6

540 Words
THISA’s POV After ng masasayang nangyari sa mga nakalipas na araw ay heto si Mel at sobrang lungkot. Nasabi na niya sa akin sa text kaya alam ko na at nalulungkot din ako. “Thisa, paalam na. Sayang hindi ko na masasaksihan ang love story ninyo ni Hanz your love. Kung kailan malapit na kayong maging close saka pa kami aalis.” Malungkot na sambit sa akin ni Mel. “Sobrang ma-mi-miss kita, Mel. Ikaw ang kauna-unahang tao na sumakay sa pagka-praning ko sa isang lalaki. Yung support mo talaga, sobrang kakaiba. Sayang, naka-ilang buwan ka na rin dito. Sana hinintay muna na matapos itong school year bago kayo lumipat ng probinsya. Kaya lang ay kailangan. Kung papayag lang sana parents mo, pwede ka sa bahay namin tumira.” “Kung pwede nga lang e, kaya lang hindi naman papayag ang parents ko. Saka hindi naman tatanggi ang school kaya pwede pa akong mag-transfer. Babalitaan mo ako kung ano ang update sa lovelife mo ha. Malay mo balang araw magkita pa tayo. Kapag napunta kami ng Manila, dadalawin kita o di kaya ay i-message kita para magkita tayo. Huwag kang papaapi sa kalaban nating Belle ang pangalan na kabaligtaran naman ang hitsura.” Wika nito sa akin at matagal kami nitong nagyakap. “Isipin ko pa lang ngayon na aalis ka na, sobrang nalulungkot ako. Payakap nga uli.” Wika ko rito. “Miss Martin, pinapatawag kayo ni Ma’am Domingo.” Nang lingunin ko ang nagsalita ay ito ang nakita kong kaklase namin na naglalakad papasok sa village. “Okay, salamat. Di ba taga San Antonio Village ka?” tanong ko sa kanya. “Oo, taga-roon ka rin ba?” “Oo, nakita kasi kita minsan. Ako pala si Thisa. Anong pangalan mo?” “Ako si Ivy. Iisang village lang pala tayo. Tara na, hinihintay kayo ni Ma’am Domingo.” Muli niyang sambit. Muntikan na naming makalimutan kung bakit nga pala siya pumunta sa amin ni Mel. Nawala si Mel at si Ivy ang nalipat sa tabi ko. Siya na ang lagi kong kasama. Naging bestfriend ko si Ivy kahit may mga differences kami. May pagka-introvert si Ivy pero palaban siya kapag may katwiran. Natuklasan ko pa na ang papa niya ay officer din ng Village dahil ang Daddy ko ang Presidente naman. Madalas ko siyang isama sa bahay para gumawa ng mga assignments. Kapag group project naman kami ang partner. Nakakahiya nga kay Ivy dahil ang Tito Dougz ko at kasama niyang babae ay pahamba-hambalang sa sala. Minsan nasa may pool. Napakalandi talaga ng tito ko. Hindi ko na nakikita si Hanz. Ewan ko ba kung bakit nawala na lamang siyang bigla. Minsan iniisip ko nga ay nagtatago na ito dahil sa kanyang girlfriend. Hindi na rin sila sa quadrangle nag PE. Lumipat na sa auditorium. Ganoon din kasi kami. Malayo ang auditorium sa classroom namin. Baka pagpunta at pabalik sa classroom ay ubos na agad ang oras. Nalaman ni Daddy na classmate kami ni Ivy. Dito siya nagbilin na kapag uwian na ay yayain na agad ako ni Ivy. Bawal na daw magpa-late ng uwi dahil uso ang mga puting van na nangunguha ng mga estuudyante. Kaya wala na talagang oras para ma-hunting ko pa si Hanz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD