THISA’s POV Ito lang ang mahirap dahil sa akin dumedede si Ethanz ay hindi kami pwedeng magkawalay. Naaagad ang aking gatas. Ang lakas niyang dumede. Kasama ko siya dito sa office. Wala pa akong nakukuhang yaya at dahil sanay naman ako na mag-asikaso sa kanya ay hindi ako naghahanap ng makakatulong. Pero hindi pala kapag may trabaho ka. May mga kailangan akong asikasuhin dito sa opisina. Ilang araw na lamang at kasal na nina Tito Dougz at Ivy. Nagkita na kami ng bestfriend ko at naiintindihan naman niya ako dahil ganoon din siya at si Tito Dougz. Itinago nila ang relasyon nila pati ang panliligaw sa kanya ni Tito. Quits lang kaming dalawa. Hindi pa rin kami makapag-bonding ng matagal dahil tulad ko ay nagpapadede rin siya sa quadruplets. Gumanda na ang katawan niya. Nahinog na ang da

