7

2011 Words
Lie Jun She isn't that bad. Iyan ang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko matapos namin maghiwalay ni Patricia. Masaya rin ako kasi maayos na ang cell phone ko. Sa totoo lang, kung may pera naman ako, ako na lang ang nagpaayos nito pero hindi naman ako mayaman kaya kahit ayoko makasalamuha ang kaibigan ni Gavin, tinuloy ko pa rin. But then again, she isn't that bad. Kaya nga kahit medyo nag-aalangan, niyaya ko pa rin siya na makipaglaro sa akin. Kahit siguro hindi ko na burahin sa isip niya iyong takot sa akin, gusto ko lang isipin niya na I'm not that bad of a person. Sa kagustuhan kong mag-umaga kaagad, hindi ako nakatulog ng maaga. Ang rami kasi ng pumapasok sa isip ko na kung ano-ano. Ang aga ko pa man rin nahiga para makatulog kaagad pero nauwi sa 2AM ang pagtulog ko. Nang magising ako, cell phone ko kaagad ang tinignan ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil 6AM pa lang. Kahit antok pa lang ay bumangon na ako dahil baka makatulog ulit ako. Napahikab ako pagkaalis ko sa kama saka nag-stretch. Nagbanyo na rin muna ako para magmumog at maghilamos saka ako naghanda ng almusal. Nang maihanda ko na ang mga kakainin ko, itinabi ko sa gilid ng plato ang cell phone ko. Naka-open na rito ang AOV ko at hinihintay ko na lang na mag-online si Patricia. Inubos ko na rin ang dalawang baso ng kape ko dahil baka antukin ako. Nang mag-6:45AM na ay tinignan ko ang friend list ko at napangiti nang makita kong online na siya. Mag-me-message na sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko kasing mag-isip siya ng kung ano. Baka sabihin niya, hinihintay ko talaga siya kaya naglaro na lang muna ako ng isang beses para makita niyang in-game ang status ko. After the match, pinindot ko kaagad iyong chat dahil may red dot ito, indicating a new message. I saw her IGN and immediately composed a reply. PatPat: Hi. Kanina ka pa? Chocnut: Not really. Kaka-online ko lang and I just played a match. PatPat: Laro na tayo? Chocnut: You better not feed. We played all throughout the day at natapos lang kami ng maggagabihan na. Ang tanging pahinga lang namin ay lunch para masulit ng husto ang event. Medyo nagugulat lang ako sa kaniya dahil despite being a girl, she knows how every role work in AOV and it's amazing that she's good at every hero. Lumabas tuloy na binuhat niya lang ako para tumaas ang rank. Napaisip nga ako kung sinwerte lang ba ako noong nag-1 on 1 kami. Maaga ako gumising kinabukasan para mag-bike. Naging routine ko na kasi ito sa tuwing papasok ako at madilim pa lang ay umaalis na ako. I'm looking forward to seeing Patricia. I want to thank her for playing well yesterday since I wasn't able to. Pagkasabi niya kasi kagabi na kailangan niya na umalis, biglaan na lang siya nawala. Ang hirap kasi makahanap ng kakampi na marunong sa MOBA kaya gusto ko talaga magpasalamat. Matapos ang 30 minutes na pag-ba-bike, pumunta ako sa IT department at ipinarada ang bike ko sa gilid nito. Sinigurado ko muna na nakakandado ito bago ako pumasok. Kakaonti pa lang ang estudyante dahil maaga pa at ipinagpapasalamat ko naman iyon dahil ayoko masira ang mood ko kapag binato nila ako ng mga tingin na hindi ko magugustuhan. Naglaro at umiglip lang ako saglit sa rooftop dahil mamaya lang ay may klase na ako. Nang tumunog ang alarm ng cell phone ko, inayos ko na ang sarili ko saka ako bumaba. Kinuha ko ulit ang bike ko at sinakyan ito. May isang oras pa ako kaya nagpalipas ulit ako ng oras sa pag-ba-bike. Ang akala ko nga, hindi ko makikita si Patricia pero nakita ko siyang naglalakad habang may yakap-yakap na mga libro. