THISA’s POV Nakauwi na kami ni baby Ethanz sa bahay. Ang mga kaibigan ko nakakatuwa, dito na sila nag-stay sa bahay. Okay lang din naman dahil pauwi si Daddy sa Pinas. May kailangan lang siyang gawin. Nakakapanibago ngayon, dahil wala na yung mabigat sa aking tiyan at ngayon may isang baby na hinahanap ako para dumede siya sa akin. Mabait si Ethanz, hindi siya mahilig sa karga dahil iyon ang turo ni Mamita – huwag sanayin sa buhat si Ethanz. Tatlo kaming nag-aaral kung paano ang pagsusuot ng damit. Medyo nakakatakot dahil maliit pa ang kanyang katawan at kapag nagkamali ng hawak ay baka mabalian. Hindi na uso ang lampin na sinasabi ni Mamita na ginamit pa niya sa akin nung baby pa ako. May lampin na rin na tulad ng diaper. Mas madaling isuot. Hindi ako mahihirapan mag-alaga dahil

