the cold war went on for another 2 weeks. Akala ko nga unti-unti ay nag-wa-warm up na siya sa akin pero mali ako. At bukas na ang examination kaya itong last day namin ay mas nagbabad kami sa pagbabasa ng libro. Gusto ko nga sana magsama ng iba pa pero walang nagpasa ng application sa mga ka-block ko. Ayoko kasing naiiwan kasama sina Kuya Gavin at Lie Jun simula nang magtalo kami sa club room. Una, imbis na nakakapag-review ako, iniisip ko kung binanggit ba ng anak ni Hudas iyong tinanong ko patungkol sa kaibigan nito. Pangalawa, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapag-focus dahil kinikilig ako kapag tumatabi sa akin si Kuya Gavin sa tuwing mag-re-review kami. And yes. Alam kong masama pero sa isip ko, tinatawag ko nang anak ni Hudas si Lie Jun dahil ang sama-sama niya. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana malalaman ng mga ka-club namin na may crush ako. Maliit na bagay dahil lahat naman nagkakaroon ng taong gusto nila pero ako kasi, ayoko na nalalaman ng iba na may crush ako. It doesn't really make any sense pero ganuon ang nararamdaman ko. "Pat-Pat, can you teach me how to do this?" Inilapit sa akin ni Kuya Gavin iyong notebook niya na may equation kaya ibinaba ko muna ang hawak kong libro at kinuha ang lapis sa gilid ko. Nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang pagtawa ng mahina ng anak ni Hudas kaya tinignan ko ito. Nakatingin rin ito sa notebook ni Kuya Gavin. "Anong nakakatawa?" "Hindi sa mayabang pero ang dali niyan." "Ang yabang mo." Inirapan ko siya't itinuon ang atensyon sa notebook. "Huwag kang iiyak kapag hindi ka nakapasa bukas." "Tell that to yourself, Cortez." Hindi ko na lang siya pinansin at tinulungan ang katabi ko. Kung papatulan ko kasi siya, masisira lang ang araw ko. Hindi ko alam sa kaniya kung bakit minsan, ang tindi niya mang-inis kapag nag-re-review kami pero mas madalas naman, para siyang walang bibig kasi ni isang salita, walang nalabas rito. Naging normal na rin kay Kuya Gavin na dedmahin kami kapag nagtatalo kami. Nagtaka nga ito kasi parang ang close raw namin simula nang mag-college kami kaya minsan, tinatawanan ko na lang siya kasi paano niya nasabing close ako sa kaibigan niya kung lagi ko itong kaaway? Kinabukasan, parang binugbog ang utak ko dahil ang ilan sa mga item sa questionnaires ay hindi kasama sa mga nai-review namin. Most of it ay alam ko kaya medyo confident ako na makakapasa ako. Hiwa-hiwalay kaming tatlo ng room na pinag-exam-an at nang pumalo sa 3PM ang kamay ng orasan, pinapasa na sa amin ang mga papel at pinalabas. Hinintay ko sila sa hallway at ang una kong nakita ay si Kuya Gavin. Kinawayan ko ito't sinamahan ako nito sa paghihintay sa kaibigan niya. Nang lumabas ang hinihintay namin ay nakita kong salubong ang mga kilay nito at parang may iniisip kaya umandar ang pagiging masamang tao ko. I want to take revenge. Humalukipkip ako habang nakangisi at nang makalapit ito sa amin, binigyan ako into ng tingin na may pagtataka. "How's the exam?" "Okay?" "Why don't we play a game, Lie Jun?" "Game? Sali ako!" pagsapaw ni Kuya Gavin. "Kuya, para lang po ito sa mga may doubt na papasa sila." “Ako? May doubt?” Bumuga ng hangin si Lie Jun saka humalukipkip. "What game?" "Kung sinong bagsak, bibigyan ng wish ang mananalo." "What if parehas tayong pasado?" "Then pataasan ng score." "Bakit hindi mo ako isinasali, Pat-Pat?" pagmamaktol ni Kuya kaya humarap ako rito't tinapik-tapik ito sa balikat. "Then get ready to grant my wish." Kinuha niya as kamay ko ang paper bag na naglalaman ng mga pagkain namin saka ako nginisian. "Asa." "I already have a wish in mind. Hihilingin kong tumangkad ka. Pero kaya mo ba gawin iyon?" "Tse!" The results will come out a week after the test kaya balik sa normal ang buhay ko. Nag-aaral pa rin naman ako madalas pero hindi tulad ng intensity ng ginawa ko noong mga araw bago ang exam. Three days after the exam, nalunod naman ako sa pag-me-memorize ng mga tao na affiliated sa fashion. Buti sana kung pangalan lang nila ang i-me-memorize pero