HANZ’s POV Ilang araw na kaming hindi nagkikita ng aking mahal. Nagkataon na pareho kaming busy na dalawa. Ako sa trabaho. Nagkataon na pinadala ako ni Daddy sa malalayong branch ng negosyo namin. Kaya ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Kahit sa video call ay hindi namin nagagawa dahil walang signal sa area na napuntahan ko. Miss ko na siya, alam ko na ganoon din siya sa akin. Nakabalik na ako, siya naman ang busy. Hinahapit nila ang kanilang thesis kaya ang huli niyang paalam sa akin ay bawal ang paggamit ng phone o anumang social media para makapag-focus sila sa kanilang ginagawa. Pinagdaanan ko iyon nung College kaya alam ko ang feeling. Nasa opisina kami ni Roel ng dumating sina Elaine at ilan pa sa mga kaibigan namin. “Kumusta?” bati nito sa akin at akmang hahalikan ako. A

