THISA’s POV
Ngayon ang araw ng aming intramurals. Ayos na ayos kaming dalawa ni Mel. Kailangan maganda para bawi naman sa muling pagkikita namin ng aking mg loves.
Ako lang naman ang ilalagay sa pinaka-tuktok ng gagawing pyramid. Buo naman ang tiwala ko sa mga kasamahan ko. Naging close kami sa araw na araw na practice. Sakripisyo talaga dahil ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita ng aking Hanz my love. At ngayon ang araw para sa muli naming pagkikita.
“Goodluck, team! Anuman ang mangyari, matalo o manalo para sa akin ay proud na proud ako sa inyo. Lahat kayo bigay todo kaya ilaban natin ito! One for all, all for one!” at sabay – sabay kaming nagpalakpakan after naming umayos na pabilog.
Punung-puno ang auditorium lahat ng estudyante from freshmen to seniors ay narito para suportahan ang bawat representative ng grade level. Mauuna na mag-present ang cheering squad.
Bunutan ang gagawin at kailangan ng representative ng bawat team.
“Thisa, ikaw ang leader kaya ikaw ang bumunot doon.” Sabi sa akin ng aming trainor.
“Okay po, Sir.” Gay si Sir pero syempre respeto pa rin sa kanya ang tawagin siyang Sir. Sa labas lang pwede magbiruan. Kapag nasa loob ng school dapat ibigay pa rin ang respeto.
Si asungot ang bubunot para sa fourth year. Sila ang una at kami naman ang last. Parang nauna lang ang mula sa matanda pabata. May time pa kaming mag-relax. Mapapanood din namin ang presentation nila. Bukod kay Mel, nadagdagan na ang kaibigan ko. Si Mabel, Jona at Lhen. Mga kaklase ko sila na kasali rin dito sa cheering squad namin. Ang hindi sumali yung kaklase ko na nakatira rin sa village namin. Hindi ko pa siya nalalapitan dahil busy ako masyado.
Pinaupo na kami ng emcee at magsisimula na raw ang performance.
Napataas agad ang kilay namin at lumapit pa si asungot kay Hanz para mag-flying kiss. Tuksuhan naman sila samantalang kami ay naiinis kaming magkaibigan. Ganoon na rin yung tatlo. Alam na rin nila ang tungkol kay Hanz.
“Ang landi talaga niya!” bulong ni Mel.
“Sinabi mo pa! Ang kapal kapal naman ng make-up. Naka-suot pa ng stocking. Siguro maraming peklat iyan,” bulong din ng tatlo. May kanya-kanya silang sinabi.
Unang sabak pa lang nila ay nagkamali na siya ng sayaw. Panay kasi ang pa-cute sa Hanz ko. Nagtatawanan na lang kaming lima sa napapanood namin. Nagkalat masyado si asungot. Mukhang matatalo sila sa amin. Mas maganda kasi ang formation namin pati ang music na pinili namin. Isama pa ang maganda naming chant.
Sumunod ang grade 9 at sinundan ng grade 8. Kami na ang susunod.
Tumayo na kami para kami naman ang mag-perform.
“Guys, ibigay natin ang best natin. Anuman ang result, maging proud tayo sa sarili natin. Kaya natin ito!” sigaw ko sa kanila at tumakbo na kami sa gitna ng court. Nagpuntahan na sa kani-kaniyang pwesto.
Tumingin pa muna ako sa direksyon kung saan ko natanaw kanina si Hanz. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay sa akin ito nakatingin. Nakangiti naman ako sa simula ng pumunta kami sa gitna at iyon ang lagi kong sinasabi sa mga kasamahan ko. Dapat naka-smile para ramdam ng mga audience na masaya kami sa ginagawa namin.
Tumunog na ang drum. May count kami at kasunod nito ang pambato naming tugtog. Ako ang unang sumayaw, saglit lang naman bago sila susunod sa akin. Sigawan ang lahat kahit hindi namin ka-grade level ay nakiki-ingay. Kaya mas lalo naman kaming ginanahan. Nawala ang takot na kanina ay nasa dibdib ko. Syempre may kaba pa rin pero hindi ko sa kanila ipinahalata. Isa pa, kailangan kong galingan dahil nanonood ang aking Hanz.
Buong performance namin ay ang ingay nila. Sigurado na panalo na kami dahil audience impact pa lang, perfect score na kami. Nasa itaan na ako. Pero may part ng mata ko ang nakatingin kay Hanz. Kitang kita ko na napanganga pa ito at medyo lumapit pa. Ano sasaluhin ba niya ako? Concern ba siya sa akin? Hindi ko alam pero gusto ko ang aking nakikita dahil nakuha ko ang kanyang atensyon. Nasa akin ang kanyang mata. Mas tumindi ang sigawan ng itaas ko pa ang aking isang. Para akong nag ballet sa itaas ng pyramid. At ng ipahulog ko ang sarili ko ay biglang tumahimik. Nang makita nila akong lumabas sa karamihan at pumunta muli sa unahan para sumayaw ay isang malakas na namang hiyawan. Ngayon nasa harapan na ako ni Hanz habang sumasayaw. Mas malinaw ang nakikita ko, napa-wow siya sa ginawa ko. Isang mapang-akit na tingin ang iniwanan ko rito bago ako tumakbong muli papunta sa may gitna para sa pagtatapos ng aming performance.
Sabay-sabay kaming nag-bow at malakas na palakpakan muli ang nakuha namin.
"Wow! They're so amazing! Are they really in Grade 7? They seem like professionals in the cheering squad field!" sambit ng isang emcee. Tuwang-tuwa naman kami habang umiinom kami ng tubig. Hindi ako sa sinabi niya natutuwa sa nakita kong reaction ni Hanz. Proud kaya siya sa akin?
"Okay ladies and gentlemen, relax for a moment before we announce who the winner is. Gusto ba ninyo na kami muna ang sumayaw habang hinihintay natin ang final result?” joke pa nito sa mga student. Mga teacher din sila sa school. Ito lang ang kanilang part. Sila ang host at ang ibang teacher ay may hawak din na sariling committee nila. Ilang araw kaming walang pasok dahil ang gagawin namin ay manood ng mga games. Syempre, dito kami sa basketball manonood dahil nandito ang aking my loves.
Nag-umpisa na ang pag-announce ng winner. Lahat naman ay may place at ang nasa last placer ang siyang unang tatawagin at ang grade 10 iyon. Ang 2nd runner – up ay grade 8. Ang natitira na lamang ay ang grade 9 at grade 7.
"And the first runner-up goes to... Grade 9. Congratulations to our champion for this year's cheering squad competition, Grade 7!" hiyaw ng emcee. Pinatugtog ang drum at masaya kaming nagtakbuhan sa gitna ng court. Walang pagsidlan ang kasiyahan namin. Lahat kami ay masayang masaya. Nagtatalon pa kami habang hawak-hawak at bumilog kami. Lahat ay masaya sa resulta. Lahat ay pumapalakpak. Para kaming nanalo sa UAAP kahit wala kaming confetti na sinasalo rito.
Ang alam namin ay masaya kaming lahat. Si Hanz agad ang hinanap ng aking mga mata at nakita ko itong pumapalakpak hanggang sa nilapitan it oni asungot at kinuha nito ang atensyon ng aking Hanz.
Hindi kami umuwi ng mga kaibigan ko at manonood pa kami ng laro. Grade 10 at grade 9 ang maglalaban. Suot pa rin namin ang pang-cheering namin na damit. Naka-upo kami katapat ng pwesto nila Hanz. Para makita niya na nandito kami.
Madami rito ang nagpapansin sa amin. Pero sorry sila dahil isa lang ang gusto kong pansinin at makita si Hanz lamang. Hindi lang maganda sa view namin ang babaeng asungot. Sa tuwing may time-up ay ito ang nagbibigay ng towel at tubig sa aking Hanz.
Sana ako ang nandoon. Sana ako ang taga-abot dito. Hindi ko mapigilan na hindi mapatili kapag na kay Hanz ang bola. Nandito siya ngayon sa side namin at akmang mag-shoot siya.
“Go Hanz! Shoot that ball for me!” sigaw ko at napatingin ito sa akin pagbitaw niya ng bola.
“Salvador for three points!” ani announcer at kitang kita ko na itinuro ako ni Hanz pagka-shoot niya. Sabay – sabay kaming nagtitili ng mga kaibigan ko. Kulang na lang ay himatayin ako. Para sa akin ang three points niya.
Matapos ang laro ay pumunta agad kami sa daraanan ng mga players.
“Congratulations sa inyo,” bati ng mga kaibigan ko.
“Congratulation, Hanz,” wika ko rito pagdaan sa harapan ko. Sandali itong tumigil at tiningnan ako. “Congratulations din, ang galing mo kanina. By the way, I’m Hanz. What’s your name?” inilahad pa nito ang kanyang kamay.
“I’m Thisa,” aabutin ko na sana ang kanyang kamay na nakalahad nang biglang may humablot dito. Ang babaeng asungot.
“Anong ginagawa ninyo dito? Nagpapansin na naman ba? Umalis na kayo, doon kayo!” hinila na nito si Hanz. Lumingon naman si Hanz sa akin at tumango.
“Sayang! Bakit kasi wrong timing lagi ang pagsulpot ng bruhang asungot na iyon? Maglalapat na ang mga kamay namin eh.” Naki-ayon naman ang mga kasama ko. Dumiretso na rin kami sa rest room pero hindi na rito baka makasabay pa namin ang babaeng asungot na iyon ay mapagtulungan pa namin.
Masaya pa rin ako dahil napansin na ako ni Hanz. Mahaba – haba ang maisusulat ko nito at puro masasayang titigan. At ang three points shoot na para sa akin. Sobrang pinakilig ako ng aking Hanz. Sulit na sulit ang ilang linggo naming hindi pagkikita.