HANZ’s POV Ipinag-drive ko na sina Thisa. Dinaanan namin sina Hedy sa opisina nila. Sa gagamiting venue ng tito niya ang punta namin. Gusto ni Thisa na hands on sila sa event na ito. Maselan daw ang tito niya at ayaw niyang mapahiya lalo na’t siya ang dahilan kung bakit napatagal pa itong kasalan. Hindi siya kaagad makaka-uwi sa unang date na gusto ng mag-asawa. Kasal na ang tito niya at si Ivy. Naka-live pa nga noong ginawa iyon, kaya napanood namin. Inaasar ko pa si Roel dahil hindi man lang siya nabigyan ng chance. Sabi niya crush niya lang naman noong high school pero nung pumunta kami kanila Thisa wala na dahil napansin na niya si Tito Dougz ni Thisa na bumabakod kay Ivy. Pagdating namin sa area ay binuhat din naman niya si Ethanz. Naiwan ako, si Ethanz ang isang reason kung ba

