THISA’s POV Birthday ko ngayon, dapat masaya ako. Kanina ko pa pinipigilan ang pagluha dahil sa lungkot na nadarama ko dahil kasama namin si Ivy at Tito Dougz. Ang daming plano ni Hanz para sa araw na ito pero ang lahat ng iyon ay nauwi sa wala. At wala na ring Hanz sa buhay ko. Pilit ko mang itago ang sakit na nararamdaman ko hindi ko pa rin mapigilan ang hindi umiyak habang papalipad ang eroplanong sinasakyan namin. Pinili kong maupo sa nakahiwalay na upuan kanila Mamita at Daddy. Habang pinagmamasdan ko ang papaliit nang papaliit na mga gusali hanggang sa natakpan na sila ng mga ulap ay walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha. May maliit pa na parte ng puso ko na nangungulila kay Hanz pero hindi na pwede. Hindi ko na makakayang magtiwala pa sa kanya pagkatapos ng nangyari.

