HANZ’s POV Mainit pa rin ang ulo ng aking mahal. Hindi ko alam kung paano ito pakalmahin dahil ngayon lang nangyari na may pinagselosan ito. Dapat pala ma-warning-an ko si Roel. Baka mag-kwento ito kay Thisa, mas lalong magwala ito. Nagtapat nang nararamdaman niya sa akin si Elaine noon bago kami matapos ng college. Lagi kaming magkasama sa ginagawa naming thesis. Hindi ko pa naman girlfriend si Thisa noon ngunit may pangako ako sa kanya na hintayin niya ako. Siya lang ang gusto ko kaya kahit ipag-alukan na sa akin ni Elaine ang katawan niya ay hindi ko siya pinatulan. May katawan kung sa katawan si Elaine, pero hindi ko gusto iyon. Si Thisa lang ang laman ng puso’t isipan at laging nasa panaginip ko. Kaya mahirap ibaling sa iba ang aking atensyon pagdating sa babae. Hindi pa rin niy

