THISA’s POV Matapos ang kasal ni Tito Dougz at Ivy, nagkaroon na ako ng time para ma-meet ang mga kaibigan ko noong College. Sina Mabel, Lhen at Jona. Pati sila ay hindi ko na rin naka-usap noong panahon na nasa US ako. Nandito kami ngayon sa binyag ng anak ni Jona. Huli na ng malaman niya ang tungkol sa business namin para sa events organizing. Nagkita kami ni Jona noong nakaraan sa mall. Hindi naman kami nakapag-tsismisan ng matagal dahil pareho kaming nagmamadali. Nagpalitan lang kami ng number nito at kinagabihan ay tinawagan niya ako. May anak na rin pala siya at magpapanbinyag kaya kinuha akong Ninang ng kanyang anak. Para kaming nag-reunion na apat. Si Ivy ay hindi makakapunta dahil busy sa mga babies nila. Apat ang kanyang padedehin. Hindi sila ganoon ka-close pati dahil si