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nag-ba-bike at nagsalubong ang mga mga kilay ko dahil hindi niya man ako pinansin. Why the f**k did she ignore me? Huminto ako sa pag-andar habang nakasunod pa rin ang mga mata ko sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa paglalakad at kahit gusto ko siyang habulin para itanong kung anong problema niya, hindi ko na ginawa. Literal na nilagpasan niya lang ako at imposibleng hindi niya ako nakita so bakit hindi niya man lang ako tinignan? "Aaahhh!" Napatingin ako sa likuran ko dahil may sumigaw at saktong pagkatingin ko, may bumanggang bike sa akin. Napatumba ako pati na iyong babae. Napahawak rin ako sa hita ko dahil napuruhan ito. Tinignan ko iyong babaeng nakabangga sa akin. Tumayo ito at itinayo rin ang bike. Hirap na tumayo ako dahil medyo masakit saka ko ito nilapitan. "Bulag ka ba?!" inis na tanong ko rito. "S-Sorry." "Ang lawak-lawak ng daan!" Nahagip ng paningin ko ang tingin ng ibang estudyante sa paligid pero wala akong pakielam. Inis na inis ako ngayon. "Kung bobo ka mag-bike, huwag kang gumamit!" Dala ng galit, sinipa ko ang gulong ng hawak niya kaya sa puwersa, napatumba siya pati na ito. Napawak ako sa hita ko dahil sa pagsakit nito. Ang naipangsipa ko kasi ay iyong napuruhan. "Hoy! Gago ka, ha?!" Napatingin ako sa lalakeng sumigaw at patakbong lumapit sa amin matapos tanggalin ang pagkakasabit ng bag sa balikat. At dahil nga nakahawak ako sa binti ko, hindi kaagad ako nakatayo ng maayos. Madali akong naitulak ng lalake kaya napaupo ako. Dinuro ako nito't tinignan ng masama. "Tarantado ka! Ang angas mo, ha?! Nag-sorry na nga, hindi ba?! Bago ka lang rito; huwag ka magyabang! Tangina mong adik ka!" Nilapitan ito ng dalawang lalake at pilit na inilalayo sa akin pero hindi ito nagpatalo dahil gusto pa rin nito kumawala para makaabante papunta sa akin. "Wala kang karapatan mag-angas, ha?! Tangina kang p****r ka!" So he knows. Great. Akmang tatayo na ako para bumawi kahit pa nahihirapan ako pero natanga na lang ako nang may naglapag ng mga libro sa tabi ko. I was dumbfounded dahil si Patricia ito. Tumayo siya sa pagitan namin ng lalake habang pilit na pinakakalma ito at humihingi ng tawad. Nilapitan niya rin ang babae saka ito tinulungan sa pagtayo. Matapos niya mapakalma iyong lalake at humingi ulit ng tawad sa babae ay humarap siya sa akin. Bumuntong-hininga siya saka inilahad ang kamay. "Ano bang ginagawa mo?" tanong nito sa mahinang tono. "No need." Hirap na inalalayan ko ang sarili ko patayo at itinayo rin ang bike. Tinalikuran ko siya nang mahawakan ko ang manibela ng bike saka ako iika-ikang naglakad papunta sa direksyon ng clinic. Tangina lang. Ang sakit. Sobrang lakas kasi ng pagkakabangga sa akin. "Lie Jun, tutulungan na kita." Lumapit siya sa akin saka inilagay ang dala niyang mga libro sa metal basket sa harap ng bike ko. Kukuhanin niya sana sa akin ang bike pero tinapunan ko siya ng tingin para ipaalam na hindi ko kailangan ng tulong niya. "Go away." "Kailangan mo ng tulong." "I don't need your help. As a matter of fact, I don't need anyone's help." Napatigil ako dahil humarang siya sa harap ko saka hinawakan ang harap ng basket. "Just let me." "Hindi mo ba sila narinig? I'm a druggie, Patricia. I'm a p****r. And I know you know that. Bakit ka ba nagpupumilit na tulungan ako?" I shook her off from holding the bike saka ako naglakad paalis. It's a good thing na hindi na siya sumunod kasi kapag naaalala ko iyong pag-ignore niya sa akin kanina, umiinit ulo ko. Para akong napahiya kasi in-e-expect ko, papansinin niya ako. Ipinarada ko muna iyong bike sa tapat ng nurse's office saka ako pumasok rito. Sinabi ko ang nangyari at habang ginagamot ako, biglang dumating si Gavin. "Ano na namang pinaggagagawa mo?" "Accident." "Accident? Nanakit ka na naman ng babae." "Why did she have to tell you that?" I sighed then winced nang hawakan ng nurse ang parte ng hita ko na napuruhan. "Siraulo." Binatukan niya ako saka umupo sa tabi ko. "Si Pat-Pat? Siya nagsabi sa akin na puntahan ka rito pero iyong ka-block ko iyong nagsabi ng ginawa mong eksena sa labas." Tumingin siya sa nurse saka nag-crossarms. "Okay lang po ba siya?" Tumango iyong nurse saka tumayo ng tuwid. "Okay lang siya. Bibigyan ko lang ng gamot kasi namamaga." Nang tanggapin ko ang ilang piraso ng gamot at reseta at matapos ang ilang paalala, lumabas na kami. Binalikan namin