HANZ’s POV Napapadalas ang panaginip ko tungkol sa baby. Mukha muna ni Thisa at susundan ng isang sanggol. Nagising ako na pawisan. Nagpasya muna akong bumaba ng kwarto para maka-inom ng malamig na tubig. Naka-ilang buntong hininga na ako. Hindi mapalagay ang puso ko. Pakiramdam ko nagpa-palpitate ako. Ngayon lang ito nangyari sa akin. Ang palaisipan sa akin ay bakit laging yung sanggol ang napapanaginipan ko? Si Thisa, normal na sa akin dahil lagi ko siyang naaalala pero yung baby hindi ko naman siya iniisip. Napabilang ako ng buwan simula ng iwang ako ni Thisa. Nasa kulang eight months na. Hindi kaya buntis siya noong umalis siya? Pero malabo dahil nagbibilang naman kami sa calendar at kung hindi naman ay may iniinom siyang pills. Kaya napaka-imposible na buntis siya at manganga

