THISA’s POV Nagsisimula nang lumobo ang aking tiyan. Ang bilis pala. Sabagay mag-three months na raw ito sabi ng Doctor. Hindi ko naman alam ang pagbilang. Noong magpa-check up lang ako saka ko nalaman kung ilang weeks na. Kaya ngayon habang tumatakbo ang araw, lumalaki rin sa loob si baby. Hindi ako rito pahiga-higa. Lagi akong busy dahil makakabuti rin ito pagdating ng araw na manganganak ako. Ayon kay Mamita, kapag tagtag mas mabilis manganak. Kaya ako naman kahit ilang buwan pa bago manganak ay laging nag-walking sa paligid ng aming tirahan. Dahan dahan naman. At saka sabi ni Doc, malakas ang kapit ng baby, pero kailangan pa rin na mag-ingat. Pumapasok na rin ako sa College rito. Sa University of San Francisco ako pumapasok. School at bahay lang ako. Si Daddy ang naghahatid at sumu