hindi kasi kasama iyong dates at iyong history nila. Naging escape ko ang cooking club dahil nakakakain ako ng libre dito at nakakapagluto pa. Patago ko na rin ginagawa ang onesie na para kay Kuya Gavin. I'm not sure if he's gonna like it kasi hindi naman siya iyong tipo ng tao na mahilig sa mga cute and fluffy na bagay but I still want to see him wear it. I asked for his measurements after taking the exam kaya nagtaka siya noong una kung bakit. Siyempre, nagsinungaling ako kahit ayoko para lang maitago ang regalo ko sa kaniya. On the day of the results' announcement, sinabi ko na sa rooftop kami tumambay habang naghihintay ng oras. Ang sabi sa school forum ay 4PM raw ito i-re-release at 15 minutes na lang, lalabas na ang resulta. "Jun, sa iniyo tayo mag-celebrate." Nanglaki ang mga mata ni Lie Jun sa sinabi ni Kuya. Sumandal siya sa railing habang nakatingin pa rin sa gulat na kaibigan. "Naghihirap na ako kaya makikikain ako sa iniyo." "No!" "Hindi naman ikaw iyong gagastos. For sure naman, si Ate Nora ang gagastos para i-celebrate ang pagkapasa mo. Besides, puwede tayo pumunta kina Pat-Pat para makikain." "No! Hindi puwede! Sa bahay mo na lang!" Umalis ito sa pagkakasandal sa tabi ni Kuya. "Walang pera si Tita!" "Dami-daming pinapaupahan ni Tita bukod sa business niya. Paano mawawalan ng pera iyon?" "Kuya Gavin," pagkuha ko sa atensyon niya kaya napatingin silang dalawa sa akin. "Sa bahay mo na lang. Baka kasi mabulabog natin iyong dormmates ni Huda—Lie Jun." "Dormmates?" "Oo! Dormmates! Mabubulabog sila, hindi ba, Gav? Makakaistorbo tayo kasi nga sa dorm ako nakatira, hindi ba?" "Ha? Kailan ka pa lumipat?" "Gaaaav!" Pinanlakihan nito ng mata si Kuya kaya hindi ko maiwasang matawa sa itsura nito. Parang inis na inis na kasi. "Ano bang pinagsasasabi mo? Alam mo, puwede naman tayo sa first floor kung ayaw mo makita namin iyong mask collection—" "Tangina, ang daldal naman!" Pumuhit ito paharap sa railing saka inihawak ang dalawang kamay rito. "Para ka naman kasing tanga umasta diyan. Ilang beses ko naman na nakita iyong collection mo kaya anong iniinarte mo diyan? Bakit? Ayaw mo makita ni Pat-Pat?" "Wait. Maskara?" Dahil nga nakaupo ako sa sahig, kitang-kita ko ang mukha ni Lie Jun. Para siyang defeated dahil nakapikit siya ng mariin habang nakatungo. "Oo. Hindi nga lang maskara, may mascot head pa. Sarap ngang sunugin. Nakakatakot kasi." "Hindi ba natatakot dormmates mo sa collection mo? Buti hindi ka nila sinisipa paalis?" tanong ko rito pero hindi ako nito sinagot. "Ano bang dormmates pinagsasasabi niyo? Kailan ka pa nagkaroon ng kasama sa bahay?" "Hindi siya sa dorm?" nagtatakang tanong ko pagkabaling ng pangin kay Kuya. "Ilang beses na siyang umuwi sa boys' dormitory, ha? "Ha? Magkapitbahay kayo, hindi ba?" Nanglaki ang mga mata ko habang siya naman ay tinignan ang kaibigan ng may pagtataka. "Bakit ka umuuwi sa dorm? Nag-iipon ka nga, mag-do-dorm ka pa?" "K-Kuya... kapitbahay?" "Oo? Akala ko kaya nag-uusap kayo dati kasi naging magkaibigan kayo since magkapitbahay nga kayo. If I'm not mistaken, magkatapat pa bintana niyo kaya sabi ko, ah, okay, kaya sila naging close kasi magkatapat kwarto nila." Lie Jun groaned kaya nabaling sa kaniya ang atensyon namin. Tumayo siya ng tuwid saka tumingin ng masama sa kaibigan. "Way to go. Talagang in-expose mo ako." Ikinaway niya ang kamay niya as if dismissing the topic saka inilabas ang cell phone. "Maghintay na lang tayo sa announcement." Habang naghihintay kami, hindi ko maialis ang tingin ko kay Lie Jun. Nadagdagan ang inis ko sa kaniya kasi sa mga pinaggagagawa niya, hindi na halos ako makatulog gawa ng takot na baka nga killer ang kapitbahay namin. All along, siya lang pala iyong lalakeng nakamaskara na kapitbahay namin. Kung alam ko lang, edi sana binuksan ko ang bintana ko noong araw na umuulan. Hindi ko maintindihan kung anong trip niya sa buhay. Bakit siya nagmamaskara tuwing umaalis at umuuwi? Bakit siya nakamaskara kapag lumalabas ng bahay? Hindi ba siya nahihiya kapag pinagtitinginan na siya ng mga tao? Naalis ang pag-iisip ko sa kaniya nang pumalo ang hinihintay naming oras. Kaniya-kaniya kami ng dukot sa cell phone namin para buksan ang resulta. Nagtatalon ako sa saya nang isang malaking Passed ang nakasulat sa ibaba ng status ko. Si Kuya Gavin, pasado rin at ang anak ni Hudas, mukhang nakahinga ng maluwag. Ang galing kasi kabilang kami sa sampung estudyante na i-ga-grant ng scholarship. Tumigil ako sa pagtili at pagtalon saka ko itinapat ang cell phone ko sa kanila. "As expected to the great me." Itinapat ko ang cell phone ko sa kanila para ipagyabang ang total score ko. Medyo na-bother ako dahil ngumisi si Lie Jun. "A-Anong score mo?" Isang salita lang ang lumabas sa bibig ko nang makita ko ang resulta niya. Fuck. Kuya Gavin has the lowest score among us. Second ako at ang anak ni Hudas ang pinagpala para manalo sa game namin pero hindi ko na muna ito iintindihin dahil binalot na ako ng kaba. Ipinangako ko kasi sa sarili ko na aamin na ako sa oras na makapasa ako. "Worship me, Patricia." pang-aasar ni Lie Jun saka suminyas sa lupa. "Bow down." "Puwede bang iwan mo muna kami?" mahinang pakiusap ko sa kaniya. "Bakit?" Nawala ang ngisi sa mukha niya at napalitan ito ng pagtataka. Hindi ako sumagot. Instead, pinakitaan ko lang siya ng ekspresyon na para bang nakikiusap. Mukhang nakuha niya naman ang gusto ko iparating. "Bili lang ako ng tubig." Kinuha niya ang bag niyang nakasandal sa railing saka ito isinabit sa isang balikat niya bago kami iniwan. "Anong mayroon, Pat-Pat? Bakit mo siya pinaalis?" Kinuha ko iyong bag ko iyong paper bag sa gilid ng bag ko saka ko ito ibinigay sa kaniya. Nagtatakang tinanggap niya ito saka sinilip ang laman. "Cotton na damit?" "K-Kuya, I decided kasi na kapag nakapasa ako sa scholarship, umamin na ako." "U-Umamin?" It pained me nang makita kong bothered siya sa narinig. Duon pa lang, pakiramdam ko ay alam ko na ang kalalabasan nitong confession ko pero gusto ko pa rin ito ituloy. "Senior high pa lang, gusto na po kita. You can say na love at first ako sa iyo. Hindi ko alam kung naniniwala ka pero iyon po kasi naramdaman ko. Simula noong araw na makilala kita, hindi na kita makalimutan tapos hinahanap-hanap palagi kita. Noong una, akala ko infatuated lang ako kasi gwapo ka pero napagtanto ko isang araw na hindi na pala ito simpleng crush – gustong-gusto na kita. I did everything para mapansin mo pero walang nangyari kaya naisip ko na sabihin na ng diretso sa iyo iyong nararamdaman ko. So... Kuya Gavin, I like you po." Hindi siya makapagsalita at nanatiling nakatitig sa akin. Basag na basag ang pagkatako ko dahil sa suot niyang ekspresyon. Halos isang minuto yata siyang nakatitig sa akin habang nakabukas ng bahagya ang bibig bago niya ibinaling ang tingin sa onesie na nasa plastic. Ang sabi ko sa sarili ko, tatanggapin ko kung anong magiging sagot niya pero ngayong nandito na ako, parang gusto ko nang bawiin ang sinabi ko at sabihin na nagbibiro lang ako. Pero sa sincerity na ipinakita ko, alam kong hindi siya maniniwala, lalo pa't nagsisimula nang mamasa ang mga mata ko. "P-Patricia... ano kasi..." "It's okay po." Pinunasan ko ang gilid ng mata ko gamit ang daliri ko saka ko siya nginitian. "It's okay." "I'm..." Bumuntong-hininga siya saka unti-unting ibinalik sa akin ang paper bag. "I'm sorry. I like someone else." Tumango ako saka ko hinigpitan ang pagkakahawak sa paper bag. "I understand po. M-Mauuna na po ako. Congrats sa atin." Kinuha ko ang kamay niya saka ko ako nakipagkamay sa kaniya bago ko siya tinalikuran at naglakad paalis sa rooftop. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko sa hagdan si Lie Jun, nakasandal habang nakatungo. Nag-angat siya ng tingin nang isinara ko na ang pinto. Nagsimula na akong bumaba pero naglakad siya't sinalubong ako kaya napatigil ako sa hagdan. "Patricia..." "Excuse me." Lalagpasan ko sana ulit siya pero humarang siya. Hinawakan niya ako sa pulso saka inilapag sa kamay ko ang panyo na dinukot niya sa bulsa niya. "Let's go home."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD