HANZ’s POV Galing ako sa bahay ng mga Martin. Dadalawin ko sana ang mag-ina ko kaya lang ay wala sila. Walang idea ang katulong na napagtanungan ko. Wala na rin sa bahay nila si Mr. Martin at ang Mamita naman niya ay nasa bahay ng Tito Dougz niya. Tinawagan ko si Hedy. “Yes, Kuya,” sagot ng aking kapatid sa kabilang linya. “Galing ako sa bahay nina Thisa, wala raw ang mag-ina sa bahay nila. Alam mo ba kung nasaan sila?” tanong ko sa kapatid ko. Wala na akong pwede pang pagtanungan kundi sa kanya lamang dahil magkaibigan naman sila. “Nasa opisina sila ni Ethanz. Doon mo na lang puntahan. Kung ayaw ka niyang kausapin ay huwag mong pipilitin. Baka sa akin naman magalit si Ate Libz.” May pag-aalala sa boses niya. Wala naman sa plano ko na idamay sila kung anuman ang problema namin ni Thi

