HANZ’s POV Magiging abala na masyado sina Thisa at Hedy dahil sa napapalapit na kasal ng Tito ng aking mahal. Dahil sa laki ng event ay aligaga na sila. Wala pang katulong si Thisa kaya laging kasama si Ethanz. Kailangan nilang pumunta sa venue at narinig ko na may kausap si Roel. “Marami akong ginagawa,” sagot niya sa kanyang kausap sa telepono. Nakaipit ito sa kanyang leeg, bahang nakikipag-usap dito at ang kanyang kamay naman ay nasa keyboard. “Sinong kausap mo?” nakitanong na ako rito. “Ah, eh, si Hedy, boss. Nagpapa-drive po sila papunta sa venue. Kasama po nila si Ethanz at walang available na driver si Mr. Martin.” Sagot sa akin ni Roel. “Ako na lang! Ikaw na muna bahala rito sa opisina.” Mabilis kong sagot sa kanya at nagmadali akong nagpunta sa bahay ng mga Martin. Nando

