HANZ’s POV Mag-isa lang ako sa bahay ngayon. Ilang linggo rin mawawala sina Mommy at Daddy. Graduation na ni Hedy at uuwi na ito sa bansa. May bubuksan silang negosyo ng kanyang mga kaibigan. Tatlo silang magkakasosyo. Nagpatulong pa ito kay Roel para sa pagkuha ng mga tao. Kasama na ang pagpapahanap ng magiging pwesto ng kanilang negosyo. Events organizing ang kanilang business. Suportado rin naman ng parents namin kaya okay lang din sa akin. Kasama sa ike-cater nila ay wedding. Kung nandito si Thisa, pwede na kaming magpakasal sana. Hindi na kami mahihirapan pang mag-ayos kung event organizing ang business nina Hedy at mga kaibigan niya. Pwedeng ang kapatid ko pa ang kumanta sa aming kasal. Sa simbahan sa may school ko balak magpakasal. Mga malalapit lang na tao ang aming iimbita

