THISA’s POV Naka-block na sina Hanz at Roel sa aking messenger. May nagpadala ng message and out of curiosity ay nabuksan ko ang ipinadalang pictures at video. Ang s*x scandal ni Hanz at Elaine. Hindi ko lang sure kung sa akin lang ito ipinadala o naka-upload na sa internet. Likuran lang ni Elaine ang makikita, pero si Hanz, kitang-kita ang kanyang mukha. Kuhang-kuha ang facial reactions niya at maririnig ang mga ungol nila. Hindi ko alam kung ilang minute iyon. Hindi ko masikmurang panoorin. Tila pinupunit ang puso ko sa pinakamaliit na piraso. Wala na silang itinira sa akin. Magdamag akong nag-iiyak. Mas lalo akong namuhi kay Hanz. Ayaw ko na siyang makita. Tapos na ang lahat sa amin. Dahil sa pangyayari mas lalong dapat hindi na kami magkaroon pa ng kaugnayan. Itinapon lahat ni Hanz