ang bike ko kaya nang makita ko ang mga libro dito, ang unang pumasok sa isip ko ay gusto ko makita si Patricia. Ang dami kong gusto sabihin sa kaniya – pasasalamat, paghingi ng sorry kasi naging bastos ako kanina when all she wanted was to help at gusto ko siyang yayain maging ka-duo kapag maglalaro. I also want to ask her as to why she ignored me when we were chatting in-game just fine yesterday. "Bookworm pa rin hanggang ngayon?" biro niya nang makita ang mga libro sa basket. Ibinaling ko sa kaniya ang atensyon ko. Itatanong ko sana kung nasaan ang kaibigan niya pero nahihiya ako. Baka kasi kung anong isipin niya. Pero kasi gusto ko ito makita para masabi ang gusto ko sabihin. Sa buong araw ng paglalaro namin kahapon, nakalimutan ko hingiin ang number ni Patricia. Pero ngayon, ewan ko kung bakit tinamaan ako bigla ng hiya. Hindi ko alam kung nasaan iyong tapang ko the night before I told her to have my phone fixed. I don't usually get shy about things like this. Kapag gusto ko, I'll ask them directly pero ngayon, dinadaga ako. Maybe because she isn't really my friend. Looking back, siguro masyado kong in-impose ang sarili ko sa kaniya. Everytime we finish a game kasi, sasabihin ko sa kaniya, isa pa. I don't know what has gotten into me. But right now, I need to see her. I just need to think of a way para hindi malaman ni Gavin na gusto ko itong makita. "Gav—" Sinapawan ako ng pagtunog ng cell phone niya. Kinuha niya ito sa bulsa niya saka sinagot. "Hello, Pat-Pat? Yeah. He's with me." Tumingin siya sa akin saka ako sinimangutan. "Pinatatanong niya kung okay lang na kausapin ka." Bagsak ang balikat niya nang iniabot niya sa akin ang cell phone, na tinanggap ko naman. "Seriously. What's with you two? Are you guys close?" "Patricia?" bungad ko pagkatapat ko ng cell phone sa tenga ko. "Lie Jun? Hi. Uhh... Iyong mga libro ko kasi, nadala mo." Napatingin ako sa mga libro niya. "Where are you? Dadalahin ko." "Kahit ako na lang pumunta diyan. Medyo malayo kasi ito." "Just tell me where you are." "Pero nabunggo ka kanina." Napapikit ako't napabuntong-hininga. Bakit kasi hindi niya na lang sabihin? "Patricia, just tell me." "Okay. Nasa conference room ako sa tabi ng auditorium." Sumama sa akin si Gavin papunta sa nasabing lugar. Ang sabi ko nga, kahit ako na lang pero ayaw naman pumayag kasi baka mapaaway na naman ako't madagdagan ang pasa ko. At dahil sobrang kulit niya, pumayag na lang ako. Medyo nagtaka ako kung bakit may mga estudyanteng nakaupo sa mga silya na nasa corridor. On the first place, bakit may mga upuan sa corridor? Nakita ko si Patricia na nakaupo sa hanay ng mga estudyante kaya itinuro ko ito kay Gavin. Nang makalapit kami rito ay ibinigay ko na ang mga libro. "Anong mayroon?" tanong ni Gavin habang inililibot ang paningin. "May announcement kasi for scholarship application. Gusto ko mag-take part para makabawas ng gastos sina Mama. Sumama na rin kayo kung hindi kayo busy. Sayang kasi. Para makapag-apply rin kayo." Dali-daling tumabi ang kasama ko sa kaibigan niya saka ako hinila sa tabi niya. Napagitnaan tuloy namin siya. Inilabas nilang dalawa ang cell phone nila saka ipinakita ni Patricia ang mga kung ano-ano sa kaniya. I want to get her number. I obviously can't talk to her about the shits I want to say kasi nandito ang kaibigan namin kaya maigi nang umalis. Isa pa, may klase rin naman ako kaya kailangan ko na talaga umalis. Mamaya na lang ako mag-i-inquire about sa scholarship. Kailangan ko iyon. Nagpaalam ako sa kanila't umalis. Nang makabalik ako kung saan ko ipinarada ang bike ko, napabuntong-hininga na lang ako. Inilabas ko ang cell phone ko, hoping a miracle would happen that I'll see a message from her but of course, there's none. Bakit ba kasi ako nahihiya? Nakakainis. At bakit ko ba kasi binura iyong number niya? Tinawagan niya na ako dati kaya na-register ito sa cell phone ko pero dahil nga hindi ko pa talaga siya kilala, binura ko. Nakakainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD