8

2395 Words
Patricia These two weeks, I've been spending most of my time studying. Maraming nag-apply for scholarship at naiintindihan ko naman kung bakit. Private ang pinasukan namin and the tuition fee per sem ay sobrang laki. This is my dream univ at laking pasasalamat ko lang talaga na apat-apat ang nagtatrabaho sa pamilya ko para lang makapasok ako rito. Tumigil rin muna ako sa paglalaro ng kahit ano para lang makapag-focus ako sa pag-aaral. Hindi ko muna kailangan ng distraction sa ngayon. At nakapagpasya ako na kapag nakapasa ako sa scholarship, aamin na ako kay Kuya Gavin. Medyo matagal-tagal ko na rin siyang gusto kaya siguro naman, dapat na ako umamin. Kung ano man ang kalalabasan, tatanggapin ko. Alam ko na malabong tanggapin niya ang nararamdaman ko dahil una, kaibigan niya ako at pangalawa, ni minsan, hindi siya nagpakita ng interes sa akin. Siguro interes bilang kaibigan, oo pero sa ibang paraan ko gusto maging interesado siya sa akin. Alam kong bata pa ako at naimpluwensiyahan lang ako ng mga napapanuod at nakikita ko sa kung ano-anong social media sites pero sa mga nakikita ko kasi, parang sobrang saya ma-in love, iyong hindi ba one-sided. There were guys that confessed back in high school pero wala sa isip ko noon ang maghanap ng boyfriend dahil nagsunog lang ako nang nagsunog ng kilay para makapasok sa univ na ito. Hindi kasi biro ang required GPA para makapasok rito kaya kapag naririnig ng iba kung saan ka nag-aaral at sinabi mong dito, sobrang taas ng tingin sa iyo kasi alam na matatalino talaga ang mga tao rito. Siguro may ibang idinadaan sa pera pero common knowledge na kasi talaga na matatalino ang estudyante rito. It's been quiet these past few days. Naging normal na routine ko na ang pagpasok ng maaga, diretso library, attend ng klase, punta sa club, pakainin si Lie Jun, attend ng klase tapos umuwi. Maganda rin ang kinalabasan ng pag-alok ko kina Kuya Gavin at Lie Jun na mag-apply dahil naging study buddies ko sila. Sa tuwing free time kasi namin, nagkikita-kita kami sa library. Kapag may isang hindi free, itutuloy pa rin ng dalawa ang pag-re-review. And Lie Jun surprised me to be honest. It's given na palaaral si Kuya Gavin pero si Lie Jun na masama ang reputasyon? Nagsusunog rin ng kilay? Hindi ko siya nakasama noong high school kaya hindi ko alam kung tulad rin siya ni Kuya Gavin pero sa reputasyon niya kasi, papasok talaga sa isip mo na hindi siya studious. Sabagay. Hindi siya makakapasok rito kung mababa ang mga grado niya. May dumagdag rin na isang bagay na kinatatakutan ko sa kaniya. Feeling ko kasi gusto niyang nakawin ang cell phone ko dahil nahuhuli ko siya madalas na patingin-tingin rito. Ayoko naman siyang tanungin at baka sabihin pinagbibintangan ko siya. Hindi ko naman masasabing namamalikmata ako dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kapag tinititigan niya ito sa tuwing nasa library kami. "The designing dates as far back as 1826. Charles Frederick Worth is believed to be the first of the world, from 1826 to 1895. Charles, who was earlier a draper, set up a fashion house in Paris. It was he who started the tradition of fashion houses and telling his customers what kind of clothing would suit them." I jotted down the name and dates na sinabi ni Ms. Rathana habang nakatingin sa mga picture ng damit na nakadikit sa white board. Palakad-lakad siya sa harap habang nagsasalita patungkol sa mga importanteng tao na konektado sa fashion. Imbis na ma-drain dahil panibagong aral na naman, super saya ko pa. Siguro dahil mahal na mahal ko ang fashion designing? Siguro. First time