THIRD POV Umuwi na ng bansa ang pamilya ng mga Salvador. Kasunod din na umuwi ang Mamita at Daddy ni Thisa. Si Thisa at Andy kasama si baby Ethanz ay susunod din sa pag-uwi matapos lang ayusin ang dokumento ng sanggol. Si Hedy muna ang mangangasiwa ng kanilang negosyo, habang nasa US pa ang dalawang kaibigan. “Baby Ethanz, tahan na ikaw. Nag-sho-shower lang ang mommy mo. Gusto mo bang kargahin ka ni Tita Ninang?” hindi alam ni Andy ang gagawin kay Ethanz, ngayon lang ito nag-iyak nang ganito. Kinarga niya ang sanggol at isinayaw ngunit ayaw pa rin nitong tumigil sa pag-iyak. Napansin nito ang kanyang phone, ibinaba niya saglit si Ethanz at sinubukan na tawagan si Hedy. “Tita Hedy, sagutin mo ang video call namin ni baby Ethanz. Baka miss ka na niya. Miss mo na baby ang Tita Hedy?”