namin lumipat sa kwarto na ito at simula ngayon ay dito na raw kami magkaklase. Hindi ito ordinaryong classroom dahil kabila't-kanan ang mga tela sa bawat sulok ng kwarto, sa shelves at mayroon pa nga sa gilid ng elevated area kung saan nakatayo si Ms. Rathana. Puro rin manikin kaya sabi ng ibang ka-block ko ay medyo creepy daw. Siguro kapag gabi, creepy pero as a student of fashion designing, hindi ba dapat ay masanay sila sa itsura nito dahil ito ang tatayong model nila. Sobrang laki rin ng kabuuan ng kwarto kaya kahit ako, hindi makapaniwalang sa ganitong klase ako ng silid mag-aaral. "Trista," Kinalabit ko ang new-found friend ko na nakaupo sa harap. Lumingon naman siya sa akin habang nakangiti. "Grabe, ano. Ang ganda rito." "Sinabi mo pa. Mamaya na tayo mag-usap. Baka mapagalitan tayo." Mabilis na tumango ako habang nakangiti saka ipinagpatuloy ang pakikinig at pagsusulat ng mga idi-ni-discuss ni Ms. Rathana. Matapos ang discussion, pinag-drawing kami ng design na gusto naming gawin para sa mga upcoming activities. Binigyan kami ng themes at hinayaang maghanap ng inspirasyon gamit ang mga picture sa harap pati na sa Google. Simpleng loose shirt na may kunyaring smudge ng paint ang iginuhit ko, micro denim short at as footwear, I drew Doc Martens shoes. And for the finishing touch, beanie at mahabang buhok para sa model ko. Gustong-gusto ko kasi iyong mga ganitong klase ng fasion. It looks badass kasi. "Grabe, ang cute!" Ipinakita ko kay Trista iyong picture ng onesie na suot ng isang actor gamit ang isang kamay dahil iyong isa ay dala-dala ang mga pagkain namin ni Lie Jun. "Tignan mo!" "Patricia, if anything, mas interesado ako sa iyo." Inirapan niya ako pero tinignan pa rin ang picture sa cell phone ko. Katatapos lang ng klase namin at papunta na ako sa club. Medyo napagod lang kamay ko kanina kasi matapos kami pag-drawing-in, nagsulat pa kami ng sandamakmak na notes. At itong kaibigan ko, humaharot na naman. Pero alam ko naman na biro lang dahil may girlfriend siya. Nakakatuwa nga kasi parehas silang maganda. Binawi ko ang cell phone ko saka ako naghanap ng iba pang onesies. Kahit kasi pangbata ito, gustong-gusto ko pa rin ito. I just really love cute things. I'll make one someday and give it to Kuya Gavin. Pagkalabas namin ng building, naglakad kami papunta sa club. Nang madaanan namin iyong track, may nahagip ako. Nakita ko kasi si Lie Jun na nagbabasa ng libro habang nagsusulat sa notebook. Nakapuwesto siya sa gilid ng field sa ilalim ng puno kasi sobrang taas ng sikat ng araw. "Grabe." Napailing na lang ako habang nakangiti habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman kami malapit sa kaniya kaya malaya ko siyang matitignan. "Iyan iyong drug p****r, hindi ba?" Napatingin ako kay Trista dahil sa sinabi niya bago ko ibinalik ang tingin ko kay Lie Jun. "Buti hindi pa siya natatanggal rito?" That's true. Buti talaga hindi pa ito natatanggal rito kasi kumalat na sa buong campus iyong tungkol rito. Kung umiiwas na siya noon sa tao, mas malala ang pag-iwas niya nang makarating sa mga nakatataas ang balita. According to Kuya Gavin, sinubukan raw ito tanggalin dahil sa takot na mabahiran ng pangit na imahe ang school namin. Ang sabi, nag-stand up raw ito at nauwi pa nga sa drug test dahil hindi lang pagiging p****r ang nakakabit rito, kung hindi pati user. The tests came out as negative and they can't provide any evidence about the accusation kaya kahit kating-kati sila patalsikin ito ay hindi nila nagawa. Nakaramdam ako ng awa siyempre. Kahit kasi sabihin na takot ako rito, tao pa rin naman ako na hindi maiiwasang maawa sa nangyayari rito. Alam kong nahihirapan siya dahil ang bata niya pa para makaranas ng mga ganito kaya nga noong sinabi ni Kuya Gavin na pumayag itong mag-apply sa scholarship, ako pa ang nagyaya na sumali sa amin kapag nag-re-review kami. Imagine naman kasi, at the age of 18 or 19, babatuhin ka ng mga masasakit na salita. Alam ko na p****r siya. Ang hindi ko lang alam ay kung gumagamit ba siya nito at hindi ko rin alam kung hanggang ngayon ba ay nagtutulak pa rin siya. Do his parents even know about this? He's still just a kid, a person, a living and breathing human being kaya hindi ko na siya nilalayuan. This actually hit me noong araw na nabundol siya. I was not planning to talk to him that day. Hindi naman kasi siya naging madaldal sa game kaya naisip ko, baka kalaro lang talaga ang gusto niya, hindi kaibigan. Whenever we finish a match, ang sasabihin niya lang, ulit. Kung hindi ulit, isa pa. Hindi ko nga siya pinansin noon kahit nakita ko siya kasi baka ayaw niyang may kumakausap sa kaniya in public. He never even declared na kaibigan niya na ako kaya who am I to talk to him? But I want to be friends with him. Sa nakikita ko nitong nagdaang dalawang linggo, para sa akin, mabait naman siya. Nang magpunas siya ng noo gamit ang panyo niya, nakaisip ako ng ideya. Humarap ako kay Trista na nakataas ang kilay habang pinanunuod si Lie Jun. "Tris," Ibinaling niya ang tingin sa akin. "Pupuntahan ko lang siya." "Hindi ka ba natatakot sa kaniya o pati sa image mo? Baka pati—" "Tris, kaibigan siya ng kaibigan ko so I hope you stop bad-mouthing him." "Whatever. Mauuna na ako." Kumaway siya ng bahagya saka ako tinalikuran at naglakad paalis. Nilapitan ko na si Lie Jun at bahagya pa siyang nagulat nang makita akong nakatayo sa gilid niya. Kinuha ko iyong tumbler sa bag ko saka ko ito iniabot sa kaniya. "Hindi na ako magtataka kung mag-top ka sa examination." Nag-isang linya ang labi niya habang nakatingin sa tumbler. Ang akala ko nga hindi niya ito kukuhanin. Ibabalik ko na sana ito sa bag ko nang bigla niya itong hablutin sa kamay ko. "Thanks." aniya matapos uminom. "Tumayo ka na diyan. Kain na tayo." "Anong dinala mo?" Isinara niya iyon libro pati na ang notebook niya saka ito pinagpatong. Nag-Indian sit siya saka ininspeksyon ang dala kong paperbag na naglalaman ng mga baunan. "You'll find out kapag nakarating na tayo sa club. It's a secret." Amusement is evident on his face as he looked at me. "Since when did you become chummy with me?" "Wala lang. Naisip ko lang na lagi kong sinasabihan si Kuya Gavin ng ganiyan so bakit hindi ko rin subukan sa iyo?" Ibinalik niya ang tingin sa hawak kong paper bag saglit pero napunta ang mga mata niya sa kamay ko. "Anong nangyari sa kaliwang kamay mo?" Iniangat niya ang kamay niya saka itinuro ang ilalim ng kamay ko. "Bakit nangitim iyong ilalim?" Tinignan ko ito at oo, ang itim nga. "Nag-drawing kasi kami kanina." "You're a lefty? Alam mo ba na once, left-handed people were thought to be evil?" Inirapan ko siya't itinuro ang kaliwang kamay niya na may hawak na ballpen. "So hindi lang pala ako ang masama rito?" "Now you're making fun of me." "I forgot. Hindi nga pala tayo magkaibigan. Sorry." Umiling siya't pumihit para kuhanin ang bag sa gilid niya. May kinuha siya rito saka ito iniabot sa akin. Pack ng wet wipes? "Punasan mo iyan." Niligpit niya ang mga gamit niya at ipinasok ang mga libro sa bag nang tanggapin ko iyong pack saka tumayo. "Akin na muna iyang paper bag para malinis mo iyang kamay mo." Iniabot ko ito sa kaniya saka ako kumuha ng isang pirasong wipe sa pack at pinunasan ang ilalim ng kamay ko. Habang inaalis ko ang marka ng lapit sa kamay ko, naglakad na kami papunta sa club room. Nang makarating kami rito, ang bungad sa amin ay may dalawang wala pero itutuloy raw ang planong activity. "Nakuha na namin iyong funds ng club natin kaya makakabili na tayo ng ingredients para sa activities natin!" masayang anunsiyo ni Marian na sinundan ng palakpak namin dahil sa magandang balita. "Since wala pa tayong ref dito, mag-sa-submit pa kami ng request form para magkaroon tayo. Hopefully hindi i-cut sa budget natin iyon." "Anong plano niyo gawing activity natin?" tanong ko habang inilalabas ni Lie Jun ang mga baunan namin mula sa paper bag. Tinignan niya muna ang laman ng mga ito saka ibinigay sa akin ang isa. Nilagyan niya na rin ako ng kutsara't tinidor sa ibabaw nito kaya mahinang nagpasalamat ako bago ko ibinalik ang atensyon kay Marian na nasa unahan. "We'll be making pastries." Nagbulungan sila at ako, na-excite kasi never pa ako nakagawa ng kahit anong pastry. Naisip ko rin na kapag nakagawa ako, gusto kong bigyan si Kuya Gavin sa araw na mag-co-confess ako. Iyon ay kung pumasa ako sa scholarship program. I sighed dreamily saka ako sumalongbaba gamit ang dalawang kamay ko. Ini-imagine ko pa lang iyong scenario kung saan tinanggap ni Kuya Gavin iyong gawa ko tapos sinabi niyang masarap natutuwa na ako. What more kapag nag-confess ako matapos ko siya bigyan ng pagkain tapos sinabi niyang parehas kami ng nararamdaman? Baka hindi ko kayanin. As I giggled, naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Lie Jun pero binalewala ko ito. Kaya lang, nakalimutan kong masama siyang tao. Paano ba naman, inialis ang mga kamay ko mula sa pagkakasalongbaba. "Bakit?" "Nakakatakot ka. Ano bang iniisip mo?" Hinawakan niya iyong kutsara't tinidor niya matapos buksan ang baunan saka sumubo rito. May naisip ako pero kailangan ko tatagan ang loob ko. Kaya huminga muna ako ng malalim bago ako humarap kay Lie Jun. "Lie Jun?" "Hmm?" Bakit ba ayaw niya munang tumigil sa pagkain? Kinakausap ko kaya siya. "May tanong lang sana ako." "Hmm?" "May idea ka ba kung anong ideal girl ni Kuya Gavin?" Nabitawan niya ang mga hawak niya saka itinakip sa bibig ang mga kamay niya habang paulit-ulit na umuubo. Hinablot ko iyong tumbler ko na ininuman niya kanina saka ko hinagod ang likod niya. "Okay ka lang?!" nag-aalalang tanong ko. Napatayo na rin ang mga ka-club namin habang nakatingin sa kaniya. Uminom muna siya at nilunok ang nasa bibig bago ako tinignan. Umuubo pa rin siya pero tumigil rin kaagad nang mahimasmasan na siya. "Sa tingin mo, okay ako?! Akala ko mamamatay na ako! And what kind of a question is that?! He's your friend! Why the f**k are you asking me?! Shouldn't you know that?!" "Kaibigan ka rin naman niya! At saka, magtatanong ba ako kung alam ko?!" pasigaw na sagot ko dahil medyo nag-twitch ang utak ko sa ginawa niyang pagsigaw. Halos pabulong ko nga lang siyang tinanong para hindi marinig ng iba tapos sisigaw siya ng ganuon. "Do you think I know?! What?! You think I have the need to ask him what his type is?! Anong pakielam ko duon?! It's not like I'm gonna benefit on doing so!" "Can you stop shouting?!" "Then stop asking stupid questions! If you want to know, go ask him yourself!" Iyong takot ko sa kaniya, nalusaw dahil sa ginawa niyang pagsigaw-sigaw sa akin. I know na nagkaroon na ng idea ang mga kasama namin tungkol sa pinag-uusapan namin. Kung gusto ko i-broadcast ang tanong ko, sana isinigaw ko. Hindi rin siya nag-iisip, eh! Bwisit na Chinese na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD